What happened is, nag take lang naman kami ng iilang pictures dahil nagugutom na rin ang mga boys at iyong Cataleya lang naman ang nagpupumilit dahil for souvenir daw.Ugh, as if naman.
"I must say ha, she's indeed good. Siguro mas maganda pa nga ata ang kuha niya sa kuha mo kanina." Pagsasalita na naman ng bruha habang nakatuktok doon sa phone ko. Siguro ay napansin din nitong wala namang natawa sa sinabi niya ay napatikhim siya "You guys are so serious." Aniya pa sabay abot sakin ng phone ko
Habang kumakain ay panay ang siko sakin ni Serena. Hindi ako makakain nang maayos kaya binalingan ko na siya. "What ba?" Medyo iretadong asik ko. Can't a girl get a peaceful breakfast here? Geez.
Pero imbes na sumagot ay may nginuso lang siya sakin. Sinundan ko ito at nakita ang nakatinging si Kairous. Wala akong nababasang ano mang ekspresyon sa mukha niya, kaya hindi rin ako sigurado kung galit ba siya. At kung galit man siya, bakit naman?? Para akong matutunaw dito kaya ako na mismo ang umiwas ng tingin.
Ang pwesto kasi namin dito e magkakaharap kami. Pahaba kasi itong mesa, kaya ayon. Nasa kanang bahagi kami ni Serena samantalang *ahem* itong sina Kairous at ang Cataleya na yan ay nasa kabila namin. Inshort, nasa harapan namin. Well, hindi naman completely nasa harap kasi medyo nauuna sila- If ever that made sense- I think.
Tiningnan kong muli si Serena at bumalik na ito sa pagkain, habang nakangiti. Eh? Muntanga rin 'to e. Hindi ko na lamang pinansin pa ang lalaki kahit pa na nararamdaman ko ang patingin-tingin nito. At hindi pa talaga ito nakaramdam ng hiya sa mga kasama namin? Wala ba siyang pakialam sa iisipin ng babae niya? O babae pa nga lang ba niya iyan o girlfriend na? Ulit?
Parang bigla naman akong nanggigil sa hinihiwa kong steak. Isa pa 'to e. Umagang-umaga, umorder sila nito?
"Daddy Z, is something wrong?"
Mabilis akong napaangat ng tingin at agad na napatingin sa kanila. Parang ang oa nung naging reaction ko pero mukhang hindi lang naman ako ang nabigla kaya ayos lang. Sanay na kami rito na ganon ang tawag niya rito pero kasi ngayon, iyong tono talaga e. How should I describe it.. Ang landi? Parang sa pagtawag pa lang niya rito ay hinuhubaran na niya ito.
Kung hindi ko pa narinig ang pagtawa ng mga boys ay hindi ko alam na nakangiwi na pala ako at tuktok na tutok sa kanila. Napairap na ako ng tuluyan nang muntik pang mabilaukan si Kairous sa sinabi ng babae. Tiningnan lang niya ito at inilingan.
"Daddy Z your face." Hawak ko na ulit ang fork and knife at magpapatuloy nalang sana sa pagkain nang mapansin kong natitigilan silang nakatingin sakin.
"What?" Una kong namataan ang nagpipigil ng tawa na si Creyon, si Frank na mukhang namamangha sa kung ano, at si Dash na-
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" ang lakas ng tama
Nangunot ang noo ko sa inaasta nila. Maging ang iba pa kasing kasama namin dito ay parang natatawa na rin. Binalingan ko si Serena at nagtatakip pa ito ng kamay sa labi niya.
"Ano ba 'yon?" Pagkatanong ko nun ay doon na nanlaki ang mata ko. Don't tell me? DID I JUST SAY IT OUT LOUD?! HECKKK. It was supposed to be just in my head!!
"Excuse me?" Rinig kong wika ni Cataleya. She doesn't look pleased at all, uh-oh. "Did I just hear you say 'Daddy Z your face'??"
Napakurap-kurap akong nakatingin sa kanya. Nag peke ako ng tawa at naghanap ng idadahilan. Tumaas na ang isang kilay niya kaya kung ano nalang ang maisipan ko ang sasabihin ko.
"What? Of course not. I.. um..I was actually talking to Serena over here. I just told her we should visit this Island next time. 'Let's visit this place' that's what I said. Right, Ena?" I gave her the look
YOU ARE READING
He's In Trouble
Teen FictionAnd when they thought she got it all, she, who is a combination of sweetness and spice, turned out to be very empty inside. yet the void within her will soon be filled with the pieces of him.. [[The book cover is not mine. Credits to the rightful ow...