Kabanata 36

35 2 0
                                    


Sumama ako sa kanya sa bahay nila dahil nagtitiwala naman ako sa kanya kahit ba na first impression ko sa kanya noong una ay manyakis siya.

Dinala niya ako sa isang subdivision na hindi naman kalayuan sa amin at tumigil ang sasakyan sa isang white and black na mansyon. Malaki at malawak. Nang makapagpark sa loob at agad na kaming lumabas. Naglakad kami papasok at nang malapit na kami sa napakataas na pinto nila ay napatigil ako.

Nauuna na siya sakin at nang mapansing tumigil ako ay nilingon niya ako "What's wrong?" Nang hindi ako sumagot ay nagsalita pa siya "Don't worry, wala kaming aso." He slightly chuckled

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang dulo ng damit niya na parang bata "How about pumunta nalang tayo sa Café niyo?" I suggested pero nangunot lang ang noo niya

"Ayaw mo ba rito?" He asked. Mabilis akong umiling

"It's not that!" I sighed "Baka kasi andyan ang lolo mo.. I just don't think that I'm now ready to meet him." I admitted

He grabbed my waist and pulled me over to him "He's in Switzerland." He said "But I'm sure he'll like you when you two meet."

"Really?" Dahil sa mga kwento niya noon tungkol sa lolo niya ay kinakabahan na ako rito. Paano kung maartehan ito sakin?

Natigilan ako. Gosh, I sounded like Serena.

"Yes, baby. Now let's go inside."

Pumasok kami sa loob at dahil sa presensya ni Kairous sa tabi ko ay humupa na ang kaba ko.

"How about your parents, are they here?" I asked again. Baka ang simpleng pagpapahinga niyang 'to ay mauwi sa pagpapakilala sakin.. hindi ako prepared.

"They went on a business trip. Next week pa ang uwi nila." He's brows frowned and raised as if he thought of something "Why do you keep on asking?.. perhaps you want the place all to ourselves?"

Kinurot ko siya sa tagiliran "Show some decency, Goodness." Iling ko na ikinatawa niya

Unang bumungad sa'kin ang napakalaki nilang living room na may dalawang hagdanan sa magkabilang gilid.

"Señorito, Nandito na ho pala kayo." Bati ng isang babae na naka uniporme. Siguro ay kasambahay nila. Yumuko ito sa lalaki at nakita ko pa ang mabilis na pagsulyap nito sakin.

Mula sa loob na sa tingin ko ay kusina nila ay lumabas ang isang payat na baba at mukhang may edad na at may katabaang babae. Lahat sila ay parehong naka suot ng uniporme.

"Zachy, Andito ka na pala." Kaswal na sabi ng matandang babae habang ang kasama naman nito ay bahagya lang yumuko rito.

"Zachy?" Pigil ang tawa ko nang lingunin ko ang lalaki.

"Dios Mio-" Ang babae mismo ang napatigil sa sariling pagsasalita. Nilingon ko ito at nasa akin na pala ang paningin nito. Iyong may may edad na babae. Mukhang gulat na gulat ito nang makita ako. Okay..?

"Sa taas lang po kami. Makihatiran na lang kami ng pagkain, manang." biglang saad ng lalaking katabi ko

Nagtataka man ay nagpahila nalang ako rito paakyat sa taas. Ramdam ko pa ang pagsunod ng mga tingin nila sa amin habang paakyat ng hagdan.

Gusto kong magtanong pero siguro ay mamaya nalang. Nang nasa tapat na kami ng isang pinto ay binuksan niya lang ito at pumasok na kami sa loob.

"Kilala ba ako-" Natitigilan ako nang makita ang loob ng kwarto niya.

"I'll get you some drinks. Anong gusto mo?"

"Any..thing." Sagot ko at nilapitan ang malaking painting na naka hang sa wall nitong kwarto niya. Tinaas ko ang kamay ko at hinawakan ang ilalim kung saan may nakasulat na pangalan ko.

He's In TroubleWhere stories live. Discover now