Chapter 45

1K 20 0
                                    

• Darren Thomas Fabio's Pov •

Hindi ko na pinansin si Charisse, aaminin ko naiinis ako sa kanya dahil sya na ang dahilan kung bakit nagbago ang kaibigan ko tapos nandito muli sya ngayong nagiging maayos na ang lahat.

"Darren, bro, okay ka lang ba?" tanong sakin ni Jess habang inabot sakin ung canned coffee. Tinanggap ko naman yun at nagpasalamat sa kanya. Tumango na lang sya bilang tugon.

"Darren, ano ba talagang nangyari at putok ang labi ni Ethan?" muli akong humigop dun sa canned coffee at inayos ko muna ang upo ko bago ko sinagot ang tanong nya.

"Nothing much. Sadyang may inayos ko lang ang gulo kanina" sagot ko at pagkatapos ay muli akong humigop dun sa canned coffee.

"Gulo? May naging problema ba?" concern na tanong nya na napagdesiyunan kong hindi na lang sagutin at tumayo na at itapon na ang canned coffee na may natitirang konting pang laman.

Sinundan nya naman ako. Pero hindi ko na lang yun pinansin at pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad ko pabalik dun sa room ni Chira pero hindi pa ako nakakadalawang steps ay tumigil muna ako at nagsalita.

"Tara na , bumalik na tayo"

----

•• Cara Allison's Pov ••

Palipat lipat ang tingin ko kay Chiara at kay Ethan. Ano bang problema ng lalaking 'to at ngayon lang sya nakarating? Hindi na ba ganung kahalaga para sa kanya ni Chiara na kailangan pa syang puntahan ni Darren para lang pumunta dito sa may ospital?

Pasimple kong naikuyom ang kamao ko habang tahimik na nakatingin kay Ethan. Aaminin ko, marahil ay hindi pa naikukunwento sakin ni Chiara ang lahat pero may pakiramdam ko na may kagagawanan dito ay si Ethan.

Agad ko namang iwinaksi saking isipan ung inis dahil agad itong tumingin sakin. Umayos naman ako ng upo at umarteng hindi ako nakatingin sa kanya.

Sandali nya lang akong tiningnan at pagkatapos ay muli nyang binalik ang paningin kay Chiara na hanggang ngayon ay di pa rin gumigising, hinawakan nya na rin ang kanang kamay nito at hinalikan ang palad nito at pagkatapos ay hinalikan din nito ang noo nito.

----

•• Nina Chiara Cooper's Pov ••

May naramdaman akong may naglapat ng labi sa noo ko. Hindi ko agad minulat ang mga mata ko bagkus ay pinakaramdaman ko muna ang nangyayari. Maaari kasing isa lang 'tong panaginip.

At pagkatapos ay naramdaman kong may malambot na labi din na humalik sa labi ko. Kahit nakapikit ako ay hindi ko napigilan ang pagkabigla, Omo! sino kaya 'to?

Teka, imumulat ko na ba ang mga mata ko? Excited na akong makita kung sino yung humalik sakin pero kinakabahan ako. Mabilis at malakas ang tibok ng puso ko. Omo! Paano na 'to.

Pasimple akong huminga ng malalim para walang makahalata , mahirap na kasi baka may makakita mabisto pa ako ng wala sa oras.

Ito na . Imumulat ko na ang mga mata ko.

Ito na talaga.

"Ethan, pwede ba kitang makausap?" agad binuksan ni Darren ang pinto dahilan para agad malipat sa kanya ang atensyon ng lahat kaya hindi na nila napansin na minulat ko na ang aking mga mata.

Seryoso ang mukha ni Darren at mukhang seryoso din ang pag-uusapan nila.

Nakita kong tumango naman si Ethan kahit nakatalikod ako. Alam ko kasi ang body built nito kaya di na ako nabigla. Pagkatapos nito ay sumunod na rin si Ethan kay Darren at lumabas na rin ito ng kwarto.

"Chiara ..." agad nalipat ang atensyon nilang lahat sakin.

My Make-Believe Boyfriend ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon