Falling for himHanggang sa makabalik kami sa bahay ay tahimik lang kami pareho.
Hindi ko magawang magsalita dahil kumikirot ang puso ko sa t'wing maaalala ang mga sinabi niya kanina.Nasasaktan ako pag ganitong malungkot siya. Siguro ay dahil masyado akong nasanay na nagyayabang siya o pinapatawa at pinapakilig lang niya ako palagi. Nakalimutan kong bawat tao nga pala ay may pinagdadaanan, maging ang sa ganiyan kagandang katauhan.
"Tiara."
"Hmm?"
Lumingon ako sa kanya dahil nauuna akong maglakad habang nasa likuran ko naman siya at nakasunod sakin. Mukhang namumutla siya sa kung anong dahilan.
"There's a.. stain."
Napatigil na rin ako sa paglalakad.
"Ha? What stain?"
"On your dress. There's a stain.. and it's red." Nanlaki ang mata ko at pilit na inaabot ang asa bandang likuran ng damit ko para matingnan kung meron nga. may nakita akong kaunting pula kaya agad akong nataranta. No no no..
"Kairous! paano 'to? wala akong extrang damit dito!"
Natatarantang Saad ko, hindi alam ang gagawin.
"D-dont worry. I'm sure mayroon doon sa loob. Pumasok na muna tayo."
Dahil sa sinabi niya ay kahit papano kumalma na ako. Hinawakan niya ako sa kamay tsaka kami mabilis na pumasok sa loob. hiyang hiya pa ako sa kanya dahil nanatili lang siyang nasa likod ko habang paakyat na kami sa taas ng bahay. May mga kasambahay kasi kahit saan at hind lahat ay babae kaya nahihiya akong may ibang makapansin nito.
Pumasok kami sa isang kwarto at agad siyang nang halukat ng kung ano sa kabinet. May kinuha siyang isang puting tshirt at itim na shorts doon at mukhang iyon ang ipapahiram niya sakin.
"Kanino 'to?" Nahihiyang tanong ko habang inaabot niya ang mga ito sakin
"It's mine. Suotin mo. Ano pa ang.. kailangan?"
"Meron ba kayong n-napkin dito?"
Parang gusto kong mawala at maglaho na lang bigla sa kahihiyan. Mukhang hindi rin siya kumportable sa nangyayari pero pinipilit talaga niyang tulungan ako.
"Don't worry, hahanap ako. Wait here." Sabi niya at iyon nga ang ginawa ko. Lumabas siya at rinig ko pa ang mabibilis niyang yapak papalayo.
Nang wala na siya ay pinilit ko ang sariling kumalma. It's just Kairous. You don't have to worry about a thing. Having a period is normal for a girl.
Inabot ko ang damit kong may mantsa ay muntik ng napamura ng makitang mas lumaki pa ang mantsa nito..Ugh! Bakit ba ako nag dress at bakit light yellow?!
Ilang sandali lang ay nakabalik na rin siya. Nagulat pa ako sa bilis niya kahit sobrang laki nitong bahay. Inaabot nga kami ng ilang minuto makaakyat lang sa taas tapos wala pang dalawang minuto nakabalik na agad siya?
Anong klaseng pagtakbo ba ang ginawa niya?
Napangiwi ako ng makita ang tatlong naka pack na magkaibang brand ng napkin na dala niya.
"Hindi ko kasi alam kung anong kukunin kaya tatlo na ang kinuha ko"
Nangunot ang noo ko ng mapansing hindi siya makatingin ng diretso sakin.
"Saan mo nakuha ang mga 'to?" Tanong ko.
Inabot ko ang isang brand na ginagamit ko naman kung minsan.
YOU ARE READING
He's In Trouble
Teen FictionAnd when they thought she got it all, she, who is a combination of sweetness and spice, turned out to be very empty inside. yet the void within her will soon be filled with the pieces of him.. [[The book cover is not mine. Credits to the rightful ow...