PAGKATAPOS ng hapong iyon ay umuwi na kami. I also told Ena what happened and how that Kairous somehow accused me of being a suspicius individual. Obviously tawang-tawa siya."Alam mo T, tama ka. Kung totoo nga'ng may gusto sayo 'yon hindi ka 'non gaganunin. kasi.. usually sweet yun sa mga target niya e. Wala namang lalaki ang may balak manligaw ang gaganunin muna ang babaeng gusto nila bago nila ligawan, diba? kasi tiyak na hindi sila niton sasagutin. Siguro... kung isa man sa apat ang nakahulog ng picture mo, it couldn't probably be him. No offense, T, ayaw nun kasi sa mga over qualified sa standards niya. Base sa pagkakakilala ko sa kanya, mas gusto niya ng simple at ayaw nun sa mataray." tumango-tango pa siya nang sabihin iyon.
"And I have to feel bad because I'm beyond his standard? Did you even ask me Ena, kung gusto ko rin ba siya?" asik ko.
"I know, I know. But right now you're as red as a tomato kaya maybe you somehow find him attractive too? Hmm."
Tiningnan ko siya nang masama dahil kanina pa at paulit-ulit nalang ang mga sinasabi niya. Sinong hindi mamumula kung ganito kakulit ang kausap? Kaya mas lalong umiinit ang ulo ko e! "For the tenth times Ena, I don't like him, so shut up!"
Humalakhak pa siya na parang aliw na aliw na nagkakaganito ako.
"Oh, now why are you so pissed? relax, coz. I was just teasing you." Natatawa pa ring aniya "Bakit ba kasi dun ka dumaan? Alam mo bang doon laging nakatambay ang magkakaibigan na yon? Kahit ako, If I were the one to see you there I would find you suspicious too."
Ugh! Kung ang trip ng babaeng to ngayon e ang asarin ako.. well, she's doing a very very good job for it!
"Bahala ka sa buhay mo. Magsama kayo ng Kairous na 'yon. Mga bwesit!"
Kinuha ko ang mga damit pantulog na inihanda ko tsaka pumasok ng banyo bago ko pa maisumpa ang lalaking yon at baka maging itong pinsan ko. Iniwan ko nga siya ron. bahala siya! Bakit ko ba naman kasi ikinwento pa sa kanya yon? Nasa banyo na ako at handa ng maligo nang ilang sandali pa ay nagsalita na naman siya.
"Alam mo T, napapaisip ako.. Naiinis ka ba dahil sa mga sinabi niya sayo o naiinis ka lang dahil sa mga sinabi ko at disappointed ka ron?"
Matalim akong napatingin sa pinto ng banyo kung nasaan kahit Alam kong hindi naman niya makikita iyon. alam kong nasa harap lang siya ng pinto at sinasadyang iparinig ito sakin. Gusto ko na sanang sagutin siya pero parang bigla akong walang makalap na salitang isasagot sa sinabi niya. Napahinto ako sa ginagawa at natahimik. Ang tanging ingay na naririnig ko lang ay ang pag- agos ng tubig sa katawan ko.
"Anyway, alis na ako. sleep well, dear cousin!" Narinig ko pa ang paghalakhak niya bago ang pagbukas ng pinto ng kwarto.
"Buti pa nga!" Pahabol ko bago ko pa narinig ang pagsara ng pinto.
Nagsimula na akong maligo at habang naglalakbay ang tubig sa buo kong katawan ay pinakiramdaman kong mabuti ang sarili ko. Hindi naman ako disappointed na hindi niya ako gusto hindi ba? Oo nga at nabibigla ako sa pasulpot- sulpot niya kung nasaan ako. Naaapektohan ako sa mga titig niya pero normal pa rin naman ako 'pag nandyan siya. Wala rin namang slowmo na nangyayari tulad ng mga nababasa ko sa libro kaya tiyak akong wala akong gusto sa kanya.
Di'ba?
Matapos kong maligo at magbihis ay pinatuyo ko muna ang buhok ko bago nahiga sa kama. Nabasa ko noon na ayos lang na maligo sa gabi at wag lang matulog na may basang buhok. Bago matulog ay kinuha ko muna ang cellphone ko at inopen ang twitter pampa-antok.
Tiara Fayre Vernieza
@Tiafayyy
LovemyMom // RN soon
YOU ARE READING
He's In Trouble
Teen FictionAnd when they thought she got it all, she, who is a combination of sweetness and spice, turned out to be very empty inside. yet the void within her will soon be filled with the pieces of him.. [[The book cover is not mine. Credits to the rightful ow...