Chapter 20

41 0 1
                                    

"Balita ko magreresign na raw si Si Andrew."

"Sinong Andrew?"

Uwian na kaya itong mga estudyanteng babae ay nagkukwentuhan na. Ang iba kasi sa kanila ay crush ang ibang male teachers.

"Si Sir Perez,"

"Saan mo naman napulot iyan?"

"Kay Sir Aaron..." sagot naman ng isang babae. "Magpapakasal na raw siya eh."

"Huh?! Paano siya ikakasal, eh wala naman siyang girlfriend?"

Kahit ako ay naiintriga na sa usapan nila. Parang gusto ko na lang na makisali sa kanila at makitsismis.

"Hindi ko rin alam basta ikakasal siya."

Kung ikakasal na pala si Sir Perez, ibig sabihin mali si William sa mga haka-haka niya tungkol kay Sir na may gusto sa akin. That would be good.

I've never been a fan of that love team.

"Kanina pa ako naghihintay sa iyo na makauwi,"

Sinalubong ako ni John nang makauwi ako. Nagmano ako saka naoalingon sa paligid ng bahay. "Bakit nag-iba ang ayos ng bahay? Anong nangyari?"

Ngumiti siya at sumenyas na maglakad pasunod sa kaniya, "pinaayos ko para maiba naman sa paningin natin."

Nakarating kami sa dining area at doon naman ako nagtaka kung bakit maraming nakahain na pagkain. Natatawa ako na tumingin kay John, "anong… anong ganap?"

"Ganap? Well, Hazi just called me earlier. Pumayag na siya na magpakasal sa iyo at makipagkita para magpakilala sa iyo."

"Ang bilis, ah."

"We need to,"

"Need?"

"Yes. Kailangan ay magmadali para maayos agad ang kasalan na magaganap."

Umupo ako sa upuan na malapit sa akin, "gusto ko ngang makilala muna siya pero huwag sana madaliin ang kasal. Gusto ko sana maranasan ang totoong buhay na mag-isa."

"Hindi kita minamadali sa bagay na ito, Andrea. Kaya lang, ito kasi ang huling bilin sa akin ng mga magulang mo. Habang buhay kitang babantayan hanggang sa mapapang-asawa mo ay kailangan makilala muna natin."

"Gusto ko nang tahimik muna na buhay. Masyado nang maraming nagaganap sa akin. Sa school pa lang ay pagod na ako. Pag-uwi ko sa bahay ay ito pang kasal ang sasalubong sa akin. Hindi ba kayo naaawa sa akin?"

"Oo nga naman kasi," si Cosmo agad ang sumingit nang makalapit siya sa direksyon namin. "Marriage can wait."

"Very good," sabat ko. "Naiintindihan ako ni Cosmo." Nakangiti kong sabi.

"Ganito na lang, bibigyan kita ng oras para mapag-isipan muna iyan. Pag handa ka na ay sabihan mo lang ako."

"All right."

Taimtim akong umupo sa puwesto ko habang nag-aayos ng test paper ang teacher namin. Nahuli ko pa si Chelsea na nakatingin sa akin at nakangisi.

"Ano na naman kaya ang problema nito?"

Hindi ko na siya pinansin at nagtuloy ako sa paglabas ng panulat sa bag ko. First quarter exam kaya magkakalayo kami ng upo.

"No erasures, no whisperings, no looking to both sides, and no cheating."

Tumango kami sa sinabi niya.

Nang mabigyan kaming lahat ng exam paper ay kaniya-kaniya kami sa pagbasa sa mga instructions.

Practical Research. Although, lahat ng mga project at research na binibigay sa amin ay pinagagawa ko lang, kaya ko pa rin namang sagutin ito. Kung bumagsak naman ay ayos lang.

HOME VISIT (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon