Chapter 41

40 1 0
                                    

Nilayo ko muna ang sarili ko sa lugar na nakakapag-paalala sa akin ng bagay na iyon. Until now, I have no idea why my heart is so heavy and sad. Parang isang bata na inagawan ng lobo.

Minsan ay napapansin ko na lang ang sarili ko na tulala at hindi makausap nang maayos. Lalo na si John, hindi niya ako makausap nang maigi kung bakit hindi ako lumalabas sa kuwarto ko. Nakakulong ako na parang isang hayop at takot sa mga tao.

Hindi naman ako kinukulit ni John. I think it's a cue for him to not bother me for the mean time. Minsan ay kakatok siya sa pinto. Pero hindi ko siya pinapansin. Gusto ko lang humiga at ibaon ang mukha ko sa unan at doon sumigaw nang sumigaw. Parang tanga lang.

"I already... cancelled the upcoming fixed marriage." Nakatingin ako kay Edzell habang kumakain siya. "Hindi ko alam na pwede ko pa lang gawin iyon." Dagdag ko pa.

Tumango naman siya habang ngumunguya, "hm."

"I guess... that gave me peace and happiness."

Lumingon siya sa gawi ko at hininto ang pagnguya. "Really? Masaya ka?"

Mabilis akong tumango. "Oo."

Nandito siya ngayon sa bahay. Nagtataka siguro siya kung bakit halos isang linggo na akong hindi pumapasok. Nung nakaraan ay hinatid niya rito ang bag ko.

"Masaya kang hindi na matutuloy ang kasal-kasalan niyo?" Pag-uulit pa niya.

Parang sirang plaka naman ang lalaki na 'to, hindi makaintindi. Gusto pa ay uulitin ko ang sasabihin ko. "I think mas mabuting huwag na iyon matuloy." Sagot ko sa kaniya.

Umayos siya ng upo at humarap sa akin. "Kung masaya ka, bakit hindi ka nakangiti?""

Sa sinabi niya ay parang gusto kong kumuha ng salamin at iharap iyon sa mukha ko. Talaga bang nakasimangot ako? Well, that doesn't define my emotions. I'm really happy, it's true.

"Emotions can be complex, and it's okay to feel conflicted." Anang Edzell.

Hayan na naman siya. Para siyang isang pari na nagtuturo ng gospel. Hindi ko gaanong maintindihan ang mga sinasabi niya. Mababa ang pag-intindi ko sa mga ganoong uri ng salita. Corny masyado.

Huminga siya nang malalim bago ulit magsalita, "it's important to honor your feelings and be honest with yourself. Parang ibon na nakakulong... kapag pinalaya ay doon niya makikita ang mundo. So, why don't you try to free your feelings?"

"No," sagot ko. "Ano bang gusto mong palabasin? Na may gusto ako kay sir?"

"Bakit, wala ba? Andrea, huwag mo namang kawawain ang sarili mo. Bakit hindi ka pa umamin, pag ginawa mo iyon magiging panatag ka na." Nakatingin siya sa malaking screen ng tv.

I shook my head in disappointment, "you don't know what you're saying, Edzell. Hindi ako ganoon." Napapailing pa rin ako habang lumalayo ang tingin ko sa kaniya.

Hindi ko na narinig pang nagsalita si Edzell. Pagnguya na lamang niya ang narinig ko. Bakit ngayon ay pinipilit niya na may gusto ako kay Andrew? Dati ay ayaw niya sa lalaki na iyon, sinasabihan pa niyang epal. Ngayon naman ay parang pinagtatabuyan niya ko.

"Nitong nagdaang mga araw na wala ka..." bulong ni Edzell. Nilingon ko siya. Nakatingin siya sa tv habang naglalagay ng juice sa baso. "Binanggit sa amin ni sir na..." huminto pa talaga siya.

"Ano raw?"

Ano iyong nabanggit niya? Hindi kaya may sinabi siya tungkol sa amin at sa akin? Baka sinabi niyang nagpapanggap lang ako bilang ibang tao!

"Binanggit niyang balak niyang mag-resign na sa pagtuturo. Kasi gusto niyang ituon ang sarili sa pagpapagaling ng papa niya. Balak din niya yata na dalhin sa America ang papa niya."

HOME VISIT (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon