Ang daming nangyari. Hindi ko kinaya ang mga nangyari. Parang sasabog ang utak ko.
Pinatawad ni papa si uncle kahit alam niyang ito ang dahilan ng paghihirap niya na umabot ng twelve years. Ako, kahit kailan ay hindi ko siya mapapatawad.
Masakit pa rin sa akin ang nalaman ko. He tried to kill my father. That's worse than learning the truth that he's also the one who killed his son!
I can't take this anymore.
Pinatawad ni papa ang tao na iyon dahil iyon daw ang mabuti niyang gagawin kaysa ang galitin ang isang John Laevii. Bakit? Natatakot ba siya sa tao na iyon? He must not be scared.
Ilang buwan na ang nakararaan pero hindi ko pa rin matanggap iyon. Sa tuwing nakikita ko siya ay umiiwas na lang ako. I don't want to talk to him baka masuntok ko siya sa mukha niya.
Araw-araw ay bumibisita ako kay Andrea, kaya araw-araw ay nakikita ko ang pagmumukha niya. Oo, mabait siyang lolo para kay Andrea. Maganda ang naging buhay niya dahil sa kaniya kahit alam niyang hindi naman niya kadugo si Andrea.
Siya ang nagbibigay ng lahat ng gusto ni Andrea and I will thank him for that but not for what he did to my father! He's a fucking wicked old man.
How did he escaped his too much crimes? Dapat sa kaniya ay makulong.
Tumapik sa likod ko ang kamay ni papa kaya bumalik sa reyalidad ang diwa ko. Nakakuyom na pala ang kamao ko. Kasalanan ito ng matandang iyon. Bakit naman niya ginustong banggain ang papa ko?
"Ang lalim ng iniisip mo."
"I'm sorry. Hindi kasi mawala sa isip ko ang ginawa sa iyo ni uncle."
Iniwas ko ang tingin ko kay Andrea.
"Huwag mo nang isipin iyon. Matagal na iyon."
"Dad? Matagal? Oo, matagal. Matagal kitang nakikitang naghihirap sa ospital. Matagal kang nakaratay sa kama. Matagal ang twelve years at hindi iyon mawawala sa isipan ko. Pinagkait ka sa akin, eh. Nawalan ako ng ama." I exclaimed.
I can't control my emotions. It seems like I'll explode in rage!
"Alam ko. Naiintindihan kita."
Naihilamos ko ang palad sa mukha ko. Ang daming tumatakbo sa utak ko. Hindi ko alam kung kailan magigising si Andrea. Okay pa ba siya? Laging sinasabi ng doktor na hintayin lang namin na makarecover ang katawan niya.
Naiinis ako. Wala man lang akong magawa para sa kaniya. Ang kaya ko lang gawin ay maghintay at kausapin siya. That's all and it's helpless.
Isa pang sakit sa ulo ang balak ng ama ni Andrea na makarating sa korte ang kaso na ito. Balak niya pang ilayo si Andrea kapag naipanalo niya ang custody kay Andrea.
If she chose to be with her father, dadalhin siya sa ibang bansa at doon sila titira. What about me?
I feel so outcasted.
Ilang linggo pa ang nakaraan. Habang tumatagal ang mga araw na hindi pa nagkakaroon ng malay si Andrea ay siya namang dagdag sa bigat ng puso ko. Hindi ako makahinga nang maayos. Parang nasa kaniya ang oxygen na kailangan ko.
I need her so badly. I want her to be okay again. Lagi kong dinadasal na magkaroon na siya ng malay. Sana ay dinggin ako.
On my way to the hospital, I saw that Edzell again. Graduated na siya pero hindi pa rin niya tinitigilan si Andrea. Naiinis na huminto ako sa pagmamaneho at pumarada nang maayos.
Patakbo ko siyang nilapitan. "Edzell."
He faced me. "What?" Naiirita pa siya. Ako nga ang naiirita sa kaniya.
BINABASA MO ANG
HOME VISIT (editing)
General FictionA young lady who did an act and pretended to be a highschool student not knowing she's unveiling secrets of her parent's past.