Kabanata 6

38 3 0
                                    


KINAUMAGAHAN ay maaga akong nag ayos para pumasok sa klase. Pinili kong isuot ang isang lavender na top without sleeves at parang tube ang style tsaka pinares sa white na pants. Nagsuot na rin ako ng white cardigan dahil baka masita pa ako roon.

Wala lang feel ko lang mag ayos ngayon kaya naglagay pa ako ng maliit na hairclip sa buhok ko pagkatapos kong mag apply ng kaunting make up sa mukha.

Bumaba na rin ako agad at naabutan pang naglilinis ng living room si tita kasama ang ibang mga katulong sa bahay. "Good morning, tita." Nakangiting bati ko sa kanya.

Napalingon naman siya sakin at agad na napangiti. "Good morning, pamangkin. Ang aga mo ngayon, ah?" Pinasadan niya ng tingin ang suot ko "You look stunning. Wow." Amusement filled her eyes.

"Thanks, tita. Maaga po akong nagising e. Si Serena po?" hanap ko sa pinsan ko. kung hindi pa siya nakababa ay tiyak na nag aayos pa lang yon kaya ang plano ko ay ako ang magluluto ng magiging breakfast namin ngayong Umaga.

"Naku mamaya pa bababa yon kaya mauna ka nang kumain. Sandali lang at ipagluluto kita."

"Wag na po, tita. ako na lang po ang gagawa ng breakfast namin ni Ena."

"Sigurado ka ba?"

"Yes, tita. marunong naman ako kahit papaano." hindi man ako magaling magluto ay masasabi kong hindi naman ako pumapalpak sa pagluluto lalo na ng mga simpleng lutuin. Siguro ay gagawa nalang ako ngayon ng paborito ni Ena na pancakes total maaga pa naman.

"Okay. Sabihan mo lang ako kapag kailangan mo ng tulong." Nakangiti akong tumango sa sinabi ni tita at dumiretso na ng kusina.

Hinanda ko muna ang mga ingredients na gagamitin ko bago nagsimulang magluto. Ilang minuto lang ay natapos na rin ako pero hindi pa rin nakakababa si Ena kaya nag toast na muna ako ng bread at nilagyan ko ng cheese gaya ng gusto niya. ilang sandali matapos kong maihain ang niluto ko sa mesa ay bumaba na rin siya sa wakas.

Nabigla ako nang makita ang itsura niya. Mugto ang mata niya at mukhang puyat o umiyak na hindi ko maintindihan. "Anong nangyari sayo?" senenyasan ko siya na maupo.

"Wala." Iyon lang ang isinagot niya bago umupo. Pinanood ko pa siya ng ilang sandali bago inisip na baka napuyat lang kakapanood ng kdrama kagabi.

Nagsimula na kaming kumain at nakakapanibago ang katahimikan ng babaeng 'to ngayon. tuloy ay hindi ko maiwasang mag isip ng kung ano.

"Nililigawan ka ba ni Kairous?" Nagulat ako sa biglaan at dire- diretsong tanong niya. Nang makabawi ay umiling ako bilang sagot. "Hindi. bakit naman ako liligawan 'non?" sagot ko.

Nagningkit pa ang mata niya na parang binabasa kung totoo ba ang sinabi ko. Napangiwi ako dahil ang mugto niyang mata ay mas nagiging pangit tingnan nang ginawa niya iyon.

Matapos kumain ay sabay ulit kaming pumasok ni Ena. Nakakapanibago man ang katahimikan niya hanggang sa makarating kami ng campus ay hindi na ako nag abalang magtanong kung may problema ba dahil hindi naman siguro siya magkakaganon kung wala at kung gusto naman niya ay tiyak na magsasabi rin siya sakin.

Nang makapasok ng building ay naghiwalay din kami dahil magkaiba nga ang station namin base course. Habang mag isang naglalakad ay kapansin-pansin ang mga tingin at bulong bulongan ng mga estudyante na rinig ko namang ako ang kanilang pinag- uusapan pero hindi ko na pinansin pa yon dahil abala ako kakaisip sa inasta ni Ena. tsaka dapat ngayon pa lang talaga ay sanayin ko na ang sarili ko sa mga ganitong bagay sa campus at kung hindi ay baka kung sino- sino pa ang makaaway ko.

Nasa fourth floor ang room ko kaya nagmadali na akong umakyat ng hagdan. Hindi ko alam kung bakit may elevator dito pero tanging mga guro at counsel officer lang ang pwedeng makagamit. Tuloy ay pawisan ako nang makaakyat sa floor ko, laking pasasalamat ko naman dahil wala pa ang adviser namin pagpasok ko. pumasok na ako at umupo sa upuan ko pero halos lahat ng mga kaklase ko ay narito na pero si Karl ay wala pa.

He's In TroubleWhere stories live. Discover now