ANDREA
Flashes of lights are the only thing I can see from here where I stand. Wala akong makitang mukha dahil nakakasilaw ang liwanag at masakit sa mata. I refused to do this kind of thing. I'm not a celebrity or what, I don't need this. But, as usual, John forced me to.
"Hello?" Panimula ko. "I'm Andrea Caezaar Laevii. I am thankful for this opportunity to be the new chief executive officer at Golden Empire, which some of you know that this was owned by my late parents, Diana and Wilson Laevii. I sincerely appreciate your time and consideration. I'm happy to accept their legacy with all my heart. Alam niyo naman siguro na ako lang ang nag-iisang tagapagmana ng pamilya ko."
Sa iisang camera lang ako nakatingin para hindi sumakit masyado ang mga mata ko. Palagay ko ay baka ikabulag ko ang mga ilaw na nagkikislapan.
Masaya ako na makilala nila ako. Pero, mas gusto ko talaga ang gumawa ng sarili kong pangalan. Not just as the heiress of my parents who died after I was born.
I want to be more than this. Hindi ko pinangarap na maging CEO o isang office girl. Ang baduy. I want to be an artist.
"I am pleased to have you this afternoon. If you have several questions you can ask me later."
Nagsitanguan namaan ang ilan, ang iba ay may sinusulat sa papel nila. I saw John, he's smiling. This is what he's been waiting for. He just wants me to accept their legacy so he can have a peace of mind.
Mag-isa lang ako, eh. I have no choice but to accept my fate. Parang sinilang lang ako para manahin ang mga iniwan nila.
"Nonetheless, this evening is for all of you to eat, drink and and have fun!"
Binaba ko ang microphone na hawak ko saka ako kumaway sa kanila bago ako bumaba sa tinapakan ko at umalis.
Napahawak ako sa ulo ko nang makaramdam ako ng bahagyang pagkirot doon. Because of those lights, my head is aching. Humawak sa akin si John para alalayan ako. Nag-aalala ang mga mata niya na nakatingin sa akin.
"I'm fine." Bigkas ko.
Tumango naman siya at ngumiti. Niyakap niya ako saka siya tumapik nang marahan sa likod ko. "I'm so proud of you."
Napatango ako. My eyes watered. This is the first time I'm hearing a sincere compliment from him. This is what he made me to become.
Pinaupo niya ako sa isang table na mayroong dalawang upuan. Siya ang umupo sa isa pang upuan. He touch my hand and he stroke it gently with his hands.
"Masaya ako na narito na tayo sa matagal na nating hinihintay. The success is yet to come. I want you to do this on your own ways. Naniniwala ako na magiging matibay ang bawat desisyon na gagawin mo. Matalino ka."
I just smiled.
"Sana ay mapatawad mo ako sa mga kasalanan ko sa iyo, Andrea. I lied so many times. Iyon ay dahil lang naman sa ayaw kong malihis ang landas na tatahakin mo. Nakikita ko sa iyo ang mama mo kaya hinubog kita nang husto."
Tumango ako bilang tugon sa sinabi niya. I have no choice, do I? So, what's the point of rejecting and refusing?
May lumapit sa amin na isang journalist. Si John ang kinausap nito. He's aking him if he can answer some of their questions made just for him.
"Maiwan muna kita, Andrea."
Muli ko na naman siyang tinanguan. Nagpunta sila sa isa pang table at doon niya ininterview si John. Napakamot ako sa batok ko habang pinanonood ang mga tao na kumakain sa mga table nila.
After they have their dinner, I know they're going to ask me another round of questions. Kanina lang ay sinagot ko na ang ilang mga katanungan nila. Isa na roon ay kung ilang taon ako at bakit napakabata ko pa para sa ganitong buhay. Iyon din ang tanong ko sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
HOME VISIT (editing)
General FictionA young lady who did an act and pretended to be a highschool student not knowing she's unveiling secrets of her parent's past.