Chapter 30

45 0 0
                                    

"Peste talaga!"

Napailag ako bigla nang umangat ang braso ni Edzell! Malapit na niyang matamaan ang mata ko ng hawak niyang lighter.

Nilingon naman niya ako. "Uy?"

"Surprised seeing me?" Tanong ko nang makaupo sa bakanteng upuan na malapit sa kaniya. May nakaipit na sigarilyo sa tainga niya kaya napangiwi ako.

"Absent ka na naman kahapon," panimula niya.

Tumango ako at pinakita sa kaniya ang mga gasgas sa kamay ko, "I just finished the circuit for electrical installation."

Napatango siya habang nakatingin sa kamay ko. "Ikaw lang ang gumawa?"

"Yup,"

"Bakit? Individual activity?"

Umiling ako, "hindi."

"Wow, ang tibay mo naman po pala. Kung ako diyan, ay nako. Hindi ako papayag. Kung ako ang gumawa mag-isa, bahala sila hanapin pangalan nila sa basurahan."

Natawa ako sa sinabi niya.

"Alone, I finished it untroubled by commotion."

Hindi siya umimik dahil naiinis siya habang pilit na pinasisindi ang hawak na maliit na lighter. Hindi iyon naglalabas ng apoy, puro sparks.

"I can't believe this thing. Binili ko lang ito kahapon, eh." Angil niya. Sa hitsura niya ay parang gusto na niyang ihagis ang hawak na lighter.

"You should quit smoking before it's not too late."

Umiling siya sa sinabi ko, "smoking is not that bad."

"Why do you smoke?"

Binulsa na lang niya ang lighter saka siya tumingin sa akin. "Para kumalma mula sa mga iniisip ko. Maraming tumatakbo sa utak ko, eh. If I could just quit, I'd love to do it. Pero hindi madali. Naging parte na ng pagkatao ko ang pagyoyosi. Kapag tinigil ko, parang binura ko ang parte ng pagkatao ko."

Hindi ko maintindihan.

Tumingala ako sa kalangitan na nahaharangan ng mga dahon ng puno na narito. Wala kaming klase sa isang particular subject kaya nagpunta ako rito. Hindi ko naman inaasahan na makikita ko siya rito.

Sinasayaw ng hangin ang malalaking dahon ng puno ng mangga kaya presko ang nalalanghap naming oxygen.

"Last time I went to the mall," bigkas ko.

"Ano naman ginawa mo ro'n?" He asked promptly.

Hindi ko tuloy alam kung ano ang sunod kong sasabihin. Kung dapat ko bang ipaalam sa kaniya ang nangyari sa buhay ko. Hindi na dapat siguro. Parang masyado na siyang maraming nalalaman ukol sa buhay ko. Bibigyan ko lang ng alalahanin ang sarili ko.

"Just trying to loosen up. My brain has been draining recently." Sagot ko. He didn't say a word. "I can't seem to get a grip of my emotions. They're killing me day and night. Minsan, nakakaisip ako ng mga desisyon. Kapag naman sinunod ko, mali pala ang nagawa ko. I'm regretting every decision I'm making."

He nodded his head continually. He's just listening to my raves.

Siya lagi ang nandiyan para makinig sa mga hinaing ko sa buhay and he always understands and he would even gave me an advice.

I heaved a sigh, "and I made a decision that I know... I will regret anytime soon."

Hindi ko na namalayan na nakangiti na pala ako habang inaalala ang mga nangyari sa mall na iyon kasama siya. Kung paano niya ako ipagtanggol kay John dahil ayaw niyang tigilan ang pagpaplano sa kasal. I think he can feel my emotions and heed what my mind is saying.

HOME VISIT (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon