Kabanata 29

22 1 0
                                    


To make the long story short we were both kicked out of the class because I couldn't control myself any longer and so I over reacted to what he said. What the hell?! lang naman ang naisagot ko pero masyado atang napalakas ang boses ko at napatayo pa talaga ako.

"Ughh!! Nakakainis ka talaga! Ano ba ang naisip mo at pumasok-pasok ka sa klase ko?!"

Nag tatanstrum ako ngayon habang naglalakad palayo sa building namin. Nakakainis siya! At hindi nakakatulong ang pagsunod niya sakin.

"Teka, ikaw nga 'tong sumigaw dun kaya tayo napalabas e. Tss. Oy!"

Patuloy pa rin ako sa mabilis na paglakad. "Hindi naman ako magrereact nang ganon kung hindi dahil sa mga pinagsasabi mo. Ilang anak daw- bakit, magnininong ka??""

Dahil sa sinabi ko ay nahinto siya sa pagtawa "Ang pangit mo mag joke!" Singhal niya

"Ang corny mo manligaw!" Sagot ko rin

"Tiara, ha, hindi na maganda yang mga sinasabi mo!" Mukhang hindi na rin siya natutuwa. Dahil sa sinabihan ko siyang corny? Sa totoo naman!

"E nakakainis ka e! I am supposed to be learning right now. Ano nalang ang sasabihin ko kila tita.. na napalabas ako sa klase? Ugh! This is your fault!" Sumbat ko

Pinakalma muna niya ang sarili "Ganito nalang, let's go somewhere else. Dadalhin kita sa paboritong tambayan ng barkada."

Hahawakan na sana niya ako pero umatras ako. "Saan?" tanong ko

"To the best Café in the City!" Masiglang saad niya

Tiningnan ko ang pinanggalingan namin at mukhang wala nang balak ang prof namin na pabalikin ako. I have nowhere else to stay at ayoko naman sa library dahil tiyak akong bubuntutan lang ako ni Kai at baka pati dun ay mapalabas pa kami.

Last period na rin naman.. "fine."

We drove out using his car at nag drive papunta sa kung saan. A couple of minutes later tumigil kami sa isang cafe na may dalawang palapag. Malapit lang naman pala.

Bumaba na ako nang bumaba siya at binasa ang nakasulat sa taas at literal na The Best Café nga ang nakalagay.

"The best Café nga."

Natawa pa siya sa sinabi ko "let's go inside." nauna akong pumasok sa loob habang nakasunod naman siya sakin.

"Nice." komento ko nang makita ang itsura sa loob ng Cafe. Cute, minimalist ang style.

"Sir, Kai! Aster, Joy, andito si sir Kai!"

Napalingon ako sa Counter kung nasaan ang Isang lalaking crew na nakasuot na dilaw na polo. Mabilis namang nagsilabasan ang dalawang babae na mukhang sa kusina galing. Nakauniform din ang ito.

"Sir Kai, ano pong atin? Hindi niyo ata kasama yung tatlo?"

Napatingin sakin ang lalaking crew at nagkaron nang hindi mapaliwanag na ngiti sa labi.

"Oy, sir, kasama niyo?" May panunukso ang tono nito.

"Girlfriend niyo, sir?"

Tanong din ng Isa sa dalawang babaeng crew na may kaliitan. She looks young, mukhang mas matanda ako sa kanya.

"Oy, sir Kai ah? Alam na ba to ni ma'am Eunice-" hindi na natuloy ng babae ang sinasabi dahil sa ginawang pagsiko sa kanya ng kasamang babae.

"Ano ka ba, joy?" Rinig kong bulong nito. Naramdaman ko naman sa tabi ko ang pagbuntong hininga ni Kairous.

"Guys this is Tiara Vernieza, my girlfriend." Nakita kong nabigla ang mga ito at maging ako man, gulat na napabaling sa katabi pero nginitian niya lang ako.

He's In TroubleWhere stories live. Discover now