Kabanata 11

42 3 0
                                    


"Naku, ang init mo nga! Ano bang ginawa mo at nagkalagnat ka, ha?? Naku, tiyak magagalit ang Papa mo nito. Baka akalain non pinapabayaan kita dito!" Alalang- alala si tita habang panay ang hawak sa noo ko.

Nasa kwarto ako ngayon at inaapoy ng lagnat. Pina- off ko na rin ang aircon pero giniginaw pa rin ako.

Kakapasok lang ni tita at nilapitan niya agad ako at hinawakan sa noo. kasunod niyang pumasok si Ena na alam kong siyang nagpaalam sa kanya.

"Ayos lang ako, tita. wag nyo na pong ipaalam kay Papa, please." Hirap kong sinabi iyon.

"Anong ayos? e mukhang may sariling winter season ka dyan sa panginginig eh! Naku Tiara, ipapaadmit kita!"

"Ma! Huminahon ka, lagnat lang yan. Siguro dala lang yan ng pagod kahapon."

"Basta! Iba na ang naniniguro. Hindi pwedeng magkasakit ang pinsan mo, naiintidihan mo ba?! papatayin ako ni kuya pag hindi ko pina ospital ang anak niyang may lagnat!"

"Ay naku ma, ang OA."

Sa huli ay sumuko na rin siya sa pakikipagtalo sa Ina dahil mukang buo na ang desisyon nitong ipaadmit ako. Sa kabila ng sitwasyon ko ay nagawa ko pang tumawa sa sarili. Kagabi lang ay sinabi kong parang wala akong ganang pumasok ngayon pero nasabi ko lang naman yon at hindi ako seryoso don kaya bakit naman tinotoo?? tuloy ay first absent ko to.

Hindi naman siguro to tungkol sa kagabi diba?

"Ako na ang bahalang magsabi sa adviser mo. pagaling ka, ha? Pupuntahan kita mamaya."

Paalam ni Ena bago na umalis at pumasok. Naiinggit tuloy ako, parang gusto ko na lang ding pumasok..

"Hello, daddy?.. kasi itong si Tiara, inaapoy ng lagnat kaya ipapaadmit ko na. Ano?... Ah Oo, mataas. hindi na nga nagsasalita dahil sa panginginig kaya nga kinakabahan na ako.....ewan. paggising ata may lagnat na e. ...sige sige, doon ka na lang dumiretso mamaya, ah?.. okay bye."

Napabuntong Hininga nalang ako sa narinig na pag- uusap. sigurado akong

si tito iyong kausap ni tita at pinaalam na ang lagay ko. Nasa ilalim na ako ng makakapal na kumot pero giniginaw pa rin ako. ang tanging rason ko lang naman kung bakit hindi na ako nagsasalita ay dahil wala naman akong makausap! Si tita nalang ang nandito pero parang kausap lang naman niya ang sarili habang nag-aalala sa lagay ko!

"Ma'am ito na po ang gamot at pagkain."

Umayos na ako ng upo nang dumating si Manang Beth dala ang Isang plato na may kanin at ulam na puro gulay tsaka gamot para sa lagnat at isang basong tubig. Baka gumaling na ako dito at hindi na kailangan pang ipaadmit.

"Kaya mo bang kumain?"

Ngayon ay medyo huminahon na ang boses ni tita.

Nilapag ni manang ang pagkain sa harap ko na nakapatong na sa breakfast table na dala. "Kaya ko, tita." kahit walang gana ay kumain pa rin ako.

"Mabuti pa manang, tulungan mo muna ako dito. ihanda natin ang mga dadalhing gamit ni Tiara sa hospital." Baling nito kay manang na agad naman nutong sinunod. Habang kumakain ako ay abala silang inilalagay ang mga damit ko sa isang bag. Pinapanood ko sila at parang pang isang linggohang damit ko na ang mga yan.

Ang sama nga ata talaga ng pakiramdam ko dahil umiikot na lang bigla ang paningin ko pag biglaan akong bumabangon, giniginaw pa rin ako kahit naka off naman ang aircon, at ang malala pa ay nawala na rin yata lahat ng takaw ko sa katawan. wala akong malasahan sa kinakain ko.

Pagkadating namin ng hospital ay pinaadmit nga ako ni tita. Kumuha siya ng isang private room para sa akin at kakatapos lang akong matingnan ng doctor at malagyan ng dextrose. Mamaya lang din ay magpapakuha ako ng dugo para makasiguro. nag- aalala kasi si tita na baka kung ano na to at hindi isang simpleng lagnat lang.

He's In TroubleWhere stories live. Discover now