Kabanata 20

30 2 0
                                    


"Kai... may extrang tshirt akong dala sa bag ko." napatingin ito sakin. "Pwede ko siyang pahiramin."

Akala ko ay tatanggapin na niya ito pero "Salamat pero mayroon na akong damit sa locker ko." sagot nito na ikinabigla naming dalawa.

"Ipapahiram mo sa kanya?" nagugulat muli itong tumingin sakin.

"Well, she could have it if she wants."

Nagkatinginan kami at mukhang humupa na rin ang galit nito.

"Excuse us." nilampasan lang namin ang babae at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Bakit tayo nandito?" Nagtaka ako nang dalhin niya ako sa opisina ng Dean. Dirediretso lang siyang pumasok na hindi man lang nag abalang kumatok. Nang nasa loob na kami ay may binuksan siyang locker at may kinuha na kung ano roon. Tiningnan ko kung ano ito, damit?

"Change there, suotin mo 'to."

Inabot niya sakin iyong puting tshirt na obviously ay mas malaki sakin sabay turo sa isang pinto sa sulok na sa tingin ko ay restroom.

"Kanino to?" tanong ko matapos iyong abutin.

"Mine. magpalit ka na ron, basa ka."

Sinabi niya ito nang hindi makatingin sa mga mata ko. binalewala ko ito at pumasok na ng banyo.

May salamin sa loob kaya napatingin ako roon. Napangiwi ako anng makitang mukha akong pinagpawisan ng husto kahit ang totoo ay nabasa lang naman ako ng tubig. Nabasa rin ang puting blouse na suot ko kaya medyo naging see through ang balat ko sa loob. kaya ba panay ang iwas ng tingin ang lalaking yon? may kanipisan pa naman ang tela nito.

Napailing nalang ako. Hinubad ko iyong nabasa kong damit tsaka nagpalit ng binigay niyang damit pagkatapos ay lumabas na rin agad.

Naabutan ko siyang nakaupo sa sofa kaya lumapit ako. "Hindi ba tayo pagagalitan dito? opisina 'to ng dean, di ba?" Napaangat ang tingin niya sakin at mataman akong tiningnan.

"My shirt suits you better."

Napakalayong sagot niya sa tinanong ko. Napatingin naman ako sa suot ko. komportable naman pero nahihiya akong lumabas na ganitong suot-suot ko ang damit niya.

Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito at ganon na lang ang gulat ko nang pumasok si dean! Natataranta na ako samantalang parang wala lang na tumayo ang kasama ko mula sa pagkakaupo.

"Oh Kid, what brings you here?" tanong ng may edad ng lalaki pero kita parin ang gandang lalaki nito. tumingin lang siya rito at nagtaka nang makita ako. "And who's this lovely lady?" Nakangiti na siya habang nasa akin ang tingin.

"Dean, this is Tiara Vernieza... Nililigawan ko." Nagulat ako nang sabihin niya iyon pero tumawa lang ang matanda "Is that so?" nakangiti pa ring aniya habang nakatingin pa rin sakin kaya naman ay bahagya akong tumango.

"Tiara, this is Dairous Lois O'nell, my Grandfather." Nabigla ako sa sinabi niya at hindi makapaniwalang tumingin kay Dean pabalik sa kanya.

So that's why they resemble each other. Bakit nga ba hindi ko naisip na apo siya ng Dean?

Ang alam ko ay pamangkin ni Dean ang Principal so it's either anak mismo siya o pamangkin ng Principal.

I am aware of the School's name O'nell University naisip kona na sila ang may-ari ng school pero hindi ko lubos naisip na related siya sa Dean.

I thought they just owned the school, but not literally in the school. If that ever makes sense.

"It's nice to meet you, miss Vernieza. But if I'm not mistaken, are you the daughter of Don Evon Vernieza?"

He's In TroubleWhere stories live. Discover now