"Tita, hindi pa po ba tayo Uuwi?" Naiinip na talaga ako rito.Umaga naman na at kanina pa nakaalis si Ena. Gusto ko na ring umuwi at pumasok dahil ayos na naman ang pakiramdam ko, tsaka ayaw ko na ring manatili ng isa pang gabi rito!
"Tiara, hindi ba sinabi ko na sayo? Iintayin pa nating maubos ang laman ng dextrose mo." Siguro ay naumay na si tita sa pangungulit ko
Panay ang tingin ko sa orasan ng cellphone ko at iniisip na pwede pa akong pumasok ngayon, late nga lang.
"Bakit ba nagmamadali ka, ha? kahit naman makalabas na tayo ay hindi pa rin ako papayag na pumasok ka ngayon. Bukas na, Tiara." saway ni tita sakin matapos mapansin ang pagiging uneasy ko.
Nakaupo ako ngayon sa kama habang siya naman ay nasa sofa at inaayos ang mga gamit namin. Ni hindi ko naman nagamit ang mga dinala naming damit dahil dalawang beses lang naman akong nagbihis kahapon.
Oo, nagbihis lang talaga dahil hindi pa ako naliligo. Ang bilin din kasi ng doctor ay mamaya pa ako pwedeng maligo pag uwi namin. Ayos lang naman dahil hindi naman ako pawisin at hindi ka naman pagpapawisan dito dahil naka aircon.
Hindi ako mapalagay dahil naiisip ko pa lang ang mga lessons na na missed ko kahapon ay nanghihina na ako. Lalo na kung aabsent pa ako ngayon buong araw. Ilang sandali lang ay hindi na maalis ang paningin ko sa nakataas na dextrose sa gilid. mamaya lang ay mauubos na rin ito sa wakas.. ilang patak na lang.
Dumating ang Isang lalaking doctor na iba sa tumitingin sakin kahapon kasama ang nurse na pumupunta dito para kamustahin ang lagay ko. Nakangiti itong tumingin sandali sakin bago bumaling kay Tita.
"Madame Elena Gonzales." Nakangiting bati nito kay tita .
"Dr. Arillano, long time no see."
Nakangiti na rin si tita. Mukhang magkakilala sila.
Ang nurse naman na narinig kong tinawag na May ng doctor ko kahapon ay lumapit sa akin.
"Ma'am Tiara, tatanggalin ko na po ang dextrose niyo." Tumango lang ako, nasa doctor parin ang tingin. May itsura siya. tingin ko ay magkaedad lang sila ni tita.
Ilang sandali lang ay natanggal na ang karayom sa kamay ko at agad niyang pinunasan ang kaunting dugo na lumabas doon.
"Hindi ko alam, dito ka na pala nagtatrabaho? You look very successful. I'm happy for you."
Ngumiti lang ang doctor at ibinaling na ang tingin sa akin. hindi ko alam kung namalikmata lang ba ako pero parang may dumaang lungkot sa mata niya? pero bakit naman siya malulungkot, e pinuri nga siya ni tita?
"Is she... Your brother's daughter?"
Tukoy nito sakin.
"Only daughter." Ani ni tita
"Oh. kaya pala." Natawa pa ito sandali bago muling nagsalita. "She's confined due to.. fiver, right? and it wasn't even that high." Hindi ko maintindihan ang pinupunto niya.
"Tiara Fayre Vernieza." Basa nito sa pangalan ko. "Tiara... like a crown? sabagay. Thinking that you're the only daughter of a business tycoon like your Dad, makes you already like royalty." Tumatango- tango pa ito habang sinasabi ang mga ito. Ako naman ay hindi alam kung sasagutin ko ba siya.
"So tama nga ang nababalitaan ko na bumalik na ng Pilipinas ang anak niya at totoong napakaganda.. Isa nga siyang Vernieza."
Nagmamalaki naman ang ngiti ni tita nang sabihin iyon ng kaharap na doctor. "Teka, bakit nga pala ikaw na ang nandito? Ibang doctor ang pumupunta rito kahapon." ilang sandali ay tanong ni tita. Iyan din ang tanong ko kanina pa.
YOU ARE READING
He's In Trouble
Teen FictionAnd when they thought she got it all, she, who is a combination of sweetness and spice, turned out to be very empty inside. yet the void within her will soon be filled with the pieces of him.. [[The book cover is not mine. Credits to the rightful ow...