The end of Sports FestNang makarating kami ay agad naming nakasalubong si Dash na mukhang kanina pa ito hinahanap.
"Naknampucha, bud! Nagwawala na don si coach sa kakahanap sayo! Saan kaba nagpupupunta?!" Agad na singhal nito sa kaibigan bago bumaling sa akin "Hi, miss beautiful!" Naging malumanay naman ang boses niya nang balingan ako.
"H-hi." Nahihiya talaga ako sa t'wing tinatawag niya ako nang ganon
"Hihiramin ko na muna 'tong manliligaw mo, ha? Ibabalik ko din agad pag nanalo na kami." Aniya pa
"Hey. She's coming with me." Tutol agad ng kaibigan
"Oo naman! syempre manonood siya, pero hindi naman pwedeng samahan ka niya habang naglalaro ka!"
"Pilosopo." Pagkasabi noon ni Kairous ay hinila na naman niya ako papuntang gymnasium kung saan sila maglalaro
"Saan ka galing?! Hindi mo ba alam na may laro ka ngayon?!"
Bulyaw agad ng coach nila sa kanya ang sumalubong samin. "Sorry coach." Iyon lang ang sinagot niya rito.
"Magpalit ka na dun!"
Silang dalawa nalang ni Dash ang narito pa kaya sa palagay ko ay nandoon na sa loob ang iba pa nilang kasama at nagpapalit na.
Pero bago pa man siya umalis para makapagpalit ay iginayak muna niya ako sa unahang bahagi ng bench kung saan hindi pa naman ganon ka rami ang tao di tulad kanina at doon ako pinaupo. "Good luck." Sabi ko bago siya tumalikod at umalis
Kagaya kanina ay sa akin niya muli pinahawak ang lagayan niya ng tubig at malaki niyang towel. Hindi na naman ako umangal at napansing may mga katabi rin pala ako na kagaya ko ay naghahawak din ng mga ito. Siguro ay mga girlfriends sila ng mga kasama ni Kairous.
"Hi, May nakaupo na ba rito?" Napalingon ako sa babaeng nagsalita at umiling. Tinutukoy niya itong katabi kong upuan.
"Wala pa naman siguro." Hindi rin ako sigurado sa sagot ko.
"Oh well," Mukhang wala na rin siyang pakialam kahit mayroon man kaya naupo na siya rito "You know what? I'm not really fond of watching basketball games," Humarap siya sakin at ngumiti "I'm only here for the players. Ang hot nila di'ba?"
"What?" Nagugulat akong humarap din sa kanya
"I mean, ang hot nilang tingnan habang naglalaro sila. Even if they're sweating so bad naaatract pa rin ako sa kanila." Bahagya pa siyang natawa
Tumango lang ako dahil hindi ko naman alam kung anong isasagot ko ron.
"So, may I know who are you cheering for?"
Tiningnan ko uli siya sandali at binaling rin agad ang tingin sa harap. Bago ko pa man sagutin ang tanong niya ay nagsalita ulit siya.
"I'm here to cheer for my ex, Zachy. Hopefully we could get back together na rin. Gosh, he's so nakakagigil."
Natigilan ako sa narinig at mabilis na napalingon sa kanya. "Sino-" Pero hindi ko na ito natuloy nang biglang umingay ang paligid.
"They're here," Muling nagsalita ang katabi ko "Speaking of, my daddy Zachy's here." Aniya pa at tumayo. Iniwan niya ako roon at nakita kong palapit na siya kung saan naroon ang mga maglalaro at kasama na nga roon si Kairous.
"Daddy Zachy, What the fck?!" Gulat ngunit mahinang usal ko at hindi makapaniwalang napatingin roon sa babae.
Mahaba ang kulot nitong buhok, Lumiliwanag sa kaputian, Maliit, mukhang may lahi at.. magpapakulo ngayon ng dugo ko.
YOU ARE READING
He's In Trouble
Teen FictionAnd when they thought she got it all, she, who is a combination of sweetness and spice, turned out to be very empty inside. yet the void within her will soon be filled with the pieces of him.. [[The book cover is not mine. Credits to the rightful ow...