Jonelle's Note :
Nanghihingi po ako ng pasensya guys, medyo matagal na po ang pag-a-update ko dahil medyo naa-adik na ako sa AlDub. Nagiging tambay na rin ako sa twitter na ni minsan ay hindi ko nagawa. Kaya, pasensya na po.-- So, the chapter starts here ---
Pigil hiningang binuksan ko ung pinto. Bahala na. Bahala na kung si Ethan para ang makita ko. Bahala na talaga.
Madiin pa akong pumikit nung binuksan ko ung pinto."Ma'am, delivery po" isang magalang tinig ang aking narinig dahilan para magmulat ako ng aking mga mata at unti unting tumango.
Teka, akala ko si Ethan ang darating pero bakit sya --
"Ahh, anong ginagawa mo--" hindi ko na natapos ang sinasabi ko ng basta na lang syang sumabat.
"Tungkol ba kay Ethan? Actually, nandito ako para ipadala ung message nya. Hindi sya makakapunta dahil alam mo naman na sikat na sya" at pagkatapos ay tumawa lang sya. Napangiti na lang ako ng pilit dahil nagbalik na naman sa alaala ko ung binalita nung nakaraan tungkol sa boyfriend ko daw si Darren.
"U-ung lang ba?" naiilang na tanong ko.
Natahimik sya at nag-assume akong wala na syang sasabihin kaya tumalikod na ako pero hindi pa ako nakakahakbang ay naramdaman kong hinawakan nya ang kamay ko dahilan para lingunin ko sya.
"Naiinis ka ba sakin?" hindi ako makatingin sa kanya.
"Let me guess, tungkol to dun sa balita tungkol na girlfriend kita,right? Look, I'm sorry Chiara, I'm really am" I sense na seryoso sya dun sa sinabi nya kaya nag-angat ako ng tingin para makita sya only to find out na nakangiti sya.
"I'm sorry rin. Alam ko naman na hindi totoo ung balita at ginawa lang naman nila yun para sirain ang pangalan ko,righ" sabi ko pero hindi ko maintindihan kung bakit parang biglang nawala ung ngiti nya sa mukha.
Nabahala ako kaya tinanong ko sya.
"Something wrong?" Umiling iling lang sya at sandaling hinaplos ang pisngi ko dahilan para ma-weirdohan ako sa kanya.
"No.Nothing.I just want to say na bagay talaga kayo ni Ethan. " at pagkatapos nyang sabihin 'yon ay hindi parin nawawala ung lungkot sa kanyang mukha.
"Tell me, ano ba talaga?"
Biglang nagbago ang hitsura nya at ung ung malungkot nyang expression ay naging serious.
"Gusto ko ng sabihin sayo ang totoo dahil ayoko ng pinapaaasa ang sarili ko. Since that day, nung lumabas ang balitang 'yon napakasaya pero in the other hand, alam kong hindi mo gusto ung balita dahil you only think of me is just a plain friend." he paused and looked at me straightly in the eye habang nakalagay ang mga kamay nya sa balikat ko. "Hard to admit pero tinanggap ko. Nakakahiya mang aminin pero since that very day that I saw you. I promised to myself that I will court you"
Natapos ang araw at hanggang ngayon ay hindi parin nawawala sa utak ko ung sinabing 'yon ni Darren. Naguguluhan na ako. Ang bilis bilis ng pangyayari, halos hindi na ako makahabol pa sa sobrang bilis.
---
Lumipas ang mga araw at tuluyan na talaga akong naging artista. Nagkaroon kami ng isang show ni Ethan at kami ang lead. Sabi ng ilan ay isa daw sugal ang kanilang ginawa dahil sa hindi naman ako kaganung sikat dahil sumikat lang daw ako sa social media dahil lang sa pagpo-post ko ng mga edited pictures namin ni Ethan.Simula nung araw na naging tunay na artista ako ay dumami ang mga fans ko at dumami rin ang mga haters. Inagaw ko daw ang posisyon ni Jana.
Hindi ko na lang pinansin yon. Ayokong madamay pa sa kanila kaya pinigilan ko ang sarili kong patulan sila.
Tungkol naman kay Darren,ayun halos hindi na kami nagkikita. Marahil umiiwas na rin sya o ako ang umiiwas dahil dun sa nangyari ng araw na 'yon. Pakiramdam ko kasi hindi ko kaya na may isang taong mag-confess sakin ng feelings nya dahil alam nyo naman NBSB. Dahil akala ko kasi si Ethan ang magiging first and last boyfriend ko kaya pag may nagko-confess ay basted kaagad.
Tungkol naman kay Ethan, masasabi kong isa talaga syang magaling na artista. Napakagaling nya umarte, sa harap ng camera napaka-sweet nya pero sa real life akala mong may sakit akong nakakahawa kung makaiwas sya.
At tungkol naman sa mga paparazzi, syempre tinanong nila ako kung going strong na ba kami ni Darren, syempre sinabi ko ang katotohanan na hindi kami. Kaya ang nangyari nung araw na 'yon ay nagtrending na naman ako sa Twitter 1st place sa philippines at sa worldwide naman at top 5.
"Sige po. Goodbye po" pagpapaalam ko sa mga staff. Nagpaalam na rin sila sakin. Tapos na kasi ang shooting para sa araw na 'to at uuwi na ako.
Lumabas na ako and to my surprise, may isang kotseng nakaparada na naghihintay para sa sakin. Maglalakad pa sana ako papalapit sa kotse ng may narinig akong may salita dun sa may likuran ko dahilan para mapalingon ako at wrong move dahil sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa.
"E-ethan" halos nauutal kong bigkas ng pangalan nya.
Pero imbis na tumungon ay nakatingin lang sya sakin ng diretso sa mga mata at pagkatapos ay sinabing ...
"Tara na, hinihintay na tayo ni Earl" at pagkatapos ay naglakad na sya. Nilagpasan nya lang ako na parang hangin at pagkatapos ay sumakay na sya sa kotse nya. Kaya ganun na rin ang ginawa ko, sumakay na rin ako sa kotse nya hanggang sa makarating kami sa pupuntahan namin.
Buong byahe ay tahimik lang kami. Ni music nga wala. Balak ko na nga sanang ilabas ang ipod ko at magpatugtog ng christian music pero pinigilan nya ako.
Like duh! Ang ganda ganda kaya ng christian music , nakaka-enlighten.
Pagkatapos nung hindi nya ako pinayagang nagpatugtog ay napangalumbaba na lang ako hanggang sa nakarating kami sa pupuntahan namin.
"Bumaba ka na!!" natigilan ako nung tumigil na ang sasakyan at tumigil ito sa isang restaurant.
Akala ko nagkamali lang ako ng pandinig kaya pinaulit ko.
"A-ano?" nilingon nya ako at sinamaan nya ako ng tingin.
"Bingi ka ba o sadyang nagbibingi-bingihan lang?"
BINABASA MO ANG
My Make-Believe Boyfriend ✔️
Teen FictionHandsome Actors Series Book 1 Pretending to yourself that someone likes you means you're only hurting yourself She wished nothing but her crush will start to notice her existence but it failed. Almost everyday she hoped that one day he will notice...