Kabanata 28

23 2 0
                                    


"Tiara! Ano ba? Malalate na tayo, gumising ka na d'yan!"

Mabilis ang pagdilat ko ng mata sabay tingin sa orasan na nasa ibabaw ng dingding. Shoot! Late na'ko!

"Ito na, maliligo na!" Nagmadali na akong pumasok ng banyo para maligo pero bago yon ay binuksan ko muna ang pinto ng kwarto ko.

"Ano bang ginawa mo kagabi at hindi ka nakagising ng maaga ngayon?! You're usually not like this!" pangaral ng pinsan kong nakabihis na, tuloy ay lalo pa akong nataranta.

"Hurry up! Maligo ka na!"

"Ito na!"

Pumasok na ako ng banyo at nag ala flash sa bilis ng pagligo. Doon na rin ako nagbihis kaya pagkalabas ko ay nakaayos na ako.

"Nag telebabad na naman kayo ni Kai kagabi, 'no? kaya siguro madaling araw ka na nakatulog. Naku!"

"OA mo, hindi kaya! Ni hindi tumawag 'yon kagabi!"

"Aha! So.. inamin mo ring hinintay mo nga ang tawag niya?" Halakhak pa niya.

"Shut up, Serena! You're getting on my nerves!"

Nagpatuloy lang ako sa Pag aayos habang patuloy pa rin ang pang- aasar niya. Hindi na ako makapag focus ng maayos dahil sa presensya niya at dahil sa labis na pagmamadaling hindi gaanong mahuli sa klase.

Pero ang totoo? May kinalaman nga si Kairous kung bakit hindi ako nakatulog ng maayos kagabi, hindi nga lang tulad ng paratang ni Ena.

Hindi kasi ako nakatulog kakaisip sa mga sinabi niya kahapon. Ang imahe lang naming dalawa na nasa ice rink at naghahalikan ang nakikita ko sa aking isip sa t'wing pinipikit ko ang aking mga mata.

Pagkababa namin ay kape at tinapay lang ang kinain ko tsaka na kami umalis ng bahay. Alas otso na ng umaga at alas otso ang umpisa ng klase namin!

Pagkarating ko ng classroom namin ay nagsisimula na ang klase. Hiyang hiya pa ako ng pumasok, mabuti na lang dahil mabait si miss Castro at napagsabihan lang ako.

"I'm sorry again, miss." Hingi ko uli ng despinsa bago umupo at nakinig.

Sa dalawang subject ay nagkaroon kami ng surprised quiz ngayong umaga, laking pasasalamat ko nalang talaga dahil lunch break na.

"Karl, lunch tayo?" Aya ko sa katabi. Nag-aayos siya ng mga notes at pinapasok ito sa bag niya, nag angat siya ng tingin sakin.

"Sige." Sagot niya, bahagyang nakangiti. Pag ganito talagang pansin ko na nasa maayos na modo siya ay naglalakas loob akong lumapit sa kanya.

Sabay kaming naglakad papunta at papasok ng cafeteria. Naisip ko ring kami na lang muna ang magsabay na kumain ngayon dahil ramdam kong hindi rin sila nagkakalapit ng loob nina Aya at Jean, dahil para sa mga ito ay weirdo siya.

Gaya ng nakasanayan ko na ay pinilit ko siyang ilibre ng lunch, makabawi na rin kahit papaano sa mga tampo niya.

"P-pag nagka pera ako babayaran din kita, pangako."

"Ayos lang, let's eat?"

Ngumiti lang siya at nagsimula na kaming kumain. Panay ang sulyap ko sa kanya, nag iisip ng sasabihin.

"Sasali ka ba sa quiz bee next week?"
Tanong ko, nag angat siya ng tingin.

"Hindi ko alam. Pero hindi na lang siguro, may trabaho pa ako e. hustle masyado." Iyon lang at nagpatuloy na siya sa pagkain.

"Sayang naman. Ikaw pa naman pinaka magaling sa science sa klase natin." Nanghihinayang na sagot ko.

"Ganon talaga e. Mahirap maging mahirap. Hindi mo 'yon maiintindihan kasi wala ka naman sa sitwasyon ko." Gaya ko ay mukhang natigilan din siya sa sinabi. Gulat siyang napatingin sakin. "S-sorry. wala akong masamang ibig sabihin."

He's In TroubleWhere stories live. Discover now