Chapter 26

40 0 0
                                    

Hindi ko alam kung gaano katagal ko nang tinititigan si Sir Perez habang nagsusulat siya sa white board. Ang subject niya ba ay basic science? Kahit tulog ako ay kaya kong sagutin ang kahit anong itanong niya sa akin.

"Music is what we're going to talk about today. The one who should be your teacher is excused and so I volunteered."

Napatango naman ang mga kaklase ko sa sinabi ni Sir Perez.

"Wala akong alam sa music, but I know how to sing. Sino rito ang marunong kumanta?" He asked the class.

Maraming nagtaas ng kamay sa klase kasama na roon si Edzell. Hindi ko alam na marunong iyan kumanta.

Naging maingay tuloy ang klase dahil kaniya-kaniya na sila sa pagkanta at nagpapaligasahan pa ang iba. Lalo na ang iba ay gumagawa ng riffs. May ilan pa na pumiyok kaya nagtawanan silang lahat. Nanonood lang ako sa kanila at nakikitawa.

"Hindi ko alam yung lyrics, pero yung tono alam ko."

Nagtawanan na naman sila nang sabihin iyon ng isa kong kaklase na bading. Natawa na rin ako dahil kumembot pa siya habang nasa upuan niya.

"How about you, Miss Domingo?"

Napatingin ako kay Sir gano'n din ang mga kaklase ko. Ako na naman ang nakita niya.

"Wala po akong talent sa pagkanta," sabi ko. Baka pakantahin niya pa ako pag sinabi kong oo. Hindi naman talaga ako marunong kumanta.

"Let's say you don't sing… you have a favorite song, what is that?"

Napaisip tuloy ako. Ano nga ba ang paborito kong kanta? Well, I'm an old-fashioned lady. I'm into classic songs. "Unchained melody," sagot ko.

Napatango naman si Sir Perez. May sinulat na naman sa board si Sir.

Secular and Religious.

"These are kinds of music, secular and religious." He introduced. "Tell me what is secular music…"

Naghanap siya ng puwedeng sumagot sa tanong niya. Tumingin siya kay Edzell pero hindi niya tinawag. Tumingin din siya kay William at Chelsea pero hindi niya rin iyon tinawag.

"Anyone who can answer what is secular," pagkuwa'y sabi niya.

Nagtaas ako ng kamay. Ngumiti siya bago niya ako tinawag, "Miss Domingo, tell me what is secular music."

"Based on the writings on the board. There are two kinds of music; secular and religious. We all know what religious means, therefore secular is a non-religious music." Sagot ko.

Pinalakpak niya ng isang beses ang kamay niya, "great understanding. Secular music is intended to non-religious audience, while on the other hand, religious music or sacred music is the opposite."

Muli na naman siyang nagsulat sa board.

"Anyone can tell me what are the four types of secular music?" He asked us again. Tinawag niya si William, "four types of secular music in the middle ages."

"I have no idea because I'm not yet alive in that era," sagot ni William.

"That answer is invalid. Not because you're not present in that era doesn't mean you're not allowed to study what happened in that era. Don't isolate your brain from studying different kinds of music."

Ininsulto niya yata si William sa sinabi niya pero hindi naman naapektuhan si William. Umupo lang siya. Napangisi naman si Sir Perez.

"Secular music in the Middle Ages included love songs, political satire, dances, and dramatical works." Siya na ang sumagot sa sarili niyang tanong.

HOME VISIT (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon