"My oh my, looks like Kai will finally be having some competitions around, huh?" I scoffed at what Serena said."Don't be too over dramatic Ena we're not in a movie, that guy just wanted to apologize." I said.
"And in what way have he wronged you again?" said by Jean.
"Pano mo nga ba kasi siya nakilala?" si Aya, she's giggling from I don't know the reason why.
"Yeah, I don't recall you ever mentioned another guy to me." Ena added.
"That's because I can't see why I should. look, that guy harassed me the first day I was here, okay? In fact it still pisses me off when I get to remember how rude he was to me. hindi siya mabait gaya nang iniisip niyo."
"Well, we aren't perfect. sometimes our emotions make us do things we would regret later. kaya nga siya nag sosorry sayo di'ba?" si Aya, hindi talaga nagpapatalo sakin.
"And sometimes the best peace offering we could offer to the people we've wronged to is by staying away from them, dahil hindi naman lahat ng kasalanan ay nadadaan ng sorry." sagot ko naman.
"Wooh. ang lalalim ng hugot niyo." si Jean na hindi ko maintindihan kung natatawa ba o ano.
"But seriously T, I know Kairous is already perfect and I'm not saying that I like this guy better for you because I don't, pero hindi naman nakakababa ng pride ang pagpapatawad. malay mo, simula pala ng nangyari hindi na siya mapakali kasi sising- sisi na siya sa ginawa niya at ikaw lang ang makakapag bigay sa kanya ng peace of mind, ipagkakait mo ba dahil galit ka?" Ena sounded like she was guilt tripping me for a moment.
"Oo." walang alinlangang sagot ko na ikinataas ng kilay niya. "So next time na sabihan niya akong mayabang ay magdalawang isip muna siya."
Nasa isang office kami ngayon at sinamahan si Erik na mang check ng mga props na gagamitin nila sa kanilang play mamaya. si Erik ang president ng Theatre club at itong si Serena naman ay feeling girlfriend na kung maka suporta, nadamay pa'ko.
Tinatapos lang nila ang iba pang props at marami-rami rin naman silang nagtutulong-tulong dito. Dahil wala maman akong naitutulong ay napagpasyahan kong tumayo na para makapagpaalam. Pupunta nalang ako sa dapat ay kanina ko pa pinuntahan.
"I'll go ahead. may pupuntahan pa'ko, maiwan ko na kayo rito." paalam ko sa mga kasama. Napabaling sakin si Erik at tumango. "Ingat ka."
"Sa'n ka?" si Jean
"Basta." ngumiti ako, tumango naman siya.
"Text ka nalang mamaya pag hahanapin mo kami." tumango ako kay Aya.
Serena on the other just grinned at me. "Tell Kairous we wish him a good luck."
"I'll tell THEM, Serena." I said sarcastically.
Lumabas na ako roon at napahinto lang sa kalagitnaan ng paglalakad ko. Shoot. Hindi ko pala naitanong kung saan ang lumang covered court!
Napapagod na akong bumalik kaya dumiretso nalang ako palabas ng building. siguro naman nasa labas lang yon at madaling mahanap. alangan namang mag practice sila ng basketball sa loob ng building di'ba?
Kung saan-saan na ako napadpad sa sobrang kampyansa ko sa sarili na magagawa ko itong mahanap na hindi humihingi ng tulong sa iba. Nang mawawalan na ako ng pag-asa ay may narinig akong mga ingay at hiyawan sa likod ng isang gusali kaya nilapitan ko ito. Nakahinga ako nang malalim nang mamataan ang ilang mga naglalaro ng basketball dito. Halos mapuno na ng mga nanonood ang paligid ng maliit na court pero kita ko pa rin ang hinahanap ng mata ko sa layo ko sa kanila. Naglakad ako palapit sa lugar at naghanap ng kaunting espasyo para maka singit sa ibang nanonood. May mga mahahabang upuan sa iilang gilid pero lahat ay may mga nakaakupa na.
YOU ARE READING
He's In Trouble
Teen FictionAnd when they thought she got it all, she, who is a combination of sweetness and spice, turned out to be very empty inside. yet the void within her will soon be filled with the pieces of him.. [[The book cover is not mine. Credits to the rightful ow...