Kabanata 23

33 2 0
                                    


Hinabilinan ako ni tita na ipakilala ko siya sa kanila sa lalong madaling panahon. Kailangan daw muna nila itong makilatis bago payagang manligaw sakin. Parang matutumba naman ako sa kinauupuan ko dahil plano ko ng sagutin si Kai sa mga susunod na linggo.

Siguro nga ay wag na muna at masyado pang maaga. Total ay mukhang porsigido naman siyang maghintay kaya ipapakilala ko muna siya kina Tita...at hopefully kay Papa.

Natapos ang araw at oras na para matulog. Naligo muna ako at nag night skincare bago kinuha ang cellphone ko, umaasang may text galing sa kanya. Napangiti ako nang makitang meron.

Kairous

"Nakauwi na ako. tapos ka nang kumain?"

Nagtype agad ako ng irereply.

Tiara

"Oo, matutulog na nga e. Ikaw?"

Nakagat ko ang sariling labi nang makitang nag reply agad siya.

Kairous

"Tapos na rin. Anong ginagawa mo?"

: Tiara

"Nakahiga, ikaw?"

Kairous

"Thinking of you.."

Halos maitapon ko ang cellphone ko sa nabasa. Ilang sigundo pa akong nag isip nang mabuti bago magsimulang magtipa ng irereply sa kanya.

Napatingin ako sa screen ng cellphone ko nang makitang tumatawag na siya.

Sinagot ko naman ito agad.

["Hey, I thought you've fallen asleep."]

Sandali akong natahimik "Hindi pa ako inaantok. ikaw, hindi ka pa ba matutulog?"

["Sabay na lang tayo."] rinig na rinig ko ang paghinga niya sa kabilang linya.

"Uhm.. okay.." sabi ko nalang, nag-iisip pa ng sasabihin.

["May pasok pa rin ba kayo bukas?]

Pagsasalita pa niya

"Ewan ko, pero ang alam ko ay wala naman daw masyadong pasok bukas. Busy mga teachers e, bakit?" tukoy ko sa ginagawa nilang paghahanda para sa paparating na mga activity ng school.

["May.. iniutos kasi sakin si Lolo."]

"Si Dean? Ano naman?"

["Hindi si Dean, kundi ang daddy mismo ni Mom. Inutusan niya akong puntahan ang isang bahay nila sa probinsya para personal na kumustahin iyon. gusto ko sanang... pumunta na kasama ka."

Natahimik ako sa narinig at napaisip kong papayagan ba ako. baka hindi..

["Pero hindi naman kita pinipilit kung-"]

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil nagsalita na ako agad.

"What time? Magpapaalam ako."

Ilang segundo bago pa siya nakasagot.

"Uhm.. mas mabuti kung maaga pa tayong umalis para hindi tayo gabihin pauwi. Sigurado ka ba?" Rinig ko ang pag- aalangan niya sa kabilang linya kaya hindi ko maiwasang matawa.

"Sabi ko, magpapaalam pa ako. Wag ka munang umasa." Natatawang ani ko, rinig ko rin ang bahagya niyang pagtawa.

["Kung ipagpaalam kaya kita? Hindi naman kita pababayaan don, at iuuwi kita ng buo."]

I know for a fact that his sentence made me red as hell. Kung ano-ano na itong iniisip ko. Gosh!

"Tomorrow? Sige, puntahan mo ako dito sa bahay."

He's In TroubleWhere stories live. Discover now