Tumakbo ako nang mabilis papunta sa kuwarto ni papa. Tumawag sa akin ang doktor niya. He's awake. Gising na siya! After twelve years nang paghihintay ay makikita ko na ulit ang papa ko.
Halos maubusan ako nang hininga nang marating ko ang kwarto niya. Malayo din kasi ang ospital na ito sa ospital kung nasaan ngayon si Andrea.
I saw him. Kinakausap siya ng doktor. Dahan-dahan akong pumasok. Hindi pa rin ako makapaniwala. Parang isang panaginip. He's awake.
"Papa," I mumbled. He looked at me. Ngumiti siya kaya agad ko siyang nilapitan para yakapin! I missed him so much.
Nagpaalam ang doktor na iiwanan muna kaming dalawa bago ito lumabas sa kuwarto. Kumalas ako sa yakap ko kay papa. Hindi ako makapagsalita dahil napapahikbi ako.
Humawak siya sa balikat ko. "Okay na ang lahat. Maayos na ako. Kailangan ko pang bumalik sa trabaho."
Napangiti ako sa sinabi niya. Nang maaksidente siya ay nasa trabaho siya. Akala niya ba ay gano'n lang ang nangyari sa kaniya? Hindi niya pa yata alam ang nangyari sa kaniya.
"Pa, comatose kayo ng twelve years."
His eyes narrowed. May iniisip siya. Para bang sinasariwa niya ang mga nangyari sa kaniya. "Comatose?"
I nod.
Hinawakan ko ang kamay niya. Tumango ako sa kaniya. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya ang lahat. Ayokong isipin niyang pabigat siya sa akin which is not.
"Matagal na kitang hinihintay na magising at gumaling." I enunciated. "It's been twelve years, dad. Naaalala mo ba na malapit na akong mag graduate ng highschool noon? Naaksidente ka."
Hindi siya nakapagsalita. Gulat ang nakasulat sa buong mukha niya. Hindi niya maamin sa sarili niya ang nangyari sa kaniya.
He muttered, "hindi…"
I felt my eyes formed its water. I bit my lower lip to avoid it from falling. Nasasaktan akong makita siyang nagugulumihanan.
"Anong taon na?" He asked me.
"It's 2018,"
Napayuko siya at nasabunot ang sariling buhok. Tumulo ang luha mula sa mata ko nang makita ko siyang nalilito at hindi maintindihan ang mga sinasabi ko. I know this is hard for him.
"Hindi ako naaksidente. Iyon ang naaalala ko. Hindi ako naaksidente."
Umawang ang labi ko. "What?"
Saglit siyang hindi nagsalita. Inaalala niya ang nagyari nung araw na iyon. Iyong araw bago ako tawagan na naaksidente siya. Ano ba talaga ang nangyari? Hit and run ang sinabi sa akin noon. Iyon ang pinaniwalaan ko.
"Naaalala ko… m-may kausap ako bago ako… may bumundol sa akin… ngumiti pa siya bago niya ako iwanan." He's stammering.
Nagsalubong ang kilay ko. Someone tried to kill my dad? "Sino siya?" I asked. Baka sakaling naaalala niya.
"Hindi ko pa maalala. Pero, kilala ko siya. I called his name."
Humawak siya bigla sa ulo niya. "Okay, dad, don't force yourself. Maaalala mo din iyan."
Nang matapos ang pag-uusap namin ni papa ay pinagpahinga ko lang siya. The doctor called me and talked to me. Maayos na ang kalagayan ni papa. Masaya ako dahil pwede ko na siyang mailabas sa ospital na ito.
Mahaba rin ang twelve years. Ngayon ay maari na siyang makalanghap ng sariwang hangin. Too bad, he can't walk properly. Parang nakalimutan niya kung paano humakbang. But, it's okay. Time can teach him and I'm here for him.
BINABASA MO ANG
HOME VISIT (editing)
General FictionA young lady who did an act and pretended to be a highschool student not knowing she's unveiling secrets of her parent's past.