Tatlong araw ang lumipas na wala akong naririnig tungkol sa lalaki. Tatlong gabi rin na hindi na natigil ang mga bangungot ko kahit paulit-ulit naman ang mga ito.Laman pa rin siya ng mga usapan ng iilang mga nadaraanan ko pero yong makasama siya at makausap mula nung nangyari ay hindi na. Mukhang totoo ang naisip kong hindi siya seryoso sa mga pinakita niya sakin at ngayon ay iniiwasan na niya ako.
Malaki itong campus, pero kung magkasalubong man kami ay dinadaanan lang namin ang isa't-isa na parang hindi magkakilala. Mabigat sa pakiramdam... pero lalo ko lang naiisip na tama lang yon dahil mukhang wala naman siyang pakialam.
Sa makalawa na ang Intramurals ng mga Schools kaya ngayong araw ay panay paghahanda lang ang gagawin. Napakabusy rin ng mga guro kaya wala rin masyadong pasok. Mabuti na iyon dahil wala talaga akong ganang makinig ngayon.
"Tiara, sa gym daw tayo."
Napatingin ako sa mga estudyanteng nagsilabasan sa kanilang mga building "Bakit daw?"
"Baka may announcement."
Bago tumungo roon ay umakyat muna ako ng room para kunin ang towel ko. Mainit ngayon kaya kahit naka aircon pa ang gym ay tiyak akong pagpapawisan pa rin ako.
Isinara ko ang bag ko pero ganon na lang ang gulat ko nang umayos ako ng tayo at nasa gilid ko na si Karl.
"Karl!" Napasigaw pa ako. "Goodness, you scared me." huminga ako nang malalim para pakalmahin ang dibdib ko.
"Sorry. Pupunta ka rin bang gym? sabay na tayo." Nanlulumo ko siyang tiningnan dahil hindi pa rin ako Maka get over sa gulat. "Please? Alam ko kasing wala na naman akong makakasama dun." Nahihiya pa siyang ngumiti.
Nagningkit naman ang mata ko. "You're saying.. wala ka man lang nakakasama noon in times like this?"
Umiling siya. "Ikaw lang naman ang naging kaibigan ko mula noon, pero usually naman hindi na ako pumupunta." Mataman ko siyang tinitigan. "Pag may mga event na dun hini- held hindi nalang ako pumupunta."
"So.. saan ka then?"
"Dito. Masaya na akong nagbabasa rito, Tiara." Nakangiti siya pero basa ko ang lungkot sa mga mata niya. wow, that's just so.. depressing
"You know what? Halika na. May takong itong school shoes ko kaya hindi tayo pwedeng tumayo."
Hinila ko siya siya kamay at nagpaubaya naman siya. Pagpasok namin ng gym ay expected nang napakaraming estudyante rito.
Pumasok kami sa loob at naghanap ng magandang pwede. yun nga lang ay mukhang puno na. Iyong mga bakante nalang na nakikita ko ang yong nasa mataas na pwesto, pero ayoko ron.
Siguro ay may nakapansin samin na naghahanap kami ng mauupuan kaya may nag alok samin.
"Tiara, ito oh may isa pa rito. dito ka nalang umupo." Alok ng Isang babae sakin. Tiningnan ko ito at isang itim na plastic chair.. hindi kami kakasya ni Karl.
"Wala na bang isa pa?"
"Isa lang ang sobra e." wika niya na sinulyapan pa sa tabi ko si Karl. Nakayuko ito na parang nahihiya.
"Ganun ba? sige, thankyou nalang." ngumiti ako sa kanya. Binalik na siya sa mga kasama dala ang inalok na upuan sakin.
"S-sana tinanggap mo nalang. Ayos lang naman ako e." Nauutal na naman siya. Alam ko nang nangyayari ito kapag hindi siya komportable
"Don't worry, I know may mahahanap pa tayo. for the mean time dito na lang muna tayo, may mga iba namang nakatayo rin e."
"Pero tiara.. yung shoes mo."
YOU ARE READING
He's In Trouble
Teen FictionAnd when they thought she got it all, she, who is a combination of sweetness and spice, turned out to be very empty inside. yet the void within her will soon be filled with the pieces of him.. [[The book cover is not mine. Credits to the rightful ow...