Ilang araw nang hindi ako pinapansin ni Edzell. Hindi niya ako kinakausap o tinitignan man lang. Kaya hindi ko magawang ipaliwanag sa kaniya ang side ko.
"Do you want me to call Hazi to fetch you?"
Ngayon ang field trip at inaantok pa ako. Ayaw ko na sanang sumama dahil parang may kutob ako na may mangyayaring masama. Siguro iyon ay dahil kasama ko si Chelsea at hindi ko pa kasundo si Edzell.
"Huwag na. Sasakay ako ng bus sa labas ng subdivision. Siya ang mag-aasikaso sa mga kaklase ko na nasa school na." Sagot ko kay John.
"Bus? Sumasakay ka sa bus?"
"Oo. Para na rin masanay ako."
"Ihahatid na kita."
Pinigilan ko siya. "Sanay na ako sa bus. Ito ang lagi kong sinasakyan." Sinuot ko ang ID ko saka ako humakbang. "Alis na ako."
"Mag-iingat ka. Tumawag ka agad kapag may kailangan ka."
Tinanguan ko na lang siya saka ako tuluyang lumabas ng bahay at sinara ang gate.
Naglakad ako sa mahabang kalsada ng subdivision. Tahimik dito. Walang mga batang nasa labas para maglaro. Okay na rin iyon para hindi nakakairita.
Agad akong sumakay sa humintong bus. Mabilis lang ang biyahe sa bus. Naranasan ko na sa jeep, mabagal sila kaya lagi akong late. Parang nagbabakasyon sa isang kanto.
Natanaw ko agad ang mga sasakyan naming bus para sa field trip. Bumaba ako sa bus na sinasakyan ko at hinanap ang bus namin.
Si Chelsea agad ang nakita ko. Napatingin din siya sa akin. "Oh My, G! Sumama talaga siya." Tinuro niya ako sa mga kasama niyang cheerleaders.
Pati si sir Perez ay napalingon sa akin. Sumenyas siya na bilisan ko kaya napatakbo na ako. Umakyat ako sa bus at humanap ng upuan. Nakita ko si Edzell. Napatingin din siya sa akin na agad din namang nag-iwas ng tingin.
Ikatlong row ang napili ko para mabilis din akong makababa at makikita ko pa ang mga tanawin. Umupo si Chelsea sa kabilang row at pangatlo rin. Magkapantay kami ng upuan.
Hinubad ko ang maliit kong handbag at nilagay sa gilid ko. Gusto pa sana niyang makita ang brand ng bag ko pero hindi niya nagawa.
Baka pag nalaman niya kung anong brand ng bag ko ay bigla siyang atakihin sa upuan niya.
Nang kumpleto na ang lahat ay nagsimula nang umandar ng sasakyan. Tahimik sila at kumukuha ng mga picture.
Ipinaliwanag na sa amin na bawal kaming magdala ng pagkain namin at inumin. May mabibilhan naman daw kami roon kaya nagbaon ako ng pera ko.
Nang magdaan ang ilang minuto ay narirnig ko na ang mga maliliit na bulungan ng mga kaklase ko. Nakapikit lang ako kaya hindi ko sila makita.
May narinig akong music. Nanonood yata sila ng nga Korean drama. Madalas aking makarinig sa kanila na nagsasalita ng lengguwahe sa Korea. Hindi naman bagay sa kanila.
"Excited ako sa thesis."
I heard them whispering. Paano naman nagiging exciting ang thesis? Iyan ang tatapos ng buhay mo kung hindi ka magtatiyaga.
"Title pa nga lang wala ka nang maisip."
"Pagpasok natin magsisimula na ang thesis."
"Ano ba yung thesis? Tetris lang alam ko, eh."
"Hala, tanga ka beh?"
Mahihina lang ang mga boses nila. Pinagbawalan na kami kanina pa na huwag gagawa nang ingay. Kaya bulungan lang ang pag-uusap nila.
BINABASA MO ANG
HOME VISIT (editing)
General FictionA young lady who did an act and pretended to be a highschool student not knowing she's unveiling secrets of her parent's past.