I sighed heavily as soon as I saw Serena inside my room who seems to be waiting for me.Wala pa man ay alam na alam ko na ang pakay niya. "Before you even start talking, know that I don't entertain malicious comments."
She raised a brow, smirking. "Oh, at first I wasn't going to but because you seem so defensive about it, now I got a little suspicius. Since you two spent time together last night.. you might wanna share something to me?"
I scoffed "Well, our car broke down, some random typhoon just came out of nowhere, I just got mine when we were there so it leaked on my dress and he was the one who pointed it out first so I was really embarrassed. I was given this dress and the owner might not even have had a single clue that it's now missing."
Halos mapanganga siya sa narinig "Geez. What kind of a love story is that." Mukhang naniwala naman siya "Fine." At umalis na siya sa harap ko at lumabas ng kwarto. I laughed.
***
The next day, nasapian siguro ako ng kung ano kaya naisipan kong lumabas at aliwin ang sarili. Nag-ayos ako bago bumaba.
"Oh hija, Naka bihis ka, may pupuntahan ka ba?" si tita.
"May mga bibilhin lang po ako, tita. Si Serena po?" tanong ko dahil hindi ko ito nakita sa kwarto niya o kahit saan man sa bahay.
"Maaga 'yong umalis kanina. Sino ang kasama mo?"
"Ako lang po."
"Alright. Mag-iingat ka."
Nang makaalis at nagtaxi lang ako papuntang mall na siyang lagi naming pinupuntahan. Naisipan kong lumabas ngayon at aliwin ang sarili, lalo na ngayong namimiss ko si Papa. Naalala kong simula nang dumating ako dito ay hindi pa kami nakakapag-usap kahit sa telepono man lang. Ilang beses ko ring sinubukang tawagan siya pero laging si Lucas lang ang sumasagot ng tawag. Alam ko namang abala siya lagi, pero nagbabasakali pa rin ako.
Ngayon ay namili ako ng mga nagugustuhan ko. May mga damit, sandals, sapatos at bagong make up. Iilang paper bags na ang bitbit ko ng makaramdam ng gutom. Pumasok ako sa sturbucks at naisip na magkakape na lang at siguro ay isang slice na cake.
"Tiara?"
Napaangat ako ng tingin sa lalaking nagsalita sa harap ng table ko. Nasa kalagitnaan ako ng Pag inom ng kape ko ng lumapit sakin si Dr. Arillano. Naalala ko siya don sa hospital noong na confined ako.
"Dr. Arillano? Oh my God, Hi."
"Mind if I sit here?" tukoy niya doon sa vacant seat sa harap ko. Umiling agad ako bilang sagot.
"Yeah, of course."
"You seem to be enjoying your own company, huh? You're alone?"
I just shrugged. "Do you want to order anything, Dr?"
"No. No. I'm with someone. How've you been? You look so much better now. That's great." Saad niya
"Healthy na naman po ako even before. It just so happened that I was sick when we met, Dr." Natawa pa ako sa sinabi kaya napangiti din siya.
"You can call me tito or just Felix, whatever you prefer. I'm your tita's friend anyway."
Agad na naglapat ang mga labi ko ng may maalala. "Hmm.." Kung titignan mo itong si Dr. Arillano, masasabi mong hindi nagkakalayo ang kagwapohan nila ni tito Sergio. Halatang mga heart wreckers din noong teenage years nila e.
"Okay. Doc Felix then." Paninimula ko. Kinuha ko ang coffee ko na nasa table at sumimsim sandali bago nagpatuloy.
"So.. who are you with?" kaswal na tanong ko. hindi muna inopen ang kung ano talaga ang gusto kong itanong kanina pa.
YOU ARE READING
He's In Trouble
Teen FictionAnd when they thought she got it all, she, who is a combination of sweetness and spice, turned out to be very empty inside. yet the void within her will soon be filled with the pieces of him.. [[The book cover is not mine. Credits to the rightful ow...