Mabilis akong nagmartsa palabas ng lugar at kinuha ang cellphone ko. Nang icheck ko ito ay nakita kong may limang miscalls na ito galing kay kuya Ismael. "Shoot! passed thirty minutes na!"Earlier when I called in the house, tita Elena insisted na magpasundo ako kay kuya para hindi ka ako mahirapan sa pag-uwi, and of course I agreed but because of that guy nawala sa isip ko!
Idenial ko ang number at ilang ring lang din ay sumagot na. "Hello, kuya?..Opo. sorry po, nawala sa isip ko. po? kumain pa po kasi ako.. ah.. opo, nakalabas na kuya. sige po, salamat."
Agad na hinanap ko ang sasakyan dahil mag t-ten minutes na pala siyang naghihintay sakin dito sa labas. Akala pa nga raw niya ay nakauwi na ako. Nang makita ko ang itim na SUV ay nilapitan ko ito at pumasok na nang makita siya roon sa driver's seat. Lumabas pa siya nang makita ako at pinagbuksan ako ng pinto.
"Salamat, kuya." pagpapasalamat ko
Tinulungan niya rin ako sa mga dala ko bago na rin pumasok at nag simulang mag maneho.
"Kaya naman pala dalawang araw kitang hindi nakita, ang sabi ng tita mo ay umalis ka pala. Saan ka nga ba nagpunta?" Magsimulang magsalita si kuya
"Binisita ko lang po ang kaibigan ko sa Paris, may sakit kasi siya." Sagot ko
Tumango-tango siya "Ganon ba? E kumusta naman siya roon?"
"Ayos lang naman. Kahit naman sakitin 'yon e hindi naman mahina ang loob." Natawa pa ako
"Siguro napagod ka, 'no? Galing ka pa palang Paris.." napabuntong hininga siya "Mabuti ka pa, nagagawa mong pumunta ng ibang bansa kahit kailan mo man gustuhin kahit ngayong bata ka pa. Ako, tatlong dikada na ako sa mundong 'to pero hindi ko man lang naranasang mag ibang bansa." Natatawa man ang paraan ng pagkakasabi ay ramdam ko ang lungkot sa boses ni kuya
"Bakit kuya, saang bansa mo ba gustong pumunta?"
Natigilan siya sa tanong ko at sandaling napatingin sakin mula sa salamin "Ewan ko ba.. siguro sa Hong Kong, marami akong mga kaibigan na umasinso ang buhay nang pumunta sila ro'n."
Tumango ako "Maganda nga po ron. Don't worry, kuya, matutupad 'yang pangarap niyo."
"Sana nga." Malaki ang ngiti niya nang muli siyang tumingin sakin
Ngumiti rin ako. I'm more than willing to help him in any way I can to achieve that dream of his.
"Bakit nga ba hindi ka sinamahan ng pinsan mo sa Paris? Ang dinig ko ay pareho niyong kaibigan ang binisita mo roon?"
Ayokong mapansin ni kuya na nalungkot ako nang mabanggit niya ito kaya nagkunwari nalang akong abalang nagtitingin sa labas.
"Hindi kayang iwan non ang manliligaw niya e." Pandadahilan ko, kunwaring natatawa
Natawa rin siya at mukhang may naisip "Ano nga bang pangalan non? Jerik?Nabigla nga rin ako, hindi ko alam na ganon pala ang tipo n'on." Aniya
Napangiti ako "Erik po, kuya, tsaka mabait po 'yon. Simple lang pero may dating din."
"E.. ikaw? Hindi ba manliligaw mo rin 'yong paminsan- minsang pumupunta sa bahay?"
Nabigla ako sa pagseseryoso niya
Napangiti ako "Masyado naman po kayong over protective sa'kin. Kahit naman hindi masyadong halata ay mabait naman din 'yon, kuya." Natatawa ako sa sariling sinabi
Narinig ko rin ang bahagyang tawa niya "Mabuti naman." at hindi na rin siya nagsalita pa
Ilang sandali pa ay nakarating na rin kami sa bahay. Pagkapasok ko ay naabutan ko kaagad sa living room sina tito at tita na sinalubong ako ng yakap.
YOU ARE READING
He's In Trouble
Teen FictionAnd when they thought she got it all, she, who is a combination of sweetness and spice, turned out to be very empty inside. yet the void within her will soon be filled with the pieces of him.. [[The book cover is not mine. Credits to the rightful ow...