"Sabi ko 'di ba kanina na palagi ko siyang nakikitang nakatambay doon sa malaking puno sa gilid ng Engineering building? e kasi pag napapadaan ako don nakikita ko siyang parang nagsasalita mag-isa? kung minsan ay napapalakas pa ang boses niya na parang galit pero kasi Tiara.. wala naman akong nakikitang kausap niya."Nangilabot ako sa mga sinabi ni Aya. Sa sobrang pagkabigla ko ay hindi ko na sila naihatid gaya ng sinabi ko. Nakatulala ako habang naglalakad pabalik sa building namin. Sinasadya kong bagalan dahil kahit ano pa man ay inaamin kong hindi ako magiging komportable pag andyan si Karl. Lalo pa ngayong isa-isang bumabalik sa isip ko ang mga naririnig kong sinasabi ng iba tungkol sa kanya.
"Hala! hindi ba niya alam na baliw ang Isang yan? Nakakapangilabot!"
"Yeah, but who's gonna tell her?"
Naalala ko ang usapan ng mga babae kanina sa mini park habang magkasama kaming naglalakad ni Karl.
Kaya ba.. lagi siyang mag-isa?
kung minsan ay na weweirdohan ako sa kanya, pero ni minsan ay hindi ako napunta sa ganong konklusyon na may problema siya sa pag-iisip
"Ay baliw!" Nagulat ako ng may biglang humawak sa balikat ko. Sa sobrang gulat ay nahampas ko pa ang gumawa nito.
"What the hell is your problem?!"
Mukhang nagulat din siya sa naging reaksyon ko pero tama lang yan dahil ginulat din naman niya ako. Tinitigan niya pa ako kaya tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit?" Mataray na tanong ko. wag niya akong matignan- tignan ng ganyan dahil isisigaw ko talaga sa pagmumukha niya ang salitang manyakis.
"Why do you look so scared? what did you do??" Nanlaki ang mata ko sa mapang-akusang tanong niya.
"Mukha ba akong may ginawang masama??" Hindi ako makapaniwalang napatingin sa kanya. I can't believe him!
"Well.." Tumikhim muna siya bago magpatuloy "You look nothing like some sort of a criminal,... You look like something else." Makahulugang sagot niya at itinuon na ulit ang tingin sa aming harapan.
"What? I look like what?" Nagsisimula na akong ma offend dahil ang lalim ng mga nagiging sagot niya. huminto ako kaya natigilan din siya. Tumingin ako ng diretso sa mga mata niya.
"Wait... You think that I'm a bad person, don't you?"
Nabigla siya sa sinabi ko. "I didn't say that." aniya. "That's not what I meant, okay? jeez."
"So, what?.. Are you implying that I'm a drug addict then?"
"What the hell are you talking about? Ang gulo mo kausap!" Mukhang nagsisimula na siyang mainis sakin.
"Yeah, right! dahil kung meron mang mukhang adik satin, ikaw yun!" Dahil nang makita ko pa lang siya, nainis na ako agad. Nauna na akong maglakad pero humabol din naman siya agad.
"There's something that I'm addicted to alright, but it ain't drugs." Kahit hindi ako sa kanya nakatingin, alam kong nakangiti siya. Napagtanto ko ring magkasabay na pala kaming naglalakad pero ako, alam ko kung saan ako papunta... ewan ko lang sa kanya.
"Engineering ang course mo, di ba? kaya diyan din sa building na yan ang room niyo." turo ko sa building din nila Ena. Sinulyapan lang niya ito at mukhang wala pa naman siyang balak na pumasok ngayon, so saan naman kaya siya papunta?
"Wala pa kaming prof kaya mamaya na ako papasok." aniya pero hindi na ako sumagot. Ni hindi ko alam kung bakit ako sumasama sa kanya.
"Kairous.." tawag ko sa pangalan niya ng marating na namin ang gilid ng building nila kung saan naroon ang Isang malaki at nakatayong puno na madalas tambayan ni Karl.
YOU ARE READING
He's In Trouble
Teen FictionAnd when they thought she got it all, she, who is a combination of sweetness and spice, turned out to be very empty inside. yet the void within her will soon be filled with the pieces of him.. [[The book cover is not mine. Credits to the rightful ow...