"Uh excuse me? Hinahanap mo ba si Serena? lumabas na siya kani-kanina lang e." Sa wakas ay may matino ring lumapit sakin.
"Ganon ba? Sige, thank you!" Pagkasabi ko non ay nagmadali na akong bumaba. siguro ay didiretso nalang ako sa cafeteria baka nandoon na siya.
"You're welcome!" Pahabol nito.
Malapit lang dito ang cafeteria kaya nang makita ito ay agad na akong pumasok. Sa labas pa lang ay kita na ang napakaraming estudyanting kumakain. Lahat sila ay may kani-kanilang mga mundo na parang iyong kausap lang nila ang nakikita.
Pagkapasok na pagkapasok ko ay agad na hinanap ng mga mata ko si Ena. Pero ang mga tawanan at kwentohan ay biglang napalitan ng mga bulungan at mga ugong na rinig ko naman. Napatingin ako sa mga tao at muntik na talagang malaglag ang panga ko nang makitang sakin sila nakatingin. Anak ng-! Bakit na naman?!
"Tiara, dito!" Agad na hinanap ng paningin ko ang pinagmulan ng boses na yon na alam kong ang pinsan ko.
Nakita ko siyang nakaupo sa medyo gitnang bahagi ng cafeteria at may dalawang kasama. Siguro 'yong sinabi niyang kaibigan niyang sasabay sa'min. Nakatingin siya sakin habang kumakaway, nakatingin din sakin ang mga kasama niya at siguro ay hindi bababa sa 90% na mga estudyante ngayon dito.
Nagsimula na akong maglakad papunta sa kanila ng may biglang tumayo sa harap ko nang nasa pinakagitna na ako. Nang makita kung sino ito ay literal na napatunganga ako! mukha naman siyang walang balak tumabi o umalis sa harap ko dahil natingin pa nga ito!Ugh! para talaga siyang manyakis kung makatingin! gwapong manyakis!
Mas Lalo nang lumakas ang bulung bulungan kaya sa kabila nalang ako dumaan. Napakapapansin naman ng Isang yon. Sa ilang beses na pagkikita namin, literal na tinitigan niya lang talaga ako!
"Ano bang problema ng mga tao dito?"
Inis na tanong ko nang makaupo na sa mesa nila ng Pinsan ko. Kanina iyong sa field, ngayon pati ba naman dito?!
"Tatlong dahilan lang ang alam ko dyan." Si Ena ang nagsalita. "Ang iba kasi d'yan hindi makapaniwala sa ganda natin, may mga patay na patay mapansin lang natin and lastly, mga nangangarap na maging kasing ganda natin." walang hiyang aniya kaya wala sa oras ay napangiwi ako. Napabaling ako sa dalawang babaeng nakaupo sa harap namin. Sila 'yong nakita kong kausap niya sa simbahan.
"Hello." Bati ko sa kanila.
"Hi! I'm Aya. Nice to meet you!" Sabi nang mukang jolly rin. Siya yong tisay na medyo payat na sinabi ko.
"I'm Jean." hindi gaya ng kasama ay mukang mas matino itong Isa. Nagpaalam lang ako sa kanilang oorder muna. "Order muna ako."
"Samahan na kita?"
"What? No. Kaya ko naman, ano ka ba."
Kumuha lang ako ng taco, two pieces of chicken nuggets, vegetable salad at isang milk tsaka lumapit ng cashier para magbayad. Nalaman kong hindi uso ang pagbabayad dito gamit cash dahil halos lahat ay gumagamit ng card.
"You know, it's not bad to eat unhealthy foods sometimes."
Napalingon ako sa nagsalita at hindi na ako nagulat nang siya na naman ang makita. quota na siya sa panggugulat sakin kaya husto na.
"Ayokong tumaba." Ewan ko kung anong pumasok sa isip ko at iyon ang naisagot ko. As if hindi ako tumatakaw pag nasa bahay e, 'no? tsaka masarap naman kasi ito at hindi naman ako mapili sa pagkain kaya kung pwede namang kumain ako ng mas healthy, bakit hindi?
"Tsk. Hindi ka naman agad tataba pag kumain ka ng fried chicken diba? At hindi ka naman papangit 'pag tumaba ka."
"Parang sinabi mo naring maganda ako." Bahala siya kung ano man ang isipin niya sakin, mabuti nga yon baka hindi na siya lapit nang lapit sakin.
YOU ARE READING
He's In Trouble
Teen FictionAnd when they thought she got it all, she, who is a combination of sweetness and spice, turned out to be very empty inside. yet the void within her will soon be filled with the pieces of him.. [[The book cover is not mine. Credits to the rightful ow...