"Class, please study about our previous lessons and the one that I've discussed with you today as I'll be giving a test tomorrow. You may now have your lunch."Rinig ko ang pagrereklamo ng mga kaklase ko pero ngayon ay nagpapasalamat lang ako na makakakain na ako.
Sus. Yun nga ba talaga ang dahilan?
Sabi iyon ng isang parte sa loob ko. Ano pa ba ang pwedeng maging dahilan?
Napabaling ako sa labas ng biglang magkaron ng ingay doon. Biglang dumami ang mga tao at panay tili ng mga babae ang naririnig ko. Nakitingin na rin ang mga kaklase ko at dahil gusto ko ring makita kung anong meron ay tumayo na ako at makikitingin din.
"Si Tiara? Asan si Tiara??" Pumasok sa room namin ang isang babae na mukhang natataranta ngunit may malaking ngiti sa labi at tila nanlalaki pa ang mata. Nang mamatahan ako nito ay agad itong lumapit sakin.
"Anong meron?" My brows frowned upon seeing the commotion outside.
"Nandyan sina Kairous! Hinahanap ka!" Napahampas pa ito sa ibabaw ng lamesa sa sobrang gigil.
Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ang sinabi niya at agad na napabaling sa pinto ng biglang magkaroon ng malaking espasyo roon at pumasok doon ang lalaki!
Kasama nito dalawang kaibigan na sina Dash at Creyon ngunit nanatili lang ang mga ito sa tapat ng pinto samantalang dumiretso naman ito palapit sakin. Nakatunganga pa rin ako roon sa kanila.
"Let's go?" Bumalik lang ako sa tamang wisyo nang matamis siyang ngumiti sakin.
"Uh-uh.." Nagtingin pa ako sa magkabilang gilid ko na parang ganon kahirap sagutin ang sinabi niya. Nagkataong namatahan ko si Karl kaya bigla rin akong napaisip kung may makakasama ba siya ngayon.
"Karl, gusto mo bang sumama samin? Sabay ka na saming maglunch."
Ngayon ko lang naisip na wala pala siyang makakasamang kumakain.. ayaw ko siyang mag-isa pero nakapangako na rin ako sa lalaki.
Napansin kong nag- alangan pa siya bago sumagot. "A-ah.. wag na. Marami rin kasing iniutos sakin si miss Sevilla kaya hindi rin ako makakasama sa inyo."
"Sigurado ka?" I feel.. awful.
Totoo na nitong mga nakaraang araw ay palagi siyang busy dahil kung minsan ay siya rin ang nagbabantay ng library at ang laging inuutusan ni miss Sevilla sa kung ano-ano dahil parte iyon ng part time job niya pero nag-aalala pa rin ako dahil baka sinasabi lang niya ito para hwag ko siyang alalahanin.
"Wag kang mag-alala sakin, ano ka ba." Totoo ang naging ngiti niya kaya nakampante ako.
"Okay. Sandali lang naman kami, see you." Sinukluin ko ang ngiti niya bago bumaling sa kaharap na lalaki. "Tara."
"Jerks, let's go." tawag nito sa mga kaibigan na pinalilibutan na ngayon ng mga kaklase kong babae at ilang mga galing sa ibang room.
"Good bye, ladies." paalam ng mga ito sa mga babae. Kilig na kilig namang humiyaw ang mga ito.
Nauunang maglakad iyong dalawa habang nakasunod naman kami sa likuran nila. Dahil galing kami sa room namin ay nasa fourth floor kami. Nabigla ako nang hindi dumiretso ang mga ito sa hagdanan ngunit sa elevator na privileged lamang ng mga professors ng School.
Wala na akong nasabi at napailing nalang. Unang pumasok ang dalawa sa loob at sumunod naman kami kaya ngayon ay nakatalikod na ang mga ito samin.
YOU ARE READING
He's In Trouble
Teen FictionAnd when they thought she got it all, she, who is a combination of sweetness and spice, turned out to be very empty inside. yet the void within her will soon be filled with the pieces of him.. [[The book cover is not mine. Credits to the rightful ow...