Kabanata 16

39 2 0
                                    

Dumiretso na ako ng library at nakitang kaunti nalang ang tao roon. Mag- aalas sais na kasi at alas sais ang closing dito. Sandali lang ako roon dahil dalawang libro lang naman ang hiniram ko pero parehong makakapal na klase.

Habang naglalakad palabas ng eskwelahan ay nahirapan pa ako sa mga dala-dala ko. Usually kasi ay hindi naman mabigat ang dala kong bag. Ngayon lang dahil pinadala sakin ng isang prof namin sa isang subject ang mga test papers na iniutos niyang check-in ko, na dapat ay siya naman ang gumagawa. Napabuntong hininga na lang ako dahil may pupuntahan pa'ko bago umuwi.

Nang makalabas ay agad na akong naghanap ng masasakyan. Inisip kong mag jeep dahil hindi pa ako kailanman nakakasabay doon pero naisip kong magtaxi na lang para mas madali at mabilis. Kinakabahan din akong magjeep mag- isa lalo pa ngayong mag gagabi na.

Kahit medyo madilim na ang kalangitan ay marami pa rin akong nakikitang estudyante sa labas. Napansin ko ang isang grupo ng mga kalalakihan na masayang nag-uusap- usap hindi malayo banda sa kinatatayuan ko.

May mga nakasuot na jersey ang Ilan sa kanila kaya naisip kong mga players sila ng basketball team ng school. Agad na may hinanap ang paningin ko at umasang makikita siya roon pero hindi. Kung nandyan naman siya ay agad ko siyang mapapansin dahil may ganon siyang epekto sakin.

Nagulat ako nang biglang tumunog ang cellphone ko kaya naihulog ko ang bitbit kong mga libro. "Shit!" Pupulutin ko na sana ito ng may nauna sakin. Nagulat ako sa biglang pagsulpot niya. Ni hindi ko na naman siya naramdaman!

"Thanks." Sabi ko ng maiabot niya sakin ang dalawang libro. Ni hindi ko na nasagot ang tumawag sa phone ko. tatalikod na sana ako nang hawakan niya ako sa braso. Nakaramdam ako ng kuryenteng dumaloy doon nang gawin niya iyon.

"Why are you still here? Gabi na, sinong kasama mo?" tumingin-tingin pa siya kung saan, mukhang hinahanap ang kasama ko.

"Wala. ako lang." Sagot ko at napatingin sa kamay niyang nakahawak parin sakin.

"Where's Serena? Don't tell me.. you're going home alone?" lalong nangunot ang noo niya.

Naramdaman ko ang paglapit ng mga lalaki kanina na ngayon ay sigurado na akong mga kaibigan niya kaya mabilis kong inagaw ang braso ko na hawak niya.

"Naks! Ano yan ha?" Agad na panunukso sa kanya ng isang lalaki. Nang tumingin siya sakin ay nakilala ko agad kung sino siya. Dash.

"I didn't know, may ganito na palang ganap sa campus. Ano, girlfriend mo na ba ang prinsesa ng Vernieza clan?"

Nakangising tanong naman ng isa pa.

"Shut the f*ck up, jerks. You're making her uncomfortable." Napatingin ako kay kairous nang sabihin niya iyon. He's right.

"Hi! You're Tiara fayre, right?" Bati sakin ng Isang kasama nila. Tumango ako "Hi." At nahihiyang ngumiti sa kanya.

Nanlaki ang mata niya na ikinagulat ko. "Langya. Mas maganda ka pala sa malapitan." grabe naman kung makatitig ito, nakangiti pa, tuloy ay mas nahiya ako.

"W-what?"

"Ah I mean, nakita na kasi kita nung first day pero sa malayo lang, kaya nasabi kong mas maganda ka ngayong sa malapitan."

"A-ah.. thanks." tanging naisagot ko.

"Why are you still here? You don't usually go this late." tanong niya pa kaya napatingin kay Kairous na parang nasa kanya ang sagot

"Gumawa pa kami ng thesis eh. tsaka..

hindi pa naman gaanong gabi." Napatingin ako sa paligid dahil marami pa talaga akong nakikitang estudyante ngayon at halos lahat sa banda rito ay pinapanood pa kami.

He's In TroubleWhere stories live. Discover now