“Nag-absent ka na naman, Miss Domingo. Sa araw pa ng announcement ng mga nanalo sa contest na sinalihan mo.”
Sinalihan daw? Hindi naman ako sumali nang kusa roon, pinilit lang ako.
“Sorry, Sir.” Yun lang naman ang masasabi ko. Medyo pagod ako ngayon at pakiramdam ko ay ang bigat ng balikat ko.
Nakakaramdam din ako ng antok. Hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman ang mga ito pero sana makarating muna ako sa bahay bago may mangyari sa akin.
“Ayos lang. Actually, ako na ang tumanggap ng parangal na dapat para sa iyo dahil absent ka naman.”
Parangal? Ano namang parangal ang natanggap ko? Most Shivering Contestant? Puwede na rin para sa isang baguhang katulad ko.
“Hindi mo ba itatanong kung anong napanalunan mo?” Tanong pa sa akin ni Sir. Bahagya niya akong nilapitan at tinignan.
“Eh, ano ba?” Napilitan pa akong itanong iyon sa kaniya kahit tinatamad akong magsalita. Hindi ko na malaman kung bakit ba ganito ako ngayon.
Kinuha naman niya sa desk niya ang isang papel at maliit na white envelope. Inabot niya sa akin. “Ikaw ang winner. Tanggapin mo itong cash prize at kukuhanan kita ng litrato.”
Ah, yung 50k na nabanggit sa akin ni Adrian na gusto niyang makuha pero hindi nangyari dahil ako ang pinasok niya.
Wala sa loob na tinanggap ko ang mga iyon at mabilis na kinuhanan ng litrato. Kailangan ito ni Adrian. Sa kaniya dapat ito.
Pinaupo na ako ni Sir pagkatapos noon.
Absent si Adrian. Bakit kaya? Nung nakaraan ay binalitaan niya ako tungkol sa pamilya niya.
Bumibilis ang tibok ng puso ko kahit wala naman akong dapat na ikakaba. Normal lang naman ang araw na ito. Pero, bakit bumibilis ang pulso ko?
“Sana nga nakinig kayong lahat dahil may quiz kayo ngayon.”
Agad na nagpalabas si Sir ng yellowpad. Alam ko namang mahaba ang quiz na binibigay niya sa amin kaya laging yellowpad ang gamit namin. As usual, dictation ang paraan niya. Dapat mabilis kang maka-pick up at mabilis magsulat dahil kung hindi, ikaw ang talo.
Wala sa sarili na napalunok ako nang maramdaman kong para akong maduduwal. Shit, ano bang nangyayari sa akin?
Tinakpan ko ang bibig ko gamit ang panyo na nasa loob ng bulsa ko para hindi ko maisuka ang kung ano man ang lalabas.
Hindi ko na tuloy nasundan ang mga tanong ni Sir. Number twelve pa lang ako pero wala na akong narinig, para na akong nabingi sa katahimikan. Shit! Bakit? Ano bang problema? Punyeta naman.
Tumayo ako.
“Miss Domingo!”
Biglang bumalik ang pandinig ko nang sigawan na ako ni Sir Perez.
“Ayos ka lang ba?” Buong pag-aalala na tanong niya sa akin.
Parang lantang sitaw ang mga tuhod ko. Umiling ako kay Sir Perez. Tatakbo na sana ako para makalabas sa classroom niya at para hindi ko sila maabala pero huli na dahil bumagsak na ako!
“Andres!”
Mga kaklase ko iyon. Tsismosa kasi sila kaya sila ang unang nag-reak sa pagbagsak ko. Nanghihina na ako pero may malay pa ako. Ang galing.
“Ayos ka lang ba, Andres?” Inalalayan ako ni Sir. Binuhat na niya ako nang mapansin niyang hindi ko kayang tumayo. “Ano bang nangyayari sa iyo? May masakit ba sa iyo?”
Hindi ko nga alam kung anong masakit sa akin, e. Hindi ko rin alam kung anong nangyayari sa akin. Wala akong alam.
Binuhat ako ni Sir na para bang isang bata na ihihiga na sa kama para matulog. Nakita ko pa ang mga kaklase ko na sinisilip kami hanggang sa labas ng kuwarto.
BINABASA MO ANG
HOME VISIT (editing)
General FictionA young lady who did an act and pretended to be a highschool student not knowing she's unveiling secrets of her parent's past.