Chapter 43

34 0 0
                                    

Seeing those high class people scared me alone. They're talking about their lives while I'm here standing on a high table watching them. Meron sa iba na kinakawayan ako at lumalapit sa akin para magpakilala kaya kanina pa nakasimangot sa tabi ko si Andrew. Wala naman siyang magawa dahil kailangan ko rin namang makilala ang parte ng negosyo namin.

Nakita ko sa di kalayuan si John. Naglalakad siya papunta sa amin. May hawak siyang wineglass. "Andrea," he say my name.

Nababagot na ako sa gabing ito. Ano na ring oras at kailangan ko nang umuwi lalo na si Andrew. Alam kong busy siyang tao.

"Uuwi na ba tayo?" I asked.

Umiling siya at tinuro ang grupo ng mga kalalakihan na nag-uusap-usap. Malalakas din aang nagiging tawanan nila. Mukhang maganda ang paksa ng pinag-uusapan nila.

"Those men wants to meet you. Sinabi kong may apo ako na napakatalino at siya ang magmamana nitong lahat once you'ready."

"John! Why did you say that? Nakakahiya." Bulong ko sa kaniya habang napapatingin sa mga lalaking iyon. "Hindi ko naman alam ang pinag-uusapan nila, ayokong magpunta roon." Tanggi ko.

"You should join them," aniya pa.

Inirapan ko siya. "Huwag mo nang sabihin ulit sa kanila kung sino ako. Ano ba naman iyan?" Naiirita ako. Bakit niya pa kailangang ipakilala ako at papuntahin sa mga iyon?!

Malay ko naman sa topic nila. It's medicine! Hindi. Wala akong alam sa ganoon. Hindi ko naman iyon pinag-aralan. Baka kapag nagtanong sila sa akin kung ano ang plano ko sa ospital ay mapalagok lang ako ng laway ko! Ayokong mapahiya sa kanila.

"At anong sasabihin ko sa kanila? Na walang tagapagmana ang Laevii! Gusto mo bang mag-agawan sila sa kumpanya natin?"

"Ngayong alam nilang wala pa ako sa tamang edad, hindi mo ba naisip na baka may gawin silang masama sa akin?" Balik na tanong ko sa kaniya.

"Why would you even think that? Those people are professionals. Ang inaalala ko lang ay ang isang tao na narito. Ang Duncan na iyon."

Hindi ako nagsalita. Nakatingin lang ako sa mga tao na narito na nagsasaya at umiinom. Inaalok ako ng cocktail, hindi ko naman tipo ang ganoong mga inumin.

"Puntahan mo lang sila roon saglit, Andrea. Just ask them… how are you doing–I'm glad you all find our hospital worthy of an investment… pasadahan mo sila ng mga ganoong salita. Just always ask. Don't let them ask you." Litanya nito. "I believe you can do that. I believe in you, apo."

Tumingin ako kay John at kay Andrew. They both look sober, but Andrew has an enigmatic facial expression before he nodded.

"If you can't go alone, take Andrew with you."

Lumiwanag naman ang mukha ni Andrew nang sabihin iyon ni John. "I'll go with you." He said.

Ngumiti ako saglit bago ko siya tinanguan. "Saglit lang John, ah." Pukol ko kay John.

Tumango siya at ngumiti. "You ask, not them." Pag-uulit niya sa sinabi niya kanina.

Naramdaman ko ang haplos ni Andrew sa braso ko. "Don't be nervous, alam kong kaya mo silang tapatan sa ganoong usapan." He whispered.

Bago kami makalapit sa tinuro ni John ay napansin na nila agad kami. Ngumiti sila at sinalubong kami. Isa sa kanila ang naglahad ng palad niya sa akin pero si Andrew ang nag-abot noon at nakipag-shakehands.

"Oh,"

"I'm Andrew," aniya sa lalaki.

Nawala ang ngiti ng lalaki saka ito lumingon sa akin. Parang nagtatanong ang mukha niya. "He's…" saglit akong nahinto para isipin ang tamang term kung sino ba siya sa akin. "He's… my…" nakagat ko ang labi ko nang pati si Andrew ay nilingon na ako. "He's my fiancé."

HOME VISIT (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon