"Ah-ehem." Sa paglingon ko ay ganon na lang ang panlalaki ng mata ko nang makita roon si Serena na pinapanood kami. Kumabog nang malakas ang dibdib ko sa possibleng nasaksihan niya."T, wala ka bang balak pumasok?" Seryoso ang tingin niya samin. Nakagat ko ang labi ko.
"I should probably go." Rinig kong saad ng lalaki, napatingin ako sa kanya "Good night."
Ginulo pa niya ang buhok ko matapos magpaalam at sumakay na sa kanyang motor. Nang makaalis ito ay nilingon ko naman ulit si Serena, pero nakitang papasok na siya sa loob.
Panay ang sulyap ko sa kanya hanggang sa makapasok kami ng bahay dahil nanatili lang siyang hindi nagsasalita. tuloy ay lalo akong nag aalala. mas gusto ko pang nag-iingay siya kesa ganito.
"Tiara!" Nag-aalalang lumapit sakin si tita at niyakap ako. "Ano ka naman bang bata ka? Gabi na! Where have you been?!"
"Elena, relax. Ni wala pang alas otso. Hindi na bata 'yang pamangkin mo."
Nagsalita si tito kaya napatingin din ako sa kanya.
"Good evening po tito, tita. Sorry po may mga binili pa po kasi ako." Kuha ko sa atensyon nila. Umaliwalas naman ang mga mukha nila nang makita ako.
Tinuro ko pa ang mga paperbag na bitbit- bitbit na ngayon ni Ena. Dumiretso ito sa taas kaya napansin kong maging si tita ay nagtataka.
"Anong nangyari ron?" tanong ni tita.
Pero wala akong maisagot dahil maski ako ay hindi rin alam kung bakit. Kutob ko ay nakita niya nang halikan ako ni Kairous at nasaktan ko siya roon.
"Akyat po muna ako." Paalam ko at nagmadali nang sumunod kay Ena sa taas.
"Teka. kumain ka muna, Tiara!" Pahabol pa ni tita.
"Mamaya na po, tita!"
Nagmadali na akong umakyat para habulin si Ena at magpaliwanag. Pero ganon na lang ang gulat ko ng pumasok ako sa kwarto ay bigla siyang lumapit sakin at binuhat ako!
What the hell?
"T!! Yaaaah I can't believe this! Gusto ka niya! Gusto ka niya!" Umiikot pa siya habang buhat-buhat ako at nagtititili.
"Alam ko." Nanlaki ang mata niya at tinigil ang ginagawa ng sabihin ko iyon.
"Alam mo? how??" Umupo ako sa gilid ng kama samantalang nakatayo pa rin siya at naghihintay ng isasagot ko. Matalim ko naman siyang tinapunan ng tingin bago hagisan ng unan sa mukha.
"Tiara!" mabuti lang at nasalo niya "Nakakainis ka! Akala ko pa naman galit ka na naman sakin! bwesit ka!"
"Arte lang yon, ano ka ba?" Napahalakhak siya "Nakalimutan mo na ata? May dini-date na rin ako!" Napa "0" ang bibig ko nang maalalang panay nga pala ang labas niya nitong nga nakaraang araw kasama ang isa sa mga manliligaw niya. Iyong Eric?
"And didn't I tell you na mag momove on na ako? kaya sayong- sayo na siya, T." Tatawa-tawa pa siya.
"Soo.. bakit ka niya hinatid ha? kayo na ba?" Nanunukso pa siyang tumingin sakin. Natitigilan akong napatitig sa kanya. Teka, so hindi niya nakita nang halikan ako nito? good!
"Psh. Wala lang akong mahanap na taxi kanina." Pagdadahilan ko pero dahil siya yan ay hindi siya naniwala.
"Ilang estudyante ba sa campus ang hindi makahanap ng taxi sa araw- araw hmm? sinasabi mo bang hinahatid din niya isa-isa ang mga 'to?" Napairap ako sa sobrang pilosopo niya. "Ano hindi ka talaga magsasabi? O sa kanya mismo ako magtatanong? Sige ka, baka this time mahulog na sakin yon."
YOU ARE READING
He's In Trouble
Teen FictionAnd when they thought she got it all, she, who is a combination of sweetness and spice, turned out to be very empty inside. yet the void within her will soon be filled with the pieces of him.. [[The book cover is not mine. Credits to the rightful ow...