Kabanata 21

46 2 0
                                    


The butterflies

Dumaan ang ilang araw at hindi na kami masyadong nagkakasama ni Karl dahil kahit kung minsan ay hindi ako sumasama kay Kairous ay siya naman itong laging may ginagawa. Lalo na ngayong panay ang absent ni Ms. Sevilla dahil nagkasakit daw ang anak nito. Kung minsan ay ginagawa ko na rin mag- isa ang thesis namin dahil naaaawa ba ako sa kanya.

Sa amin naman ni Kairous ay ganon pa rin. Madalas ay siya ang nakakasama kong mag lunch kung tinataboy ako ng pinsan ko. Palagi din niya akong sinusundo pagkatapos ng klase kahit pwede namang mauna nalang siya dahil mas nauuna ang uwian nila samin. Siguro ay kina career talaga niya ang panliligaw. Imbes nga na mga bulaklak ay panay pagkain ang mga pinapadala niya, na nagugustuhan ko naman.

Mas naging close din kami nina Ayeesha, Guile, Feliz, Aliyah Mae at Grace nitong mga nagdaang araw. Nga lang, Isa din ito sa iniisip kong dahilan kung bakit parang umiiwas sakin ngayon si Karl.

"Good luck!" Gumaan ang loob ko sa sinabing iyon nina Ayeesha. Ngayon kasi ang art competition na sinalihan ko at kahit mahilig akong gumuhit at magpinta ay unang beses ko itong sumali. Ang sabi ay ang mananalong painting daw ay ididisplay sa Isang mall.

"Thank you." Iyon lang ang sinabi ko at sumunod na sa teacher na sumundo sakin sa room. Sa Isang bakanteng room gaganapin ang competition at mayroon lang kaming dalawang oras para matapos.

Pumasok kami sa isang room hindi kalayuan sa office at nakita kong marami na ang naroon na tiyak akong sumali din. Sa gilid ako pumwesto sa may bandang bintana dahil doon lang may bakante. Ilang sandali lang sinabihan na kami ng mga mechanics at rules at na hindi kami dapat panay lingon sa gawa ng iba. Nang magsimula na kami ay inayos ko na ang mga materials na gagamitin ko tsaka winasiwas ang kamay ko para maalis ang lamig at panginginig.

Kinakabahan ako pero mas lamang ang excitement na nararamdaman ko.

'A Mother's love' ang theme ng kailangan naming ipinta at agad ko namang naalala si Mama. Naisip kong ipinta ang Isa sa pinakamandang alaala na meron kami noong nabubuhay pa lang siya. Mula nang bata pa ako ay lagi nila akong pinupuntahan ni Papa sa kwarto ko para basahan ako ng kwento bago matulog. Habang si Mama ang nagbabasa ay inaarte ito ni Papa.

Habang ipinipinta ito ay bumabalik sa akin ang aming mga alaala. Kung paano nila ako alagaan at ituring na prinsesa, kung gaano nila ako minahal.. Ni minsan ay hindi sila nagkulang sa pagmamahal sakin kahit na pareho silang busy.

Inuna kong ginuhit ang kwarto ko dati na alam kong naroon pa rin sa dati naming bahay. Sunod ay SI Mama habang katabi ko at binabasahan ako ng paborito kong Cinderella tapos ay si Papa na mayroong kapa sa likod, kalo na pang witch at Isang maliit na stick. Natawa ako ng maalalang sinabi niya noon na pareho lang daw ang fairy godmother at witch.

Ang pinakahuli kong pininta ay Ako.

Maliit, Nakangiti habang pinapanood ang kanyang mga magulang, pitong taong gulang at walang kaalam- alam sa paparating sa kanyang buhay.

Naramdaman ko ang pagpatak ng mga luha ko matapos kong mabigyan ng ngiti ang batang pininta ko. Natapos ko na ang gawa ko at pinunasan ko rin ang luha sa mukha ko. Napabaling ako sa bintana ng may mapansin akong nakatayo doon.

Kairous..

Nakatingin siya sakin at alam ko..

Alam kong nakita niya akong umiyak.

Habang tinitingnan ang mukha niya, parang mas lalo kong gustong umiyak. gusto kong magsumbong. Gusto kong sabihin lahat ng hinanakit ko.. at lahat yon sa kanya ko gustong gawin.

Tumayo na ako dahil tapos ko na rin namang pirmahan ang gawa ko. Ang sabi kanina ay pwede nang lumabas ang mga nakatapos na at iaannounce na lang mamaya ang mga nanalo.

He's In TroubleWhere stories live. Discover now