Chapter 2

146 6 1
                                    

“Andiyan na si Andres.”

Kumunot ang noo ko dahil sa bulungan nilang iyon. Ang daming mga estudyante ngayon sa hallway. Parang may apocalypse na nangyayari. Hindi naman sila nakaharang sa daraanan ko kaya madali sa akin ang maglakad.

Wala naman akong pakialam kung anong ginagawa nila sa mga buhay nila. Ang akin lang, late na naman ako.

“Andres.”

May kumabig sa braso ko kaya napahinto ako sa paglalakad. Mabilis na nilingon ko ang kumag na iyon na magiging dahilan ng pagkahuli ko sa klase.

Isang lalaki. Para pa siyang kinakabahan na magrereport sa akin tungkol sa lesson ngayong araw.

“Bakit?” Tanong ko.

Ngumiti siya saka niya inabot sa akin yung nakatago sa likod niyang bulaklak. Parang namumukhaan ko ang bulaklak na hawak niya. Yan yung bulaklak sa gilid ng cafeteria. Haist.

“Para sa iyo, Andres.”

“Hindi pa ako patay para bigyan mo niyan. Next time, ayusin mo ang pagpitas.”

"Whoah! Tol, wala ka pala, eh! Hahaha!”

Hindi ko na sila pinansin at mabilis na akong naglakad papasok sa classroom. Sanay na ako sa mga ganun. Lagi naman nila akong pinagtitrip-an. Pero siyempre, mas malakas ang trip ko araw-araw.

“Why are you late?”

Bago pa ako makakatok ay naunahan na ako ni Sir. Napansin ko agad ang ayos ni Sir. Para siyang nagpa-salon dahil ang kintab ng buhok niya. Wala na ring gusot ang suot niyang uniporme. Nagbago ang lahat sa kaniya ngayon.

Mukha siyang may liligawan. Sino kaya ang malas na natipuhan ng kumag?

“E, natrapik kasi yung sinakyan kong jeep kanina, Sir.” Pero siyempre hindi yun ang nangyari. Sinabihan ko si John na gisingin ako nang maaga sa normal kong gising pero tinanghali rin daw siya ng gising kaya, ayun nagmadali na ako.

“Kung hindi absent, lagi namang late. Sige, pasok.” Reklamo niya.

Mabilis na naglakad ako papunta sa puwesto ko saka ako naupo sa tabi ni Gracie. Patago siyang nagbabasa ng paborito niyang libro.

Sa likuran ang puwesto namin kaya hindi kami mapapansin agad.

“Going back to our topic…”

And as usual, hindi ako nandito para makinig. Hindi naman talaga ako pumasok para mag-aral. Pumasok lang ako dahil dun sa activity na tinutukoy ni Sir.

Namiss ko na tuloy ang humiga sa kama at manood ng teleserye sa TV. Ang boring kayang pumasok araw-araw. Pati itong lesson niya ay sobrang boring.

Niyuko ko ang ulo ko saka ako pumikit at naglagay ng earphone sa tainga.

Lagi kong naiisip si John. Well, wala naman akong dapat isipin pang iba pero may bumabagabag pa rin sa akin.

Nang matapos ang klase ni Sir ay nag-angat na ako ng ulo. Ang daming nakasulat sa white board na puro formula at solution ng Avogadro’s Law.

“Sumunod sa akin ang lahat ng tinawag ko.”

Hala, sino ang mga tinawag niya? Kasama ba ako roon? Nilingon ko si Gracie na hanggang ngayon ay nagbabasa pa rin. Sigurado naman akong wala rin siyang alam.

Bumaling ako sa kaharap ko saka ko siya kinalabit. “Kasama ba ako sa mga tinawag ni Sir?” Tanong ko sa kaniya.

“Oo, kasama ka sa mga tinawag ko. Tulog kasi nang tulog.”

Ay, sungit. Daig pa niya babae sa kasungitan niya. Palibhasa guwapo ngayon kaya nagtataray na naman.

Mapaklang ngumiti naman ako saka sumunod na rin sa kanila palabas ng room.

HOME VISIT (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon