*Credits to the rightful owner of the book cover. 🫶
***
"Boys!! Omg, you came!"
Masayang sinalubong ng babae ang apat na lalaking bagong dating.
"Stop calling us that, Eunice. we're older than you." Nagsungit agad ang isa sa mga ito.
"Oh what is it, a bad hair day?" Hula nito sa pagsusuplado ng lalaki. Ito lang naman ang pwedeng maging dahilan ng pagsusungit nito, kapag nagulo ang kanyang buhok.
"You look stunning, baby girl." Sunod na bati naman ng isa na ikinangiti ng dalaga.
"Tell me something I don't already know, Dash." Pagbibiro nito.
"You really made it to Italy huh? congrats."
"What, like you didn't see it coming?" Natawa ang dalaga nang makitang umiling lang ito na parang dismayado "Crey, I was just kidding!" tawa pa nito.
Kita sa mga mata ng dalaga ang labis na tuwa sa suportang pinapakita sa kanya ng mga kaibigan. Alam niya kung gaano ka abala ang mga ito sa mga buhay nila kaya ang pagpunta nila sa mahalagang araw niya ay talagang malaking bagay para sa kanya. Sandali pa ay malaki ang ngiti nitong si Eunice nang bumaling sa lalaking hindi man lang nag abalang bumati sa kanya.
"Hey, aren't you gonna congratulate me?" Siya ang unang kumausap dito. Masaya siya, pero lalo siyang sumaya gayong nandito ito at pinuntahan siya.
"Congrats." Bagama't ganito lamang ang isinagot nito ay nagpalaki na ng ngiti ng dalaga.
"Thanks!" Ngiti nito. "I really thought you're not gonna make it, but I'm glad you did."
"As if we always go every time you invite us 'no? ako kaya ang may pinakamaraming attendance sa amin at to think apat na beses lang 'yon, ah!" Panunumbat pa ng tinawag niyang Dash kanina
Ikinairap ito ng dalaga "Yeah, right. Good thing hindi niyo na ako ininjan ngayon."
"Well, you're not the only one who's making a name here." Sabat niyong unang nagsalita kanina. Ngayon ay nakangisi na ito.
"Whatever, Frankenstein."
Tuluyan silang pumasok sa loob at pumwesto sa mahabang lounge na bakante. Prenting umupo roon ang mga binata na parang pagmamay-ari nila itong buong lugar.
"Okay then dahil mapilit ka, congratulations, you've come this far." Muling nagsalita ang binata kanina nang maupo ito.
"This.." Tiningnan ito ng dalaga tsaka inilibot ang tingin sa buong studio "Is a dream come true, but this is not yet the goal I have in mind."
Nang may mapadaan malapit sa kanila ay tinawag ito ng dalaga "Michael!"
Nakasuot ito ng makulay na damit at mayroong pulang scarf sa leeg "Yes, dear?" Sa tono palang ng pagtatanong nito ay alam na nila kung ano ang lahi nito: french. Lumapit ito sa babaw at napabaling sa mga binatang kasama nito "My oh my, what do we have here? I wasn't informed that there would be some guys in this shoot." Hindi nito maalis sa mga binata ang kanyang tingin "Hmm.. magnifico.. they are?" Puno ng pagkamangha ang boses nito nang bumaling sa babae. Natawa pa ito.
"Oh they are not part of the shoot, Michael. They are just here to support me." Paliwanag ng babae at bumaling sa mga kaibigan na parang ipinagmamalaki ang mga ito.
"Your friends? No way.." Muli nitong nilingon ang mga binata na ngayon ay nakikinig lang sa kanila at animo'y hindi na bago sa kanila ang makatanggap ng ganitong mga papuri. Bahagya pa nitong naitagilid ang kanyang ulo "With their looks alone they can be a model. Wait, are they already? Because these faces should be in billboards, magazines, and buildings!" Buong ngiti itong humarap sa babae "Dear, they can be an asset to our studio!"
YOU ARE READING
He's In Trouble
Teen FictionAnd when they thought she got it all, she, who is a combination of sweetness and spice, turned out to be very empty inside. yet the void within her will soon be filled with the pieces of him.. [[The book cover is not mine. Credits to the rightful ow...