“Where’s Chelsea?”
Yun agad ang bungad sa amin ni Sir dahil si Chelsea ang representative ng section namin para sa creative writing.
“Hindi siya puwedeng hindi pumasok ngayon, paano ang laban niya ngayon?” Binagsak niya ang salamin niya sa mata para ipatong sa desk niya.
"Sir, hindi raw siya makakapasok."
"Why?"
"Out ot town," sagot ng kaklase namin.
"Naisipan niyang mag out of town kahit alam niyang kailangaan niyaang pumasok ngayon? Bakit ba ganiyan ang mga kabataan ngayon?"
Ilang oras lang din ang tinagal ng unang mga klase bago magsimula ang break time. Sabay pa rin kami sa pagpasok sa canteen at nakita ko na naman si William na walang kasama.
Gusto ko siyang makausap para hindi na siya laging mag-isa sa buhay niya. Parang ang lungkot ng buhay niya dahil lagi siyang mag-isa. Is there any reason for him to be like that?
Nang makaupo na sila ay tinignan ko sila. Si Edzell lang ang kasama ko ngayon.
Nagpaalam ako kay Edzell na lalapitan ko lang si William para makausap. Gusto ko ring malaman kung approachable siya o hindi. Hindi na nagawa ni Edzell na pigilan ako dahil mabilis akong nakapaglakad papunta sa direksiyon ni William.
Habang papalapit ako sa kaniya ay siya namang paglakas ng boses ng mga babaeng nagpapapansin sa kaniya.
“Hi,” pagbati ko sa kumakain na si William. Hindi ko na siya hinintay na paupuin ako o kausapin man lang, ginawa ko na iyon nang hindi hinihingi ang permiso niya.
Umangat ang tingin niya sa akin saka niya binalik ang tingin sa pagkain niya na para bang iyon ang mahalaga sa kaniya. “Andres Domingo,” aniko saka ko nilahad ang palad ko sa kaniya pero tinignan lang niya iyon. “Napansin ko lang na lagi kang mag-isa. William, tama?” Tumango naman siya bilang sagot at salamat naman nag-respond na siya. Akala ko ay kakausapin ko lang ang sarili ko rito. “Gusto ko lang sana na magpasalamat sa iyo dahil kahapon.” Sabi ko pa.
Nilagok naman niya ang tubig niya at inayos ang pagkakasandal sa upuan.
Hinihintay ko lang na makipag-usap siya sa akin dahil halata na sa kaniya na magsasalita na siya.
“Andres Domingo?”
Umangat ang kilay ko nang patanong niyang binigkas ang pangalan ko. Wala sa wisyo na tumango ako sa kaniya.
He crossed his arms and lean towards the chair. “Andres Domingo…” Pag-uulit pa niya saka niya ako tinignan nang mata sa mata. “Your name is not Andres Domingo.”
Napalunok ako. “Ano kamo?” Pinilit ko ang ngiti sa labi ko na huwag maalis.
“Why do you have to pretend?”
Sa tono niya ay parang sigurado nga siya sa sinasabi niya. How did he knew about it?
“Ako si Andres.” Pagpilit ko.
“You are not Andres Domingo. Guess what my name is." aniya pa na lalong nagpalito sa akin.
Hindi ako nakasagot. Pakiramdam ko ay may alam siya sa akin at kinakabahan ako sa kaniya. Parang mali pala na kausapin ko siya at lapitan.
“You can't even speak." Seryoso lang ang tingin niya sa akin at batid ko rin ang ibang mga matang nanonood sa amin ngayon.
Tumayo siya at nilapit ang mukha sa akin. “I am William Domingo.” he said.
Para akong pinompyang sa narinig ko at nag-echo iyon sa tainga ko.
Mabilis akong napatingin sa kaniya. Nakangisi lang siya. "I'm eyeing, Andres." he said before leaving.
Ngayon alam ko na ang buong pangalan niya, maging ang dahilan kung bakit siya nag-transfer dito. Siya si Willian Domingo, ang kapatid ni Andres Domingo.
Andres Domingo is an inheritor and he needs to fulfill his parents’ dream to be an educated man but, he has no time for such education. He hates school.
I’ve met him when I was on grade six after attending a party. That was also the time that John told me I have to hid my identity before entering the high school.
Sinabi sa akin ng tunay na Andres Domingo ang lahat bago umalis ang kaniyang mga magulang. Kailangan niyang baguhin ang katigasan ng ulo niya. Sa dalawang magkapatid, si Andres Domingo lang ang tanging tagapagmana ng kanilang pamilya. Ayaw ni William. Sigurado si William na matutugunan niya ang kanyang tagumpay nang walang pera at kayamanan ng kanilang magulang.
So, we’ve made a deal. A deal only we know. No one but only the three of us. Their parents are outside the country. Walang kaalam-alam ang pamilya niya sa mga kalokohan niya.
Andres is actually a man. He needs me, so do I.
“Huy,”
Bigla akong bumalik sa reyalidad nang tawagin ako ni Edzell.
“Kailangan na nating pumasok. Alas dies na.”
Nginitian ko siya bago tumayo sa upuang iyon. Noon ko lang din napansin na kakaunti na lang ang mga estudyanteng narito. Karamihan naman sa kanila ay wala nang balak na pumasok.
Kahit naman na magsimula ang klase ng sunod naming teacher ay hindi ko pa rin magawang makinig. Narito siya sa iisang kuwarto kasama ko, ang kapatid ni Andres Domingo.
Nakakatawa lang. Binabantayan niya ba ako?
“Lahat tayo ay mayroong kabutihang tinataglay. Maaring hindi niyo lang iyon maipakita dahil sa hiya. Ang mga kabataan kasi natin ngayon ay mas mahiyain pagdating sa kabutihan. Minsan, hindi natin alam kung dapat ba tayong tumulong o ano dahil nga nahihiya tayo…”
Yeah, maybe right.
“Lalo pa at nauso na ang selpon dahil sa moderno at tekno na ang pamumuhay natin ngayon. Ang kabutihan ng iba ay laging may kasamang kamera.”
Hm, may point ang sinabi niya.
Uwian na.
Pinili kong huwag na munang isipin ang sinabi sa akin ni William dahil hindi naman iyon nakakatulong sa buhay ko. Hindi siya ang nagmamay-ari ng oxygen na nilalanghap ko.
Sakto naman na dumating ang sasakyan ko na minamaneho ni Cosmo. Gusto kong marinig ang magandang balita.
“Ano na?” Bungad ko sa kaniya.
“Ayaw tumigil sa pag-iyak, e. Pero, takot na takot siya sa akin.”
“Huwag kang sasabit dito, Cosmo. Baka makasuhan tayo ng kidnapping. Pinauwi mo na ba?”
“Oo. Nabuwiset ako sa boses niya, e.”
“Umuwi na tayo.”
Tahimik ang naging biyahe namin. Actually, hindi ganoon katahimik dahil si Cosmo ay panay ang pagkukuwento sa nangyari kay Chelsea.
Walang alam si Cosmo tungkol sa kung bakit Andres Domingo ang pangalan ko. Mas maraming alam si John dahil matagal ko siyang nakasama.
Makapangyarihang tao ang dala ko sa katauhan ko ngayon at maling hakbang lang ay maaring ikapahamak naming dalawa. Mabait naman ang totoong Andres kaya wala akong problema sa kaniya.
Kamusta na kaya siya ngayon?
BINABASA MO ANG
HOME VISIT (editing)
General FictionA young lady who did an act and pretended to be a highschool student not knowing she's unveiling secrets of her parent's past.