"I can not drive you to school today,"
I stopped for a moment. "Why?"
Nilingon niya ako saka siya may tinuro sa likuran ko, "siya na ang makakasama mo simula ngayon."
May kunot sa noo ko na nilingon ang tinuturo niya. Parang isang computer na nagloading ang utak ko nang makita ko ang anak na kinukwento niya sa akin.
"What? Ikaw?"
Naunahan pa niya akong mag-react. Napahalukipkip ako at muling lumingon kay John. "Siya ang sinasabi mo sa akin?"
"Magkakilala na pala kayo, siya si Cosmo. Cosmo, siya ang lagi mong babantayan simula ngayon, si Andrea." Pagpapakilala niya sa aming dalawa.
Wala namang nagsalita sa amin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Kailan lang ay nagkaroon kami ng pag-uusap ng lalaki na iyan. Hindi ko alam kung totoo ba na gusto niya akong ligawan o isang kalokohan iyon.
Pero, kahit ano pa man, hindi ko balak na maging katipan ang tulad niya. Mas uunahin ko ang legacy ng pamilya ko.
"Kailangan ay maging komportable kayo sa isa't isa dahil magmula ngayon ay lagi na kayong magkasama."
"Ayoko," anang Cosmo. "Mas gugustuhin ko pang makipag suntukan sa hangin kaysa ang bantayan ang babae na iyan."
Kumunot ang noo ni John. Nilapitan niya si Cosmo at tila may binulong. Napalunok naman itong si Cosmo at saglit akong nilingon.
"Nasabi ko na sa iyo ang mga dapat mong malaman at isaalang-alang. Mula ngayon isipin mong para kang sundalo. Ibubuwis mo ang buhay mo para sa kaligtasan ng iyong bayan."
"Okay. Whatever."
Ang kapal naman pala ng mukha ng lalaking ito. Siya pa ang may ganang magsungit. Kahit ako ay ayaw ko siyang makasama kahit saan. Makita ko lang siya ay naaasiwa ako.
"Oras na, kailangan niyo nang magmadali at baka mahuli pa kayo sa klase ninyo."
Tumango ako at dinampot ang bag saka ko iyon sinukbit sa balikat ko. Sabay kaming naglakad palabas ni Cosmo at walang nag-iimikan sa aming dalawa.
"Ako na magdala niyan,"
Tumanggi akong ibigay sa kaniya ang bag ko. "Kaya kong bitbitin ang sarili kong gamit. May dalawang kamay ako at hindi pa ako baldado."
Hindi naman siya nagsalita. Binuksan niya ang pinto ng driver's seat saka siya pumasok. Hindi niya man lang talaga sinubukang pagbuksan ako ng pinto.
Ako na lang ang nagbukas at sumakay.
Sa buong biyahe ay tahimik lang kami. Walang may balak na makipagplastikan. Hanggang sa nakarating na kami sa parking area ng school.
Sabay pa rin kami mula sa pagbaba ng sasakyan hanggang sa pagpasok sa loob ng campus.
Nakadikit siya sa akin kaya ang ibang mga estudyante ay nakatingin sa akin. Ako ang nandidiri lalo na kung ang iniisip nila ay magkarelasyon kami ng lalaking ito. That would never happen.
"Omg! Andres!"
Agad na lumapit sa akin si Gracie kasama niya si Edzell. Napatingin silang dalawa kay Cosmo at muling binalik sa akin ang mga tingin nila. Parang nagtatanong ang mga mata nila kung bakit kasama ko ito.
"Bakit magkasama kayo?"
Si Edzell agad ang nagtanong habang nakatingin nang masama kay Cosmo.
"Mahabang istorya," aniko.
Pumasok na kami sa kaniya-kaniya naming kuwarto. Si Cosmo ay hindi ko makakasama dahil hindi naman kami magkaklase. Para ko lang naman siyang bodyguard. I hate bodyguards.
BINABASA MO ANG
HOME VISIT (editing)
General FictionA young lady who did an act and pretended to be a highschool student not knowing she's unveiling secrets of her parent's past.