"Whatever you say, Tiara. Just... be extra careful next time, okay? You know how crazy mom gets when her precious niece's body gets a little scratch." Pangaral pa sakin ni Serena sabay walk out sa cabinPinanood ko lang siyang umalis at nagkatinginan kaming lima.
"Oh, she's fine." Nagsalita ako. I know Serena. She's the sweetest, yet also the most mataray person I know. Nag-alala lang talaga sa'kin 'yon kaya ganon.
Tumayo na ako at ginawa ang sana ay gagawin ko na kanina pa. Ang maligo. Mukhang nakaligo na rin naman sina Abby at Aya dahil parehong basa ang mga buhok nila.
"Wait, maliligo ka? pero kakagamot lang niyang sugat mo." Saway sakin ni Jean
Tiningnan ko naman ang paa ko at umiling sa kanya "Hindi ko nalang babasain."
"Eh?" Takang-taka naman si Aya "At paano mo naman gagawin 'yon?"
"Oh, Aya. Have you forgotten? I could do anything."
Hirap na hirap ako sa ginawang pagligo. As in. Pinahinaan ko lang ang pressure ng tubig sa shower para hindi mabasa ang sugat kong kakagamot lang. Nakabalot ito kaya sa bawat segundong naliligo ako ay tinataas ko ang paa kong 'yon. Muntik pa akong matumba dahil naa- out balance ako pag ginagawa iyon. Sa huli ay hindi ako nakaligo nang maayos pero ang mahalaga naman ay nakapaglinis pa rin ako kahit papaano.
Lumabas ako na hindi maipinta ang mukha dahil bukod sa hirap na akong maligo ay doble ang hirap ko nang magpalit ako ng damit. Magsho-short pa sana ako pero nahirapan akong isuot kaya hindi nalang. Sinuot ko nalang ang white long skirt na sana ay bukas ko pa susuotin at penaresan ng white top bikini. Bagama't ganon ay desente pa rin namang tingnan and besides, nasa beach naman kami.
Tiningnan ko ang suot ko at hindi maiwasang mapangiwi. Ang ganda, pero may bandage sa paa kaya parang ang off tignan.
Lumapit ako sa sink dahil may kukunin sana ako pouch kong naroon nang bigla ko namang mabangga ang paa kong may sugat sa dulo ng kung anong matigas na bagay. Nanlaki ang mata ko at bahagya pa akong napanganga sa sakit na dulot niyon. Nang tignan ko kung saan tumama ang paa ko ay nakita ko ang isang bangkito na gawa sa kahoy na tiyak akong doon tumama ang paa kong may sugat.
"MOTHER FCKER-!!!" Hindi ko na naiwasang mapasigaw sa sakit.
"Girl! Are you okay in there?" Boses iyon ni Grace sa labas nitong banyo. Parang narinig ko rin ang boses ni Aya pero hindi ko na maintindihan ang sinasabi niya dahil napapaupo na ako sa sakit.
"Y-yeah. Just give me a moment." Hindi ko alam kung ilang mura na ang nasabi ko pero nang maayos-ayos na ako ay Iika-ika akong lumabas ng banyo at agad na sinamaan ng tingin si Aya nang makita siyang nagpipigil ng tawa habang nakatingin sakin.
"Tama ka nga, T. You could do anything." Pinasadahan niya ng tingin ang kabuoan ko at pumalakpak "Seems like you've been through a lot in there, but congrats! You look gorgeous.. as per usual." Aniya pa at pinasadahan ang suot ko.
"Oh, shut up."
Hinintay kong sila naman ang matapos na maligo bago kami sabay-sabay na lumabas. Sa totoo lang ay kumikirot lang talaga ang sugat ko kaya gusto ko munang ipagpahinga ito kahit sandali.
Naka beach outfit na rin sila kaya alam kong hindi na ako masyadong mahihiya sa suot ko. I know that this is just a normal thing to wear in a beach pero dahil dakilang oa ako, hindi ko maiwasang mag-isip ng kung ano-ano. Like, what if kung ano ang isipin ng iba? What if.. magalit siya sa suot ko?
UGH! the hell with that! Why would I care of what he would think of me?! He doesn't seem to care of me now because he's busy caring about that girl. I went here because I wanted to fix everything between us. I wanted to atleast try despite the fact that I don't usually do that for someone. I really though I was being so unfair for him but at this moment, I can't feel that he's even trying.
YOU ARE READING
He's In Trouble
Novela JuvenilAnd when they thought she got it all, she, who is a combination of sweetness and spice, turned out to be very empty inside. yet the void within her will soon be filled with the pieces of him.. [[The book cover is not mine. Credits to the rightful ow...