Chapter 38

27 0 0
                                    

"Is that what you really want to happen with your life?"

Seryoso akong nakatingin sa mukha niya habang nakaupo kami. Narito kami sa loob ng library at muling nag-uusap. Nung nakaraang nag-usap kami ay hindi ako nakapagpaliwanag masyado sa kaniya kaya niyaya ko ulit siyang mag-usap kami.

"Bakit?"

Napakamot siya sa batok niya at nagbukas ng libro na hawak niya. May hinanap siya roon na kung ano bago niya iyon sinara at binalik sa shelf. "Nonsense," bulong niya. Nilingon niya ako. "Para kang libro sa library, alam mo iyon? Nakakatamad basahin, nakakatamad kausap."

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaasar sa sinabi niya. Paano naman niya nasabing nakakatamad akong kausap?

"Bakit ba?"

Lumapit ang katawan niya sa table para maglapit kaming dalawa. "How old are you?"

"Seventee-"

"At siya ano sa tingin mo? Matanda na iyon. Are you just going to let yourself be married to someone that is out of your league and you don't... you don't love?"

Alam kong iniisip niya ang kapakanan ko. Pero, ano ba ang magagawa ko? Kailangan kong sundin si John. He's my grandfather. Napagkasunduan na namin ang bagay na iyon. Ito rin ang gusto ng mga magulang and I want to obey them. As their daughter.

"Tama ka," bulong ko.

"Ayan. Sa wakas naman ay natauhan ka." Masayang sabi niya. "Andres, pinapayuhan kita para sa ikabubuti mo. Babae ka, matalino, maganda at talented. Aba, ang suwerte ng lalaking mamahalin mo. Pumili ka naman ng iba, huwag yung teacher natin."

Naningkit ang mga mata ko sa huling sinabi niya. I can smell something off with him. Parang kakaiba na masyado ang gigil niya kay sir Perez. "Why? Okay din naman si sir, ah. He's kinda sweet, gentleman and handaome. You know, he's every girl's dream." Saad ko na naging dahilan ng pagpantig ng tainga niya at nilingon ako nang dahan-dahan.

"Ano kamo?"

"Mabait naman kasi talaga siya." Pagtatanggol ko kay sir.

"So, gusto mo siya?"

"I didn't say that."

Sumandal siya at humalukipkip habang nakatingin sa akin. "Tanong ko lang, bakit ba siya... sa lahat ng lalaki, bakit siya yung kailangan mong pakasalanan?"

I shrugged my shoulders, "John recommended him for me."

Tumango siya nang ilang beses. "Okay," sagot niya. "Sigurado akong gusto ka ni sir. Gusto mo rin siya, di ba?"

Para akong mabibilaukan kahit wala naman akong iniinom o kinakain. Pinipilit kasi niya na may gusto ako sa tao. Wala nga. Ayaw niya talagang maniwala.

Umiling ako, "negative." Sagot ko.

Nakatitig siya sa mukha ko. May gusto siyang sabihin na tingin ko ay hindi niya alam paano sisimulan. Parang ayaw niyang sabihin dahil natatakot siya. Iyon ang hitsura niya.

Natigil lang kami sa titigan na ginagawa namin nang may lumapit sa amin na isang estudyante. Bawal mag-ingay kaya kung mag-uusap, kailangan ay malapit kayo.

"Tawag ka sa west building, Andres." Sabi niya sa mahinang boses.

Parehas kaming nagtaka ni Edzell, "sino? Bakit daw?" Tanong ko.

Tinuro niya ako, "ikaw nga. Pinapatawag ka."

Tumango ako. West building. That's where sir Perez is, I guess. Tumayo kami parehas ni Edzell para lumabas sa library. Siya na ang unang nagpaalam. Tinanguan ko naman siya bago kami tuluyang naghiwalay ng daan.

HOME VISIT (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon