Kabanata 18

33 2 0
                                    


Makaraan ang ilang minuto ay umahon na ako at pumwesto na sa ilalim ng shower. Ginawa ko lang ang usual na ginagawa ko pag naliligo at matapos ay lumabas na ako ng naka tuwalya lang.

Nang lumabas ako ay mag aalas sais na. Nagbihis na ako ng uniform ko at humarap sa salamin para makapag apply ng usual kong make up. Naisip kong iponytail naman ngayon ang buhok ko dahil mapakainit ng panahon ngayon.

Ilang sandali lang ay bumaba na rin ako para mag breakfast. Nabigla ako ng maabutan kong nasa sala na si Ena kasama si Erik ng ganito ka aga. It's just six in the morning!

"Ang aga niyo naman?" bungad na tanong ko sa kanila pagkababa ko ng hagdan. Naagaw ko naman ang atensyon nila at parehong napangiti sakin.

"Hi, cousin!" Masiglang bati ni Ena.

"Tiara, Hi." Si Erik. Nagulat ako sa itsura niya. Ilang beses ko na siyang nakita na nakasuot ng uniform, same school lang din kasi kami, pero ngayon ko lang siyang nakita na hindi mukhang pupunta sa kumbento.

"Bat ang aga niyo?" kaswal na tanong ko dahil nauna pa sila sakin ganong alas kwatro pa lang ay gising na ako. Ibang klase talaga mga tao ngayon pag inlove. tsk.

"S-sinusundo ko si Serena."

Si Erik. Siya iyong tipo na halatang nerd pero may itsura. As in gwapo talaga siya at manliligaw na siya ni Ena mula Junior High pa lang kaya kilala na siya dito. Mabuti nga at napansin na siya ngayon nito.

"You don't need to do that, may sasakyan naman yan." Umirap pa ako kay Ena dahil mukhang panay pa ang pacute niya dito. tsaka saan ako sasabay? Sana pala ay pumayag na lang akong magpasundo kay Kairous eh

"What? Nakakapagod kayang magmaneho araw- araw! don't worry, isasabay ka naman namin with us." Iyon lang ang sinabi niya at binalik na ang atensyon sa lalaki tsaka sila nagpatuloy sa pag- uusap.

Mukhang hangang- hanga ito habang nakatingin sa kanya at mukha rin namang nagugustuhan na din siya ng pinsan ko.

"Whatever. Naka kain na ba kayo?"

Pang- iisturbo ko ulit sa kanila. Napalingon naman sila sakin at sandali pang nag usap bago sabay na tumayo at pumasok sa kusina.

Kumuha ako ng tatlong plato at mga kubyertos para sa aming tatlo. Kakatapos lang din magluto ng ham, sausages, bacon and eggs ni manang.

Si ate Jara naman ang nag hain ng kanin para samin.

Nagsimula na kaming kumain at tahimik lang ako dahil mukhang nag eenjoy talaga Silang kausap ang isat-Isa. Natapos na akong kumain pero sila ni hindi pa nakakalahati ang nasa plato nila. Tumayo ako at binuksan ang ref kung mayroon akong pwedeng kainin don habang hinihintay 'yong dalawa. Nakita ko ang naka box pang cake kaya kinuha ko ito doon.

"Kanino 'to, manang?" tukoy ko sa cake na hawak. "Binili yan ni sir kahapon, wala namang kumain."

tumango lang ako at binuksan ito at nag sliced ng kaunti. Nilagay ko ito sa maliit na Plato at binalik sa ref ang natira.

Bumalik na ako sa inuupuan ko kanina at sinimulang kainin ang cake.

Ganon pa rin ang lagay nila pero hinayaan ko na total maaga pa naman. tsaka makikisabay na rin lang naman ako mabuti nang maghintay.

Mabuti naman at nang matapos kong maubus ang cake ay tapos na din Silang kumain. Kung mag- usap naman kasi akala mo magkakahiwalay na pagkatapos e.

May dalang sariling sasakyan si Erik at ano pa nga ba? syempre nasa likuran ako na parang anak nila. Hindi na natapos- tapos ang asaran at kwentohan nila kaya nagulat ako ng bigla akong balingan ni Ena. Mabuti naman at naalala pa niyang nandito din ako.

He's In TroubleWhere stories live. Discover now