Meeting the weirdoKINAUMAGAHAN ay nagising ako dahil sa alarm ng phone ko. Kagabi pa lang ay naisip ko nang hindi nila ako gigisingin nang maaga dahil alam nilang kailangan ko ng pahinga at tama nga ako, pero kailangang makapag enroll na ako ngayon dahil huling araw na lang ng enrollment sa eskwelahan na papasukan ko. Siguro ay bukas ko nalang susulitin ang pagpapahinga ko.
Masigla kong hinati ang dalawang malaking kurtina sa bintana nitong kwarto ko at nakangiting pinagmasdan ang labas. I feel so alive. Ang sarap sa pakiramdam na makatulong nang ganon kahaba pero hindi binababangungot ng kung ano.
Maaga pa naman kaya inayos ko na muna ang mga gamit ko sa cabinet. Kaunti lang ito kaya natapos ko rin agad. Siguro ay mamimili nalang ako ng mga bagong damit sa mga susunod na araw. Matapos iyon ay naligo na ako at nagbihis ng isang simpleng white na blouse at brown namang skirt na hindi lagpas tuhod ang haba, tsaka penares ito sa isang puting sapatos. Naglagay lang ako ng ilang accessories gaya ng hikaw at kwentas pagkatapos ay hinayaan lang naka lugay ang buhok ko.
Tiningnan ko ang repleksyon sa malaking salamin na nasa aking harapan at pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko. Black, long and wavy hair, fair skin tone, plump lips, almond eyes, small nose, long lashes..
Napatingin na rin ako sa katawan ko
Some may say that I'm too tall for my age, I'm even taller than Serena even if she's on the runway while I enjoy posing in magazines, but really, it's my height that gets the least compliments. It's my face that gets the most praised for as long as I can remember.
Pagkatapos kong mag ayos ng sarili ay bumaba na ako. Pagkalabas ko ay may ilang mga bumati saking mga kasambahay na naglilinis dito sa second floor, at dahil nga malaki ang bahay na 'to ay mahaba-habang hallway din ang nilakad ko bago ko narating ang hagdan.
"Good morning, miss Tiara."
"Good morning po, ma'am."
"Ma'am Tiara, good morning po."
"Good morning." Bati ko rin sa mga kasambahay na bumati sa'kin pagkababa ko. Nandito sila sa sala at naglilinis. Agad na akong dumiretso sa kusina para hindi na makaabala pa masyado sa kanila.
Mabuti naman at naabutan ko rito ang hinahanap ko. "Ena, si tita?"
Lumapit ako sa pinsan kong mag isang kumakain sa kusina. She looks like she wasn't expecting to see me this early.
"Umalis lang sandali. You're up early, nagutom ka ba?" Aniya. Naupo ako sa katabing inuupuan niya.
"No, but I have some errands to do so.." kumuha ako ng isang toasted bread na nakahain at kumagat dito hanggang sa maubos ko ito. Sunod ay uminom ako sa smoothie na sa hula ko ay siya mismo ang gumawa. Halos makalahati ko ito.
"Oh okay, so I'll just have to pretend that I'm not seeing how you're eating all the food that I cooked for myself because you just came here yesterday." She said sarcastically as I bit on the last piece of bread left on her plate
"Chill." I laughed "I was just trying if they're good, and you know they are good when I continue eating them so you better stop fussing, but just be greatful instead." I said, right after taking a taste of the pancake
"Thats called gaslightning at its finest, T." She rolled her eyes. "Pwede naman kitang ipagluto, what do you want for breakfast?"
"Thanks, but I'm already full. Samahan mo nalang ako."
Dahil sa sinabi ko ay biglang umaliwalas ang mukha niya. Parang napansin ko pa ngang nagningning bigla ang mga mata niya sa narinig.
"Ha? Saan?" Excitements filled her eyes
YOU ARE READING
He's In Trouble
Teen FictionAnd when they thought she got it all, she, who is a combination of sweetness and spice, turned out to be very empty inside. yet the void within her will soon be filled with the pieces of him.. [[The book cover is not mine. Credits to the rightful ow...