Chapter 14

1.4K 29 0
                                    

Nilibot ko ang aking paningin. Totoo ba 'tong mga nakikita ng mga mata ko ngayon? Nasa isang napakagandang hardin ako ngayon na punong puno ng mga bulaklak na masasabi kong hindi mo dito sa pilipinas matatagpuan.

Naglakad na rin ako at inilandas ang kamay ko sa bawat bulaklak dito sa paligid ko. Napaganda. Parang isang napakagandang panaginip ang lahat. Isang panaginip na kahit kailan ay ayoko ng muling magising.

"Mahal .." hinahanap ko ung pinanggalingan ng boses. Umikot ako para makita kung sino ung nagsalita pero hindi ko sya makita at parang sa isang iglap nakatayo na sya sa may unahan.

Hindi ko makita ang mukha nya dahil nakatalikod sya. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit agad akong tumakbo at nung nasa tapat ko na sya at niyakap ko sya ng mahigpit. Isang mahigpit na yakap na nagsasabing 'Maraming salamat at nandito ka'

Naramdaman kong bumawi rin sya ng yakap dahilan para may mga ngiting gumihit dito sa 'king mga labi.

"Mahal .." nag-angat ako ng tingin sa kanya. Pero ang nakakabigla ay hindi ko maaninag ang mukha nya. Anong meron at hindi ko makita ang mukha nya? Bakit blurry ang mukha nya pero ang katawan nya malinaw pa sa sikat ng araw.

Sino sya ?

"Sino k—" hindi ko pa natatapos ang pangungusap na sasabihin ko ng basta na lang nya nilapat ang labi nya sa labi ko. Napapikit sya para maramdaman ng maigi ang pagkakalapat ng mga labi namin sa isa't isa pero ako nanatiling nakamulat ang aking mga mata.

Hihiwalay na sana ako ng halik na 'yon ng bigla nya akong hinila papalapit sa kanya dahilan para mas lalong lumalim ang halik. Wala rin sa sariling napapikit ako.

Tell me ... sino ba talaga 'tong lalaking kahalikan ko?

At bakit nya ... kinuha ang first kiss ko?

"Wake up, already!" agad akong napamulat ng mga mata ng may narinig akong malakas na sigaw. Nilibot ko ang aking paningin at isang panaginip lang pala ang lahat. Hindi totoo ang lahat dahil hanggang ngayon ay nandito parin pala ako sa kotse ng lalaking 'to na nuon ay minamahal ko pero ngayon kinaiinisan ko na. Aish!

Sinimangutan ko lang sya. Naalala ko na naman kung bakit ako nandito sa kotse nya. Nag-cross arms pa ako para mas lalong bumagay.

"Ibalik mo ako ng school" utos ko sa kanya dahil napansin kong wala na kami sa school at nasa open ground na kami. Ano ba 'tong lugar na 'to?

Saan ba ako dinala ng lalaking 'to?

"Ayoko" madiin nyang saad dahilan para uminit ang ulo ko. Aba't talaga 'tong lalaking 'to. Ginigigil ba ako nito?

"At bakit?" pagmamaldita ko. Tinaasan ko pa sya ng tingin habang nakacross arms pa ako at pagkatapos ay inirapan ko pa sya. Nakakainis ang lalaking 'to.

"E, sa ayaw ko ,e" hindi ko alam kung nagpapatawa ba ang isang 'to o ano dahil lalo lang akong naiinis sa kanya at hindi ako natutuwa.

"Kung ayaw mo, edi bababa na ako" pagkatapos kong sabihin ay pilit ko ng binubuksan ang bintana nitong kotse nitong lalaking 'to. Pero, mukhang inaasar talaga ako nito dahil nakalock.

"Ugh! Nakakainis ka!" i shouted at the top of my lungs that cause him to laugh. Anong nakakatawa ?

"Ginusto mo 'to kaya panindigan mo" madiin nyang sabi. Nilingon ko naman sya at sinamaan ko sya ng tingin. Malapit na sa boiling point ang pagkakakulo ng dugo ko.

"For someone's sake, hindi ko ninais na maging ganito ang lahat. Back then I was just some hopeless romantic na umaasang magiging boyfriend ko ang isang artista na kagaya ng isang Nicholas Ethan Evans ..." nanatili lang syang nakatingin skain at nakikinig. Hindi ko alam kung anong nararamdaman nya ngayon dahil blanko ang ekspresyon nya.

My Make-Believe Boyfriend ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon