"Sobrang busy mo naman yata, John. Bihira na lang tayo magkita rito sa bahay."
Sabay kaming kumakain ng gabihan kasama ang aming kasambahay. Nakasanayan ko na ang makasabay sila dahil wala rin namang mawawala kung kakain sila kasama ako. Pamilya na aang turing ko sa kanila.
"Sinabi mo pa," ani Cosmo.
"Talagang busy. Marami akong kailangan gawin lalo pa ngayon na malapit ka nang umabot sa tamang edad."
"Ano nga pala ang magaganap sa debut mo?" Tanong sa akin ni Cosmo.
Umiling ako, "simpleng handaan sa bahay."
Tumawa naman si Cosmo, "simple? Sa bahay? Nagpapatawa ba kayo?"
Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "Anong nakakatawa? Bakit, saan mo ba gusto?"
"I mean, bakit simple at sa bahay lang kung pwede namang grande?"
Inirapan ko siya, "I don't like too much stuff."
"Minsan lang sa buhay ang umabot ng eighteen, iyong iba hindi na nakakaabot kaya dapat hinahandaan iyan nang bongga."
"Oh, tapos? Ipagkalandakan sa mga tao?"
"Hindi iyon ganoon, ano ka ba? Not because you're having a great celebration doesn't mean you're arrogant for what you have. Tigilan mo ang pag-iisip nang gano'n."
"Tama iyon, Andrea. Minsan lang naman sa buhay natin ang magkaroon ng malaking handaan. Hindi iyon pagyayabang."
"So, is this two versus one? You two are contradicting my decisions. To settle this down, I'll think about it."
Nagpatuloy kami sa pagkain. Hindi rin nagtagal at nagsalita uli si John. "About the marriage you're having… I already found a great man for you. Not too old and not too young."
Kasal. Anong mundo ba ang ginagalawan ko at bakit kailangan pa na ikasal ako sa isang lalaki? Hindi ba sila nagtitiwala sa akin na kaya kong buhayin ang pangalan nila kahit ako lang mag-isa?
"He's name is Hazi."
Nilingon ko si John nang marinig ko ang langalan ng lalaki. "May lahi siya?"
"Wala,"
Napatango ako, "akala ko ay may lahi siya. Kakaiba ang pangalan niya."
"Ikakasal ka sa hindi mo kilala?" Tanong ni Cosmo nang matapos kaming kumain lahat.
Nakaupo ako sa sofa at nagpapahinga habang nanonood ng tv. "Oo. Kailangan ko raw iyon sabi ng mga magulang ko. They want the best for me."
"What best? Hindi pwede na ikasal ka sa taong hindi mo kilala. Kahit mayaman iyan o mapera, aanhin mo iyon? Paano kapag sinaktan ka? You need to marry a man you love not for money."
"I can't," sagot ko.
"Anong you can't? You can! Tignan mo nga iyan pangalan lang ang alam mo sa lalaki na iyan. Malay natin kung may dati na iyang naging kasintahan na sinaktan niya at ikaw ang sunod."
Sumasakit lang ang ulo ko pag iniisip ko ang bagay na iyan. Alam ko naman na concern lang siya sa akin.
"Hindi ko alam. Kung ano ang gusto ng mga magulang ko ay susundin ko na lang."
"Kahit hindi ka sigurado? Kahit hindi ka masaya?" Pumwesto siya sa harapan ko at hinarangan ang tv. "You have to consider your own feelings in order to achieve your peace of mind, Andres."
"Hindi ako ang gumagawa ng desisyon, Cosmo."
Nasapo niya ang mukha niya, "I can't believe this shit. Sinasabi mo bang susunod ka lang? Hindi ka nabuhay para maging robot o sunod-sunuran sa mga wala na. Isipin mo kung saan ka masaya. Alam ko naman na kaya mong mag-isa."
BINABASA MO ANG
HOME VISIT (editing)
General FictionA young lady who did an act and pretended to be a highschool student not knowing she's unveiling secrets of her parent's past.