Chapter 25

45 2 0
                                    

Nagmamadaling sinalubong ako ni Cosmo pagpasok ko sa loob ng bahay. Nag-aalala siya at halata sa kaniya na kanina pa siya balisa. "Andres, saan ka ba nanggaling? Kanina pa ako nag-aalala sa iyo. Hindi kita makita kahit saan. Mapapahamak ka sa ginagawa mo, eh. Dapat nagsabi ka sa akin para nasamahan kita."

Hindi ko siya pinansin. Dumiretso ako sa loob at nakita ko si John na nakatayo at mukhang naghihintay din sa akin. May hawak siyang cellphone, tila may kausap.

"Andrea, saan ka galing at ginabi ka na ng uwi?"

Gusto ko siyang kausapin. Gusto kong magtanong nang magtanong, kung bakit niya tinago sa akin ang totoo, kung bakit hinayaan niya akong mamuhay sa kasinungalingan niya. Pero, sa kabila no'n, nanatili akong tahimik. Hindi ko hinayaan na maibulalas ko ang nais kong sabihin.

"Importante kang tao kaya dapat hindi mo hinahayaan ang sarili mo nang mag-isa." Dagdag niya pa.

Gaano ako kaimportante? Bakit? How can he say that to me even he knows himself that he's lying to me? Hypocrite.

Hindi ko magawang ngumiti man lang. Ngayong kilala ko na siya, hindi na maalis sa isip ko ang pagkukunwari niya sa akin. Ano ba ang gusto niya at ginawa niya ito?

"Andres, sa susunod, please, magsabi ka." Si Cosmo. Halata sa boses niya ang pag-aalala sa akin. "Saan ka ba galing mula kanina?"

"May problema ka ba, Andrea? Talk to us." It was John. I'll never address him as my grandfather. All my life, he introduced his self as my employee or something like a bodyguard.

Nakatingin lang ako sa kaniya. Hindi ko alam kung pansin niya ba sa mga mata ko ang panlilisik nito.

"Mukhang gutom ka na. Ikukuha kita ng makakain." Iyon ang sinabi niya bago siya nagtungo sa kusina.

Kami ni Cosmo ang naiwan.

"What's bothering you, Andres? Napapansin ko iba ang mood mo these days."

Nginitian ko siya nang peke, "really?" I asked him.

He seemed confused and puzzled. "What do you mean?"

Naglakad ako papunta sa labas. Sinundan niya naman ako. Malamig ang hangin. Gabi na. Sinadya ko talagang umuwi nang gabi. Hindi ko kasi kakayanin kung mananatili akong tahimik dala ang bagay na kinagagalit ko. A balloon might explode if inflated without interruption.

"Ano ba ang bumabagabag sa iyo, Andres? Ilang araw ka nang hindi makausap nang maayos. Nagtataka ako dahil bigla ay tumahimik ka."

Napatingin pa ako saglit sa madilim na kalangitan bago ko siya hinarap. "I disgust hypocrite people," wika ko.

Hindi nagbago ang ekspresyon sa mukha niya. Hindi siya nagtaka o nagulat sa sinabi ko. Parang gusto niya lang na sabihin ko kung anuman ang gusto kong sabihin.

Hindi ako nagsalita.

Tingin ko ay hindi niya alam kung ano ang sinasabi ko. He's just giving me a dumb look on his face.

"Sino ba iyang kaaway mo, Andres? Si Chelsea na naman ba?"

Gusto kong umiyak sa katangahan niya. He didn't get my point. "Hindi," tanging sagot ko. "Marami akong gustong sabihin, alam mo iyon?" I can hear my voice quivers. "Pero, sa tingin ko ay walang handang makinig sa sasabihin ko. Kahit ikaw."

"Makikinig ako,"

Naramdaman ko ang pag-init sa sulok ng mga mata ko. Maiiyak na yata ako. "Tanga ako. Tanga!"

Nag-iba ang mukha niya, "what? Hindi ka tanga, Andres."

"I let you all laugh behind my back! That's how stupid I am."

HOME VISIT (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon