Nakikita ko na mula rito sa kinauupuan ko si Edzell na naglalakad papunta sa akin. Bagsak ang balikat niya at parang malungkot. Umupo siya sa isang upuan na nasa harapan ko.
Umiling siya, "there's no student named Hazi in this school."
"Sigurado ka bang natanong mo lahat ng room?" Paninigurado ko sa kaniya.
Tumingin siya sa akin nang diretso. Pinunasan niya ang pawis sa noo at leeg niya. "Andres, are you not seeing these sweats? Kahit malayo at maraming estudyante ay tinanong ko. All rooms. But, here you are asking me if I did it well?"
Halatang pagod nga siya. "Eh, pasensiya na. You know, I need to know who that man is!"
"Why? Nawawalang kapatid mo ba siya?"
Umiling ako, "no." Sagot ko. "He's my future husband."
Naikunot niya ang noo niya, "what? Really? For that age? Marriage is what you're preparing? Ako nga hindi na magkanda-ugaga sa pipiliing kinabukasan ko, tapos ikaw kasal lang ang gusto?"
"Hindi mo naiintindihan. Syempre, hindi. I just need to marry that Hazi."
Sumandal siya at pinatong ang paa sa table, "stop searching for Hazi. Don't worry, I'm here. You can marry me. I'm available forever."
"Hay, nako! Tigilan mo iyan. Hindi kita type."
"Ay wow. Gusto mo kasi pogi. Guwapo naman ako, ah! Hindi mo pa yata nakikita ang six-pack abs ko?"
Umangat ang gilid ng labi ko, "kadiri ka naman." Sambit ko nang akma niyang itataas ang laylayan ng uniform niya.
"Hindi ka pa nakakakita ng abs, ano?"
Umiling ako, "aanhin ko ba iyon?"
Tumawa siya nang nakakaasar. "Kunwari ka pa. Alam ko namang gusto mo rin makita ang abs ko."
"Edzell, tigilan mo ang kakabato."
Tumawa naman siya sa sinabi ko. Nag matapos siya sa pagtawa ay bigla namang sumeryoso ang mukha niya at tumitig sa akin. "Kidding aside, bakit mo ba gustong makita ang Hazi na yon?"
Napalunok ako. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin ang tungkol sa bagay na iyon sa kaniya. For him, it would be a childish idea.
"My parents want me to marry him," sagot ko sa kaniya. Agad siyang napatango pero hindi siya nagsalita. "At first, I disagreed." Pagpapatuloy ko. Naging seryoso lalo ang mukha niya. "I haven't seen him or even talked to him. But, one thing I knew… he knows me, he's always watching me. Narito rin siya sa school na ito. I need to know who that man is."
Hindi pa rin siya nagsasalita. Parang nakikinig siya ng isang fairytale stories.
"I want to marry as soon as it can be…seeing that is the only reason for me to move from my… my lolo's house."
Doon nag-iba ang mukha niya. Nang marinig niya ang salitang huling sinambit ko.
"Lolo? May lolo ka?"
I calmly nod my head, "yes. He is John."
"John? As in yung parang bodyguard mo? Yung tatay ni Cosmo?"
Tumango ulit ako, "I have come to the fact that it's all a lie. They hid it from me."
"Goodness, I mean badness." Binaba niya ang paa niya na nakapatong sa mesa. "Anong sunod?"
"As I've said, marriage is the only reason my lolo can accept before I move to another place. I badly want to leave that house. If he's not going to tell me what happened to my parent's, then I must leave. Hindi niya balak na sabihin sa akin ang nangyari. Ayaw niyang malaman ko. Natatakot siya na malaman ko at hindi ko alam kung bakit. Hindi naman ako si Detective Conan para mag-imbestiga nang mag-isa."
BINABASA MO ANG
HOME VISIT (editing)
Fiction généraleA young lady who did an act and pretended to be a highschool student not knowing she's unveiling secrets of her parent's past.