Sports Festival, day 2Kasalukuyan akong nakahiga sa kama ng kwarto ko at nakatingin sa kesame, malalim ang iniisip. Sa totoo lang wala naman talaga, kakagising ko lang kasi kaya natutulala pa'ko ngayon.
Sa mga ganitong oras ko talaga naiisip lahat ng mga nangyayari sa buhay ko e. kesyo sa mga pinipili kong desisyon sa buhay, at kung gano pala kagulo ang mga tumatakbo sa isip ko.
lahat iniisip ko, nababaliw na ata ako.
"Hindi ka ba papasok?"
Hindi man ako lumingon ay alam kong pumasok na si Ena rito sa loob.
"I don't feel like going to." I answered, honestly.
"How about Kairous? Hindi ka ba manonood ng laro niya?"
Lumubog ang foam ng kama kaya alam kong umupo siya sa gilid ko.
"Mamaya pa ang laro nila." napapikit muli ako.
"Oo nga, pero syempre magpa practice sila ngayong umaga. Don't you want to be there for him?"
Agad akong napadilat at mabilis na napabangon.
"Dont wait for me, magpapahatid nalang ako kay kuya Ismael."
Tumayo ako at lumapit sa cabinet
para sana kukuha ng isusuot.
"Wow, at hindi pa kayo n'yan ah?"
Parang namamangha pa siya sa nakikitang inaasta ko.
"Kaya nga mag pinsan tayo. tell me honestly, Ena. Bakit ka inumagang umuwi kanina, at bakit iba na ang suot mo?" nilingon ko siya at nginisihan.
Kagabi ang may biglaang business trip sina tito at tita kaya hindi na kami nakapag celebrate ng panalo namin ni Serena. pero mukhang ako lang ata ang hindi dahil alas dos na siya umuwi kanina. Umalis sila ni Erik nang naka puting blouse at jeans siya, tapos umuwing naka hoodie?.. hmm..
"Ugh, 'yang isip mo ah? masyadong madumi. Magde date sana kami sa Giovanni's but I changed my mind the last minute so we went clubbing instead. Natapunan ako ng drinks so the staff lend me the hoodie to change."
She doesn't look like she's lying so,
"Okay, pero bakit nga kayo inumaga?"
hindi pa ako nakuntinto sa sinagot niya.
She looked at me in disbelief. "What do you expect us to do, T. bantayan namin ang oras?? omg, you're becoming so manang na talaga."
I just rolled my eyes. "I'm just making sure that there's no funny business going on while your parents aren't around."
She scoffed. "Nahiya naman ako sa Inyo. I know Kairous respects you so much, but the way he looks at you.. It's like he's looking at his favorite dessert."
Natapon ko sa kanya ang kinuha kong damit pero nasalo lang din niya at tatawa-tawa pa. "Get lost."
Tiningnan niya ako at tumawa na parang baliw. tawa lang siya nang tawa hanggang sa siya rin ang napagod sa ginagawa. Nahiga siya sa kama at nakangiting nakatingin sa kesame.
"Isn't it ironic that I could already tell that you and Kairous are in love with each other but I couldn't do the same thing to myself? Erik has been so patient for courting me for six years now.. grabe. pero hindi ko pa rin alam kung mahal ko na ba siya. he's too pure and good kaya natatakot akong sagutin siya tapos hindi ko pa naman pala siya mahal. Alam mo yun, T? nakakatakot manakit ng tao na walang ibang ginawa kundi ang mahalin ka nang sobra."
YOU ARE READING
He's In Trouble
Teen FictionAnd when they thought she got it all, she, who is a combination of sweetness and spice, turned out to be very empty inside. yet the void within her will soon be filled with the pieces of him.. [[The book cover is not mine. Credits to the rightful ow...