Chapter 46: The Crown

44 0 1
                                    

He didn't eat. Ayaw niya raw tanggalin ang maskara niya para makasama niya ako. Kapag inalis niya iyon at nakita nila na siya si sir Perez, baka magtaka lang sila. Hindi ganoon karami ang kinain ko. Gabi na ngayon at hindi ako pwedeng kumain nang marami.

Habang kumakain ay umiikot ang tingin ko sa mga dumalo ng ball. I immediately saw Chelsea. Siya pala ang nakasuot ng pink na gown kanina. I can see her gown is so expensive. It's made from silk and it suits her very well.

Nagtagal ng halos kalahating oras ang dinner bago kami naglinis ng mga mukha at kamay. Sinamahan pa ako ni Andrew papunta sa washroom. Napansin niya yatang nabibigatan ako sa suot ko.

Naiwan lang sa table si Edzell dahil kumakain pa rin siya. Mukhang wala yata siyang balak na matapos. Napakatakaw niya pero hindi naman tumataba.

Hindi rin nagtagal ay nagsimula na namang may magsalita sa stage. Dalawang lalaki at isang babae ang nakatayo roon. Nakasuot rin sila ng mga masks. Ito na yata ang tinutukoy kanina ni president na awarding.

Diretso ang upo ko habang matamang nakikinig sa speech sa harapan. Marami sa amin ang naghiyawan nang tukuyin na nga nila ang mga gagawaran ng mga award para sa gabing ito.

Mayroong King and Queen, Eye-stealer of the Night, Darling of the Crowd, Heartthrob of the Crowd, at kung ano-ano pa.

Humarap sa akin si Edzell. "Andres, punta lang ako sa labas. Yosi lang." Aniya.

Tumango ako at sinundan siya ng tingin. Nagpunta siya sa lugar na madilim. Naroon ang malaking fountain ng school kung didiretsuhin.

"For tonight's awarding, first we have our Darling of the Crowd!"

Nagsisigawan ang mga lalaki. May iba pa na sumipol. Mukhang may gusto silang manalo para roon. Nakipalakpak ako nang lumakas ang palakpakan.

"The winner is judge by our panelist also joined the crowd."

"And so... this award goes to..."

A drumroll can be heard resonating through the night and nothing else can be heard but that thing. All eyes are on the stage, waiting for someone to be called up on stage and be awarded by the title with bouquet of flowers and a sash.

"The winner for our Darling of the Crowd goes to..." they pause before continuing. "118!"

Nang isigaw nila ang numero na iyon ay napasigaw ang gawi kung saan naroon si Chelsea. Napatayo ang isang babae. Ah, siya pala ang nanalo. Si Chelsea.

Crowd were cheering as she walks on that red carpet and goes up on the stage. She's smiling behind her mask. Tinanggap niya ang inabot sa kaniyang malaking bouquet at ang sash na sinuot sa kaniya.

"Sino ba naman ang hindi magagandahan sa ating Darling of the Crowd? Napakabongga ng gown, teh!"

Nilapit nila ang microphone kay Chelsea. "Of course. I'm not seeing myself die in an ugly attire, duh."

Si Chelsea nga iyan, walang alinlangan. Pumalakpak kami nang isunod naman nila ang isa pang award.

"Syempre hindi naman makukumpleto ito kung wala ang partner ng isang darling na isang heartthrob! Our next award is for our heartthrob."

Muli na namang umingay ang lugar. Sigawan, hiyawan at palakpakan. Mas malakas ang tili ng mga babae. Ang iba ay para pang mahihimatay habang nakatingin sa gawi namin. Kanino ba sila nakatingin? Kay Edzell o kay Andrew? Baka sa akin.

"The one who caught the heart of everyone and left with a throbbing heart and this goes to..." another drumroll that almost pound my heart into pieces.

Dahil sa tunog na iyon ay nararamdaman ko tuloy ang kabog ng puso ko. Nakangiti lang ako habang pinanonood ang mga nagsisigawang babae sa harapan at gilid namin.

HOME VISIT (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon