Kabanata 24

27 2 0
                                    


Knowing him

"No, baby. I was just wondering how lucky I would be if I got to marry you someday."

Dahil sa sinabi niya ay natahimik ako.

Hindi ako nakasagot dahil hindi naman yon ang inaasahan kong iniisip niya. Napansin niya ang naging reaksyon ko kaya lalong lumaki ang ngisi niya.

Magsasalita pa sana siya nang may biglang pumasok sa pinto. Isang babae na may kayumangging kutis at kulot na mahabang buhok. Malaki ang ngiti nito nang tumingin sa lalaki

"Kairous, may pinapadalang pagkain si Nanay." tsaka rin siya sandaling napabaling sakin.

Tumayo naman ang lalaki at tinulungan siya sa mga dala. Nilabas nila ang mga laman nitong mga kamote, saging, pakwan, mangga at malamig na tubig na may pipino at tatlong baso na kasama tsaka isa-isang nilagay ang mga pagkain sa dahon ng saging.

Kumuha ng kamote si kairous at inabot sakin. "Thanks." Napangiti ako sa hawak na kamote. Bata pa lang ako nang huli akong makakain nito.

"Paabot din ako ng isa.. Kairous."

Nabigla ako nang makitang nakaupo na ang babae sa kabila kung saan nakaharap siya samin. Sa akala ko ay aalis na siya pagkatapos maihatid ang pagkain pero nagkamali ako. Ganon nalang ang dismaya ko nang ngitian ko siya at tingnan lang niya ako.

Kumilos naman agad ang lalaki at inabot sa kanya ang isang saging.

"Kasi.. iyong kamote rin ang gusto ko." Nagtataka man ay kumuha na lang din ito ng kamote iat iniabot sa kanya.

"Salamat." habang pinapanood siya, I could already tell that she's blushing..

Nakakabingi bigla ng katahimikan kaya siguro si kairous na rin ang bumasag nito. "Kumusta na pala kayo rito?"

Napangiti nang malaki ang babae.

"Ayos naman. Sa bayan na ako ngayon nag-aaral, salamat sa lolo mo."

Napangiti ang lalaki. "Anong course ang kinuha mo?"

"Education. Gusto ko kasing magturo, Ikaw? balita ko engineering ka raw?"

"Yeah.." mahinang sagot ng lalaki, bahagyang nakangiti.

"Naalala ko nga. bata pa lang tayo pangarap mo na'ng maging engineer." Pagpapatuloy pa ng babae, at bahagyang napatingin sakin.

"At ikaw naman ang teacher namin mula noon." mas lalong lumaki ang ngiti niya sa sinabi ng nito. dahil hindi naman ako maka relate sa pinag-uusapan nila ay nagpatuloy lang ako sa pagkain.

Hindi ko alam pero naiinis ako. Mabigat ang loob ko sa babaeng ito, siguro ay dahil tinitingnan lang niya ako kahit ngumingiti na ako sa kanya.

"Don't eat too much. Baka mabigla ang tiyan mo." kalaunan ay saway nito sakin nang makita ang mga maubos ko na.

Dahil ayaw ko ring maging bloated mamaya pag nag horse riding kami ay tumigil na ako. Iinom na sana ako pero wala na akong nakitang natirang baso roon. Ang isa ay nasa dalawang bata, ang isa ay nasa kay kairous at ang huling baso ay nagamit na rin pala ng babaeng.

"Wala na bang baso?"

Napabaling sakin ang lalaki at tiningnan kung may iba pang baso.

"Tatlong baso lang ba ang dala mo, Lira?" sya pala iyong Lira.

"Tatlo lang ang dinala ko e. Hindi ko naman kasi alam na may kasama pa kayo dito." Tukoy nito sa dalawang bata. Napaisip tuloy ako, so.. balak niya talagang samahan kami rito?

He's In TroubleWhere stories live. Discover now