The Last Chapter: Bye

82 0 0
                                    

ANDREW

Dininig agad ng Diyos ang dasal ko. Nagising na si Andrea. Isang oras lang siyang walang malay. Mabuti at walang pilay na nangyari sa kaniya. Hinddi rin napuruhan ang ulo niya kahit pa iyon ang tumama sa hood ng kotse.

Humawak siya sa ulo niya.

"Nasa ospital ka." Uncle showed. "Ano ang pakiramdam mo?"

"I'm... fine?" Her voice is husky. Napatingin siya sa kamay niya. "Parang... parang gumaan na ang pakiramdam ko, John."

Uncle nods.

Tumungin siya sa akin. Marahil ay nagtataka siya kung bakit nandito pa rin ako. "Sino siya, John?" Tinuro niya ako.

No. No, Andrea.

Tuluyan na ba talaga akong nabura sa isipan niya?!

"Uh... hindi mo ba siya kilala?" Uncke asked her. Dahan-dahan naman siyang lumingon.

Bumaba ang tingin ko. Parang mawawalan na ako ng pag-asa. "Aalis na rin ako." Pagkuwa'y sabi ko. Nginitian ko siya. Lumapit ako sa kaniya at kahit pa magalit siya ay humalik ako sa ulo niya. "Bye, Ms. Domingo."

I used that name again. Ang pangalan na iyon ang nagbabalik sa akin sa nakaraan. Nung mga panahon na naaalala niya pa ako.

"Mag-iingat ka, Andrew. Pasensya na." Uncle said.

"Wala na po akong magagawa, uncle." Sabi ko habang nakangiti. Bumaling ako ulit kay Andrea. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nauutas ako. Mahal kita.

Nilingon niya ako. Basa na ang pisngi niya. She's crying! Lumapit na lang ako ulit sa kaniya. I wiped her tears away using my thumb. Alam kong magtataka siya sa ginawa ko pero gusto kong gawin ito. I want to be her man even for the last time.

Hindi na ako nakatiis. Niyakap ko siya nang mahigpit. "Huwag mo akong kalimutan, Andrea." I whispered that to her ear.

Agad din akong lumayo sa kaniya. I looked at her. She's shocked.

Nakatitig lang din siya sa akin. May gusto siyang sabihin na para bang hindi niya kayang bigkasin. Tinanguan ko siya para sabihin na ayos lang ang lahat. "Andrew."

Tila nagbago ang takbo ng oras nang banggitin niya ang pangalan ko. Parang slow motion. Bumagal ang lahat maging ang pagtibok ng puso ko at pagdaloy ng dugo sa mga ugat ko.

Umiiyak siya habang nakangiti. Ako naman ay hindi makapaniwala. Her eyes. Maraming sinasabi ang mga mata niya. Those eyes was my Andrea's eyes.

"What did you say?" Hindi ako makapaniwala sa narinig ko o nagkamali lang ako sa narinig ko?

Tumingin siya sa paligid niya. Her eyes are confused. Parang natauhan siya at nagising sa isang bangungot. Sunod-sunod ang luha na tumulo sa pisngi niya.

"Akala ko ay patay na ako."

Kumunot ang noo ko. Hindi ko siya maintindihan. "What do you mean?"

Umiiling siya. Mukhang inaaalala niya pa nang mabuti ang lahat. Totoo na ba ito? Sana totoo na ito dahil baka ikamatay ko na kapag hindi pa rin kilala kung sino ako. "Naaalala mo na ba talaga ako?"

"I've heard everything..." Nakatingin siya sa malayo. Hindi ako nagsalita. Naging malungkot ang mga mata niya. She looks so disappointed. "May tumama sa ulo ko." Humawak siya sa ulo niya. "Si Chelsea ang tumulak sa akin. Hindi ko alam kung ano ang tumama sa ulo ko. Masakit. Parang namanhid ang buong katawan ko. I didn't feel anything. Basta nagising ako lahat kayo ay nakatingin sa katawan ko. I became a ghost." Doon niya ako nilingon. "Tinatawag kita pero hindi mo ako marinig. Hindi niyo ako makita."

HOME VISIT (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon